Posts

Showing posts with the label CREAM

MACARONI CHEESE and LUNCHEON MEAT

Image
May pasalubong sa akin na ibat-ibang klase ng pasta ang pamangkin kong si Christian galing ng Abu Dhabi.  Isa na dito ay itong macaroni pasta na ito na sa tingin ko ay mas malalaki kumpara sa mga elbow macaroni na nabibili natin sa pamilihan. Isa lang ang nasa isip ko na gawing luto dito at ito ay itong ngang mac and cheese.   Hinaluan ko na lang din ng luncheon meat para naman may laman-laman at para  mas sumarap pa.  Try nyo din po.  MACARONI CHEESE and LUNCHEON MEAT Mga Sangkap: 500 grams Elbow Macaroni Pasta 1 can Pork Luncheon Meat (cut into cubes) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 small can Evaporated or Fresh Milk 1 tsp. Dried Basil 2 cups Grated Cheese 1/2 cup Melted Butter 1 head Minced Garlic 1 pc. White Onion (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang elbow macaroni according to package directions. 2.   Sa isang non-stick na kawali o wok, i-prito ang luncheon meat sa butter hanggang ...

BEEF STROGANOFF

Image
Ang Beef Stroganoff ay isang Russian dish na kinuha ang pangalan kung kanino nag-origin ito.   Nanalo daw ang dish na ito sa isang paligsahan at mula noon at naging tanyag na ito sa ibat-ibang bansa at nagkaroon na din ng maraming bersyon. Ilang beses na din ako nakapagluto nito pero ordinary cream lang ang aking ginagamit.   Sa original recipe kasi sour cream ang inilalagay.   Hindi ako pamilya sa lasa ng sour cream kaya hindi ko ito nasusubukan.   Not until nitong huling try ko na magluto ulit nito.   Kahit may kamahalan ang halaga ng sour cream ito ang ginamit.   Pero hindi ako nagsisi,  mas masarap ang kinalabsan ng aking beef stroganoff.   For sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya. BEEF STROGANOFF Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced into bite size pieces) 2 cup Sour Cream 1 can Sliced Button Mushroom 1/2 cup Melted Butter 2 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 1 tsp. Maggi...

CREAMY BEEF, MUSHROOM and POTATOES

Image
Minsan lang kami mag-ulam ng karneng baka.   Bukod kasi sa may kamahalan ang per kilo nito, may katagalan din itong lutuin lalo na kung may katigasan ang karne.   Kung yun namang malambot na parte ang bibilhin, panigurado doble o triple pa ang presyo nito.   Isa pa, very limited lang din ang alam kong luto sa baka kaya pangkaraniwan nilaga, bistek o caldereta ang nagiging luto ko dito. This time, isang espesyal na beef dish ang ibinibigay ko sa inyo na alam kong magugustuhan ng inyong pamilya.   Try nyo din po. CREAMY BEEF, MUSHROOM and POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 1 can Button Mushroom (sliced) 2 pcs. Potatoes (cut into sticks) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 head Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 3 tbsp. Butter 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 2.   Isunod na agad ang hiniwang ka...

CREAMY PORK BINAGOONGAN

Image
Nagluto ako ng Bagoong Alamang nitong isang araw.   At isa lang ang naisip kong dish na pwedeng paglahukan nito.   Ang Pork Binagoongan.   Favorite ko kasi ito. Pangkaraniwan nilalagyan din ng gata ng niyog itong binagoongan.   Mas napapatingkad kasi nito ang sarap at lasa ng kabuuan ng dish.   But this time all purpose cream naman ang aking ginamit.   May natanggap kasi akong gift pack from Alaska dahil sa pag-sali ko sa isa nilang pa-contest.  Kaya para mapakinabangan na ginamit ko na ito sa dish na ito. Masarap ang kinalabasan.   But still, nasa magandang quality ng bagoong alamang ang pinaka-key para mapasarap ang dish na ito.  Try nyo din po. CREAMY PORK BINAGOONGAN Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (cut into cubes) 2 cups Bagoong Alamang 1 tetra brick Alaska Crema or All Purpose Cream 3 tbsp. Cane Vinegar 2 pcs. Tomatoes (slcied) 1 pc. Onion (sliced) 1 head Minced Garlic 1 tsp. Maggi...

PEACHES and CREAM

Image
Ito ang dessert na ginawa ko nitong nakaraang kaarawan ng bunso kong anak na si Anton.   Peaches and Cream. Actually, para siyang panna cotta dahil ginamitan ko ito ng ng gelatin.   Tinawag ko na lang itong peaches and cream komo yun nga ang main ingredients ng dessert na ito.   Wala ako sinunod na recipe, basta yung instict ko na lang ang aking sinunod.   Masarap ang dessert na ito.   Hindi masyadong matamis at okay na okay sa mga katulad kong taga media.   Me-diabetis.    Hehehehehe PEACHES and CREAM Mga Sangkap: 1 Pack Graham Cracker (yung durog na)1 cup Melted Butter 1 big can Peaches (sliced) 1 tetra Brick All Purpose Cream 1 tetra Brick  Full Cream Evaporated Milk 1 sachet White Mr. Gulaman Sugar to taste Paraan ng pagluluto:: 1.   Sa isang square dish paghaluin ang dinurog na graham crackers at melted butter.   I-press ito sa bottom gamit ang tinidor.  Ilagay muna...

CREAMY BEEF MUSHROOM & POTATOES ala BEEF STROGANOFF

Image
Una po pasensya na kung medyo dumadalang ang aking mga post sa aking food blog na ito.   Medyo nagkasakit po kasi ako nitong mga nakaraang araw at hindi na po talaga ako nakakapagluto ng masasarap at kakaibang putahe. But anyways, narito po ang isang beef dish na paboritong-paborito ng aking pamilya.   Itong Creamy Beef Mushroom & Potatoes.    Sa dish na Beef Stroganoff ko nakuha ang inspirasyon sa dish na ito.   Nilagyan ko na lang ng dagdag pa na rekado para mas lalo pa itong mapasarap.   Try nyo din po.   Tamang-tama to start a brand new month. CREAMY BEEF MUSHROOM & POTATOES ala BEEF STROGANOFF  Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (cut into cubes) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 big can Sliced Mushroom 2 pcs. large Potatoes (cut into cubes) 1/2 tsp. Dried Basil 1/2 cup Melted Butter 1 head Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ...