PAKSIW na LECHON KAWALI with ROSEMARY

Hindi pangkaraniwan tayong nakakapagluto at nakakakain ng paksiw na lechon.   Bakit naman?   Una, may kamahalan ang kilo ng lechon.  Pangalawa, kung maka-kain naman tayo nito ay kung may mga espesyal na okasyon lang.  Ang sarap pa naman nito at gustong-gusto ko yung balat ng lechon na napaksiw na na talaga namang it melts in the mouth.   Hehehehe

Ako pag hinahanap-hanap ng dila ko ang paksiw na lechon, gumagawa na lang ako ng lechon kawali at saka ko pina-paksiw.   Ganun din naman yun at kapareho din lang halos ang lasa.

May ilang paksiw na lechon recipes na din ako sa archive, but in this version, nilagyan ko ng rosemary yung karne ng baboy bago ko ni-roast sa turbo broiler.   Ang resulta, mas naging malasa at malinamnam ang aking lechon kawali.   Try nyo din po.


PAKSIW na LECHON KAWALI with ROSEMARY

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Liempo
1 tbsp. Dried Rosemary
1 bottle Mang Tomas Lechon Sauce
2 pcs. Onion (chopped)
1 head Minced Garlic
3 tbsp. Brown Sugar
1/2 cup Vinegar
1/2 tsp. ground Black Peper
2 tbsp. Rock Salt 

Paraan ng pagluluto:
1.  Hiwaan ng mga 1/2 inch ang parteng balat ng liempo.
2.   Timplahan ito ng pinaghalong asin, paminta at rosemary.   Lagyan din ang mga pagitan ng hiwa.
3.   Lutuin ito sa turbo broiler o sa oven sa pinaka-mainit na settings hanggang sa pumula at mag-pop ang balat.
4.  Hanguin at palamigin sandali.
5.   Hiwain ng pa-cube o sa nais na laki at ilagay sa isang heavy bottom na kaserola.
6.  Ilagay na din ang nalalabi pang sangkap:   Bawang, sibuyas, mang tomas sarsa ng lechon, brown sugar, suka, asin at paminta.
7.  Takpan at pakuluan ng mga 15 hanggang 20 minuto.
8.   tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy