Posts

Showing posts with the label tofu

CHOPSUEY with TOFU and LECHON KAWALI

Image
Bumibili din ba kayo nung mga packed mix vegetables kagaya ng pang pinakbet at chopsuey sa mga supermarket kagaya ng SM or Puregold?   Sa tingin ko ay mas makakamura ka dito lalo na kung hindi naman pang-marami ang lulutuin mo.   Kapag kasi bumili ka ng per klase ng gulay, medyo mapapamahal ka unless marami o lahata ay lulutuin mo.   Kagaya sa amin na pahirapan magpakain ng gulay, yung 1 pack ay okay na sa amin. Itong packed mix vegetables ang ginamit dito sa tofu and bagnet chopsuey na niluto nitong nakaraang Linggo.   As expected naubos ang tofu at bagnet at ako ang umubos ng mga gulay.   Hayyy!!!  ang mga anak ko talaga.    Hehehehe. CHOPSUEY with TOFU and LECHON KAWALI Mga Sangkap: 500 grams Lechon Kawali (cut into cubes) 1 block Tofu or Tokwa (cut into cubes then fry) Mix Vegetables (carrots, broccoli, cauliflower, Baguio beans, cabbage, celery, bell pepper, etc.) 1/2 cup Oyster Sauce 5 cloves Min...

LUGAW with CRISPY TOKWA'T BABOY

Image
Ilang araw na ding nagke-crave ako sa lugaw tokwa't baboy.   May nagtitinda naman sa labas ng opisina na aking pinapasukan kaso di ako makalabas dahil sa walang tigil nabuhos ng ulan. At komo naguulan nga masarap talaga na kumain ng maiinit na sabaw.   Kaya nitong isang araw nagluto ako nito para sa aming almusal. Pangkaraniwan, yung nilagang baboy ang ginagamit natin sa tokwa't baboy na ito.   Pero in this version, nilaga at pagkatapos ay isinalang ko naman sa turbo broiler para maging crispy ang kalabasan.    So, lechon kawali ang kinalabasan ng baboy na inihalo ko sa piniritong tokwa. Ang resulta?  Ubos lahat ng lugaw tokwa at baboy na aking niluto.   Yummy!!!! LUGAW with CRISPY TOKWA'T BABOY Mga Sangkap: 1/2 kilo Whole Pork Belly 8 pcs. Tokwa o Tofu 2 cups Malagkit na Bigas 2 heads Minced Garlic 2 pcs. White Onion (sliced)  1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for fry...

PORK and TOFU in OYSTER and BLACK BEANS SAUCE

Image
Kung medyo nagba-budget tayo sa mga pagkaing ating inihahanda para sa ating pamilya, pangkaraniwang ginagawa natin ay nilalahukan natin ito ng mga gulay o extender kagaya ng tokwa.   Yung iba naman dinadagdagan na lang ang sabaw ang sauce para magskaya.   Dito sa dish na ito, tokwa ang aking ginamit.   Masarap ito at para ka na ding kumain sa isang Chinese restaurant.   Try nyo din po. PORK and TOFU in OYSTER and BLACK BEANS SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes) 1 block Tofu or Tokwa (cut into cubes) 1 thumb size Ginger (cut into strip) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1/3 cup Black Bean Sauce 1/4 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 2 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   I-prito ang tokwa ng lubog sa mantika hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan. 2.   Baw...

TOFU CHOPSUEY

Image
Ito ang vegetable dish na inihanda ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Tofu Chopsuey. Naisip ko na ito ang gulay na ihanda para healthy naman.   Marami din kasi ang nag-e-email sa akin na nag-re-request ng vegetable dish. Hindi pala ako nag-lagay ng sukat o dami ng mga gulay na gagamitin.   Nasa sa inyo na yun kung gaano karami ang gusto nyong lutuin.   Bahala na kayong tumantya sa dami ng oyster sauce at tofu na ilalagay. I'm sure magugustuhan nyo ang luto na ito. TOFU CHOPSUEY Mga Sangkap: 1/2 cup Oyster Sauce Brown Sugar 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) Tofu o tokwa Sayote (balatan at hiwain sa nais na laki) Carrots (balatan at hiwain sa nais na laki) Cauliflower (hiwain sa nais na laki) Baguio Beans (hiwain ng mga 1 inch na haba) Young Corn (sliced) Red Bell Pepper (cut into cubes) Repolyo (hiwain sa nais na laki) Celery (hiwain sa nais na laki) Salt and pepper to taste 1 tbsp Cornstarch 3 cups. Cooki...

CRISPY TOKWA'T BABOY

Image
Pangkaraniwang tokwa't baboy na alam natin ay yung iniuulam natin sa mainit na lugaw o congee.   Actually, itong recipe natin for today ay halos pareho lang nun.   Ang pagkakaiba lang ay ang pagkaluto sa baboy.   In this recipe, minarinade muna siya, nilagyan ng breadings at saka pinirito hanggang sa maluto at maging crispy.   Pwede din naman itong ipang-ulam sa lugaw pero masarap na masarap din ito na pang-ulam mismo sa kanin.   Nagustuhan nga ito ng aking mga anak. CRISPY TOKWA'T BABOY Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork Liempo 5 pcs. Tokwa 1 tsp. Garlic Powder 1 cup Flour or Cornstarch 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying 1 cup Cane Vinegar 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Salt 1 tbsp. Sugar 1 pc. White Onion (sliced) Ground Black Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwain ang pork liempo ng mga 3 inches ang haba. 2.   Timplahan ito ng asin, paminta, maggie magic s...

CHICKEN FILLET and TOFU in OYSTER and BLACK BEAN SAUCE

Image
Nakabili ako ng 1 kilo na chicken breast fillet.   Dapat sana gagawin ko itong chicken roulade stuffed with chinese chorizo.   Pero hindi ito natuloy sa hindi ko matandaan na dahilan.   Kaya ang nangyari, yung ilang piraso ng chicken breast ay niluto ko na lang na chicken katsu tama lang para sa kakainin ng aking mga anak.   Tuloy, naging alanganin yung natira pang chicken breast para sa isa pang dish. Dito ko naisipan na bakit hindi ko na lang haluan ito ng gulay.  So parang chopsuey ang kakalabasan.   Kaso hindi pala masyadong mahilig sa gulay ang aking mga anak.  Ang ginawa ko na lang, hinaluan ko ito ng fried tofu at nilagyan ko ng oyster sauce at black bean sauce o tausi. Also in this dish, ginawa ko yung technique na nabasa ko sa isang blog para mas maging tender ang laman ng manok.  Alam naman natin na medyo dry ang chicken breast.   Ito ay sa pamamagitan ng pag-gamit ng baking soda bago i-marinade ang manok....

PAKSIW na LECHON KAWALI with ROSEMARY

Image
Hindi pangkaraniwan tayong nakakapagluto at nakakakain ng paksiw na lechon.   Bakit naman?   Una, may kamahalan ang kilo ng lechon.  Pangalawa, kung maka-kain naman tayo nito ay kung may mga espesyal na okasyon lang.  Ang sarap pa naman nito at gustong-gusto ko yung balat ng lechon na napaksiw na na talaga namang it melts in the mouth.   Hehehehe Ako pag hinahanap-hanap ng dila ko ang paksiw na lechon, gumagawa na lang ako ng lechon kawali at saka ko pina-paksiw.   Ganun din naman yun at kapareho din lang halos ang lasa. May ilang paksiw na lechon recipes na din ako sa archive, but in this version, nilagyan ko ng rosemary yung karne ng baboy bago ko ni-roast sa turbo broiler.   Ang resulta, mas naging malasa at malinamnam ang aking lechon kawali.   Try nyo din po. PAKSIW na LECHON KAWALI with ROSEMARY Mga Sangkap: 1.5 kilo Pork Liempo 1 tbsp. Dried Rosemary 1 bottle Mang Tomas Lechon Sauce 2 pcs. Onio...

BANGUS FILLET and TOFU in BLACK BEANS SAUCE

Image
Na-try nyo na ba yung bangus back fillet na natatagpuan sa frozen section ng mga supermarket?   Yes.  Marami na ding mga brand na lumalabas ngayon.   Meron din nung mga parts ng bangus like ito ngang back fillet, yung tiyan at yung daing na mismo.  Whats good sa ganitong cut ng bangus ay naipa-plano kung anong luto ang maganda ditong gawin. Kagaya nga nitong back fillet na bangus na ito.   Naisip ko agad na lutuin ito na may kasamang tokwa at may black bean sauce o tausi.  Sarap nito, para ka na ring kumain sa isang Chinese Restaurant.  Yummy!!! BANGUS FILLET and TOFU in BLACK BEANS SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Bangus Back Fillet (cut into serving pieces) 1 block Tofu o Tokwa (cut into cubes) 1/2 cup Unsalted Black Beans o Tausi 3 tbsp. Oyster Sauce 2 tbsp. Soy Sauce 1 tbsp. Sesame Oil 1 tbsp. Cornstarch 2 tbsp. Brown Sugar 2 cups Cornstarch 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large Onion (Sliced) 5 cloves minced Garl...

TOFU and CHICKEN ADOBO

Image
Paborito ko ang chicken adobo.   Kahit noong araw na binata pa ako at nagbo-board dito sa Maynila para mag-work, kapag umuuwi ako sa amin sa Bulacan, talaga ipinagluluto ako ng aking Inang Lina ng paborito kong adobo.   Until now na marunong na akong magluto, hindi ko pa rin  matumbasan o magaya ang adobo ng aking Inang.  Ewan ko ba.   Iba lang talaga siguro ang pagmamahal ng aking Inang sa akin kaya ibang sarap talaga ang aking nalalasahan at nararamdaman kapag kumakain ako ng kanyang adobo. Sa aking pamilya, paborito din nila ang aking adobo.   At para hindi nakakasawa, nilalagyan ko ito ng variation o ibang sangkap.   Kagaya nitong chicken adobo na niluto nitong isang araw.   Nilagyan ko pa ito ng tofu o tokwa.   Masarap naman ang kinalabasan lalo na nung kumapit na ang lasa ng adobo sa tokwa.   Okay na lagyan nitong tokwa ang inyong adobo.   Kung baga, naging extender siya ng chi...

BEEF and TOFU in TERIYAKI SAUCE

Image
Last week, nag-luto ako ng nilagang baka para sa aming dinner.   Siguro mga 1.5 kilos yun kasama na ang mga buto-buto at sa tingin ko ay sobra-sobra yun para sa amin kaya naisipan kong alsin yung ibang laman at yung mabubutong part ang itinira ko para sa nilaga. Ilang araw din ang itinagal ng natirang laman ng baka na yun sa aming fridge at naisipan kong lutuin na ulit ito.   Kaya lang, parang bitin naman sa amin ang natirang laman at nag-iisip ako kung ano ang pwede kong idagdag para dumami.   Kung lalagyan ko ng gulay, sobrang mahal naman nito ngayon at baka masayang lang komo hindi mahilig sa gulay ang aking mga anak.  Dito ko naisipan ang tofu o tokwa.  Bakit hindi?   Masarap ito at ayos na ayos na pang-extender sa anumang lutuin.   Dapat sana ay sa oyster sauce ko lang ito lulutuin pero nagbago ang isip ko nang makita ko naman ang bote ng teriyaki sauce sa supermarket.   At eto na nga...isang winner na di...

STUFFED TOFU with MINCED PORK & VEGETABLES

Image
Parang napaka-espesyal ng tofu dish na ito pero sa totoo lang nabuo ang dish na ito dahil sa tira-tirang giniling na ginamit ko sa chicken relyeno. Yes, yung entry ko nitong mga nakaraang araw. Nung may natira pang pampalaman sa chicken relyeno, ito agad stuffed tofu ang naisip ko na gagawin. But thake note na ang pinaka-magdadala sa dish na ito ay yung sauce na kasama. Kaya sa mga mahilig sa tofu o tokwa, ito ang dish na para sa inyo. Actually limitless ang pwede nyong ipalaman sa tofu. Kung gusto ninyo ay puro gulay naman na parang lumpia. O kaya naman ay minced chicken. Again, nasa sauce ang magdadala sa dish na ito. STUFFED TOFU with MINCED PORK & VEGETABLES Mga Sangkap: 2 blocks Tofu (cut into 1/2 inch thick) 250 grams Ground Pork 1 cup Mix Vegetables (carrots, corn, green peas) 1/2 cup Raisins 1/2 cup Bacon or Ham (cut into small pieces) 1/2 cup Grated Cheese 1 pc. Red Bell pepper (cut into small cubes) 1 pc. Onion chopped 5 cloves minced Garlic 2 tbsp. Oyster S...

FISH FILLET, TOFU & SQUID BALLS in SWEET & SOUR SAUCE

Image
Madalas kong nababaggit sa iba kong mga recipe yung pag-gamit ng extender o pamparami sa pagkain. Katulad ng patatas o ano pang gulay na pwede mong ilahok sa iyong mga niluluto. Sa entry kong ito for today, dinagdagan ko ang aking fish fillet with sweet and sour sauce ng pritong tofu at squid balls. May kamahalan kasi ang white fish fillet at kung itong lang ang lulutuin ko at walang extender baka hindi ito magkasya sa amin. Ang resulta, mas nagustuhan ng anak kong si Anton ang tofu at squid balls. Hehehehe FISH FILLET, TOFU & SQUID BALLS in SWEET & SOUR SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Fish Fillet (any white meat fish) cut into serving pieces 1 block Tofu cut into cubes 300 grams Squid Balls cut into half 1 small Carrot cut into strips 1 medium size Red/Green Bell pepper cut also into strips 1 large White Onion Sliced 5 cloves minced Garlic 2 thmub size Finger cut also into strips 1 cup Tomato Catsup 1 tbsp. Vinegar 2 tbsp. Sugar 4 pcs. Calamansi 1 cup Flour 1 Egg beaten 1 ...

TOFU CHOP SUEY

Image
Ito ang 3rd dish na inihanda ko sa aking nakaraang kaarawan. Tofu Chop Suey. Naisip kong ihanda ito dahil may officemate ako na Muslim. Alam naman natin na hindi silakumakain ng baboy at kung manok o baka naman, dapat ay halal ito. Simple lang ang dish na ito. Ayos na ayos din ito sa mga vegeterian o yung mga nagda-diet. Nagustuhan talaga ng mga officemate ko ang dish na ito. Kagaya nung ibang putahe na niluto ko, hinihingi din nila ang recipe nito. At eto na nga. Dito na lang nila basahin. Hehehehe TOFU CHOP SUEY Mga Sangkap: 2 blocks Tofu o tokwa cut into cubes (bahala na kayo kung gaano kadami ang gusto ninyo) 100 grams Squid Balls (cut into half) 200 grams Brocolli cut into bite size pieces 200 grams Cauliflower cut into bite size pieces 100 grams Baguio Beans (cut into 1 inch long) 1 large Carrot sliced 2 tangkay Celery 2 pcs. large Red and Green Bell pepper 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame Oil 5 cloves minced Garlic 1 large...

FISH & TOFU in BLACK BEANS SAUCE

Image
Isa na naman espesyal na ulam ang handog ko sa inyong lahat. Fish & Tofu in Black Beans Sauce. May nabili akong 1 kilo na isdang malasugi sa SM Makati. Malaking klase ng isda ito na parang tanigue o kaya naman ay tuna. Hindi din ito masyadong matinik. Yung kalhati nito ay ipinaksiw ko sa tuyong kamias at ito ngang kalhati pa ay nilagyan ko ng tokwa at black beans sauce o tausi. Sa dish na ito pwede ding gumamit ng kahit anong isda na white ang laman at hindi masyadong matinik. Pwede dito ang tuna boneless bangus o kaya naman ay tilapia. FISH & TOFU in BLACK BEANS SAUCE Mga Sangkap: 1/2 Kilo Fish Fillet cut into serving pieces (any white meat fish) 1 block Tofu cut into cubes 1/2 cup Unsalted Black Bean Sauce 3 tbsp. Oyster Sauce 3 tbsp. Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame oil 1 tsp. Cornstarch 2 tbsp. Ginisa Mix 2 cups cooking oil 3 cloves minced Garlic 1 thumb size Ginger sliced 1 medium size Onion sliced salt and pepper to taste Paraa...

LUGAW TOKWA BABOY

Image
Noong araw, may maliit kaming carinderia at nagtitinda kami ng mga lutong ulam at meryenda na din. Nasa highschool ako noon at kami lahat sa pamilya ay tulong-tulong sa maliit naming tindahan na ito. Marahil dito ko din natutunan ang mga basics ng pagluluto. Pangkaraniwan na tinda namin na meyenda ay itong Lugaw Tokwa Baboy. Di ko na matandaan kung magkano ang benta namin nun. Pero murang-mura lang talaga. Ang secret namin sa lugaw baboy tokwa namin nun ay yung suka na ginagamit namin. Pinapakuluan muna ang suka, toyo, asin, sibuyas at kaunting asukal. Mas sumasarap ang suka pag ganito ang ginagawa. Ito ang almusal namin nitong nakaraang araw. At syempre naman, enjoy na enjoy dit ang mga bata at ako na rin. Para kasing bumalik ang pagkabata ko nung kinakain ko na ito. Hehehehe LUGAW TOKWA BABOY Mga Sangkap: 1 cup Malagkit na Bigas 1/2 cup Ordinary rice 1/2 Ulo ng Baboy (linising mabuti) 1 block Tokwa sliced 2 heads Minced Garlic 1 large size chopped Onion 1 cup S...

SHRIMP, TOFU, PORK LIVER & VEGETABLES in OYSTER SAUCE

Image
The last time na nag-grocery ako sa SM sa Makati, may nakita akong fresh na shrimp na headless na. I don't know kung bakit inalisan ng ulo. Sa tingin ko naman okay pa dahil wala naman itong amoy. P400 din ang kilo nito kaya ang ginawa ko 1/2 kilo lang ang binili ko. Stir fry na may kasamang gulay ang naisip kjong gawin sa shrimp na ito. At eto na nga ang finish product na naluto ko. Bukod sa shrimp, nilagyan ko din ito ng tofu o tokwa at yung natira ko pang pork liver sa fridge. For the vegetables, carrots at chicharo lang ang nilagay ko. Di ba di naman masyadong kumakain ng gulay ang mga anak ko? Stir fry na may kaunting sauce ang ginawa kong luto dito. Gusto ko kasi yung may sabaw na konti para ilalagay sa kanin. Gusto din ng mga anak ko ng ganun para hindi dry ang kanin nila. Try it! Ayos na ayos sa lunch man o dinner at madali lang gawin. SHRIMP, TOFU, PORK LIVER & VEGETABLES in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Shrimp (alisin yung ulo at balat. Hiwaan sa may likod ang hi...

AMPALAYA con TOKWA

Image
Another simple but delicious dish ang handog ko sa inyo sa araw na ito. Hindi ko alam kung marami sa sumusubaybay sa food blog kong ito ang kumakain ng amplaya. Mapait kase eh....hehehe. Dapat daw pag nagluluto ng amplaya huwag daw sisimangot kasi mas lalong papait ang ampalaya. hehehehe. Kasabihan lang yun. But ofcourse kagaya nung sinasabi ko, dapat mula sa puso o bukal sa puso ang paglulutong ginagawa. Dapat ang nasa isip natin ay sana magustuhan ng kakain ang ating niluluto. Subukan nyo at hindi gaanong mapait ang ampalaya nyo. Isa pa, kung bibili kayo ng ampalaya, piliin nyo yung malalaki ang kulubot ng balat. Pag-pino kasi ang balat mas mapait. Well base yan sa experience ko...hehehehe...walang scientific explanation...hehehe AMPALAYA con TOKWA Mga Sangkap: 1 pc. Large Ampalaya (alisin ang buto at hiwain ng palihis at ayon sa nais na kapal) 250 grams Tokwa (cut into cubes) 2 Eggs beaten 50 grams Chicharon Baboy 1/2 cup Oyster Sauce 5 cloves Minced garlic 1 large W...

