CREAMY PORK BINAGOONGAN
Nagluto ako ng Bagoong Alamang nitong isang araw. At isa lang ang naisip kong dish na pwedeng paglahukan nito. Ang Pork Binagoongan. Favorite ko kasi ito.
Pangkaraniwan nilalagyan din ng gata ng niyog itong binagoongan. Mas napapatingkad kasi nito ang sarap at lasa ng kabuuan ng dish. But this time all purpose cream naman ang aking ginamit. May natanggap kasi akong gift pack from Alaska dahil sa pag-sali ko sa isa nilang pa-contest. Kaya para mapakinabangan na ginamit ko na ito sa dish na ito.
Masarap ang kinalabasan. But still, nasa magandang quality ng bagoong alamang ang pinaka-key para mapasarap ang dish na ito. Try nyo din po.
CREAMY PORK BINAGOONGAN
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (cut into cubes)
2 cups Bagoong Alamang
1 tetra brick Alaska Crema or All Purpose Cream
3 tbsp. Cane Vinegar
2 pcs. Tomatoes (slcied)
1 pc. Onion (sliced)
1 head Minced Garlic
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
3 tbsp. Cooking Oil
5 pcs. Siling pang-sigang
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
2. Ilagay na agad ang pork belly at halu-haluin para ma-sangkutsa o magmantika ng bahagya.
3. Ilagay ang suka at mga 2 tasang tubig at takpan. Hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Ilagay na ang bagoong alamang at ang siling pang-sigang. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
5. Ilagay na ang Alaska Crema at Maggie Magic Sarap.
6. Tikman muna bago timplahan ng asin at paminta. Hinuli ko na ang asin dahil baka maalat na ang bagoong na ginamit.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments