Posts

Showing posts with the label red wine

PORK LIVER ADOBO with RED WINE

Image
Isa pa sa mga paborito kong ulam ay itong pork liver steak or adobo. Kaya naman, nang may nakita akong fresh na atay ng baboy ay bumili agad ako ng 1 kilo. Isa lang ang nasa isip ko na gawing luto dito. Ito ay ang i-adobo. Pero para magkaroon ng twist, nilagyan ko ito ng red wine. Mas mainam na yung manamis-namis na red wine ang gamitin. At para magkaroon din ng citrus flavor, nilagyan ko din ito ng katas ng calamansi. Okay naman ang kinalabasan. Take note lang na huwag i-overcooked at titigas ang atay na niluluto ninyo. PORK LIVER ADOBO with RED WINE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liver cut into cubes 1/2 cup Sweet Red Wine 1/2 cup Vinegar 1/3 cup Sweet Soy Sauce 4 pcs. Calamansi 1 head minced Garlic 1 tsp. ground Black Pepper 1 tsp. Maggie magic Sarap Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa kaunting mantika, igisa ang bawang sa kaunting mantika hanggang sa mag-golden brown. 2. Ilagay na agad ang atay, red wive, vinegar, soy sauce, katas ng calamansi, paminta, maggie mag...