FISH with TOFU in SWEET and SOUR SAUCE

Image
Another classic dish ang handog ko para sa lahat ng taga-subaybay ng munting food blog kong ito. Fish fillet with tofu in sweet and sour sauce. May 1 kilo ako na fish fillet (cream of dory) sa fridge na mga ilang araw na din. Hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Bigla na lang tumama sa isip ko na bakit hindi ko na lang lagyan ito ng sweet and sour sauce. Yung parang chinese dish ang dating. At para dumami siya, dinagdagan ko ng tofu o tokwa. Hindi kasi magkakasya sa aming 7 kung puro fish fillet lang. hehehehe FISH with TOFU in SWEET and SOUR SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Fish Fillet (any white fish...cream of dory, lapu-lapu, tilapia, etc.) 1 block Tofu cut into cubes (depende na lang kung gaano karami ang gusto ninyong ilagay) 1 large Carrot sliced 1 large Red/Green Bell pepper cut into cubes 1 small can Pineapple chunk 1 cup Sweet tomato or banana catsup 1 large White onion sliced 5 cloves Minced Garlic 1 thumb size Ginger thinly sliced 1 tbsp. Cornstarch 1/2 cup Sugar 2 t...

BEEF and TOFU with BLACK BEANS SAUCE

Image
Sa aming bahay, masasabi kong balanse ang kinakain naming pagkain. Basta ikot lang ang isda, manok, baboy at baka na pang-ulam sa buong linggo. Ang gulay naman ay inilalahok ko na lang sa kung anon mang luto ang gagawin. Isang beses lang kami mag-ulam ng baka sa isang linggo. Bukod sa may kamahalan ang karne nito, matagal pa itong palambutin. Tiyak ubos ang cooking gas mo pag ito ang lulutuin mo. Kapag nga ganitong may kamahalan ang baka, ang ginagawa ko ay lahukan ng gulay o kaya naman ay gamitan ko ng extender. Kagaya nitong entry natin for today. Kung hindi ko lalagyan ng tofu o tokwa, baka isang kainan lang ang 1 kilong baka na ito. Hehehehe.... BEEF and TOFU with BLACK BEANS SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket 500 grams block Tofu (cut into 1/2 inch cube) 1 cup Salted Black beans 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Brown Sugar 4 cloves Minced garlic 1 large Onion chopped 5 slices Ginger 1 tbsp. cornstarch salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Pakuluan hanggang sa lumambot ...

LUGAW TOKWA BABOY

Image
Noong araw, mayroon kaming maliit na carinderia na pinamamahalaan ng aking Inang Lina. Ofcourse, tulong-tulong kami sa pagpapatakbo nito. Kaya nga natuto ako at nakahiligan ko ang magluto. Meryenda at lutong ulam ang itinitinda namin. Mayroon kasing pabrika malapit sa aming tindahan kaya naman nagluluto kami ng meryenda sa umaga at pati na din sa hapon. Isa sa madalas naming itinda na meryenda ay itong Lugaw Tokwa baboy. Mabiling-mabili ito hindi lang sa sarap ng lugaw kundi pati na rin sa sarap ng suka ng ginagamit namin sa tokwa't baboy. Iniluluto muna kasi namin ito kung baga ay pinakukuluan para maging mas masarap. Ito ang naisipan kong ihanda na almusal nitong nakaraang Linggo. Nakakatuwa naman at nagustuhan ng aking asawa at mga anak. Nagbalik ala-ala tuloy yung panahon na nagtitinda kami nito....hehehe. LUGAW TOKWA BABOY Mga Sangkap: 1 & 1/2 cup Malagkit na bigas 1/2 kilo Ulo ng baboy o Liempo 2 blocks Tokwa 1 cup Vinegar 1 cup Soy sauce 1 tbsp. sugar 1 pc. ...