Posts

Showing posts with the label Pasko

NOCHE BUENA 2017

Image
Almost a year na din nung huli akong mag-post sa food blog kong ito.   Pasensiya na at nagkaroon lang ng problema.  Sana lang ay maipagpatuloy ko pa ito at marami na din ang nag-aabang sa aking pagbabalik.   I just hope na patuloy nyo pa din akong suportahan. Siguro mainam na bumalik ako sa isang post na magandang simulan.   At ito nga ay itong Noche Buena namin nitong nakaraang Pasko.   Syempre naman kapag sinabing Noche Buena...maraming pagkain ito.   But for this year, isang simple at espesyal na pagkain ang aking inihanda para sa aking pamilya. Favorite ng mga anak ko itong Cheesy Bacon and Baby Potatoes kaya ito ang niluto kong appetizer. Isa pa sa paborito nila ay itong Baby back Ribs. Pan-grilled Pink Salmon with Buttered Carrots and Broccoli.   And for the pasta, nagluto ako nitong Penne Pasta with Pesto Sauce. Ofcourse hindi mawawala ang Keso de Bola, Hamon at Fruit Salad sa hapag. I...

ROASTED TURKEY

Image
Ang Roasted Turkey na ito ang naging center piece ng aming nakaraang Noche Buena.   Dapat sana Roasted Peking Duck ang una kong plano kaso hindi ito available sa Chinese Restaurant na dati kong binibilhan. First time ko lang magluto nitong Roasted Turkey.   Naghanap pa nga ako ng pinka-simpleng recipe sa Internet para dito.   Iniisip ko nung una kung papakuluan ko muna ito bago i-roast o diretso na sa turbo broiler.   Problema ko din nung una kung magkakasya ba ito sa turbo broiler at kung ano ang pwede kong alternative kung hindi nga kasya.   Pero sinunod ko pa rin ang instict ko at naging maganda naman ang resulta ng aking first attempt.   Isang masarap at malasang roasted turkey para sa aking mga mahal sa buhay. ROASTED TURKEY Mga Sangkap: 1 whole Turkey 2 pcs. Lemon 2 heads Minced Garlic 1 whole Onion Butter Salt and pepper to taste For Mushroom Gravy: 1 can Sliced Mushroom 1/4 bar Butter 2 tbsp. Minced...

ANONG MASARAP PANG NOCHE BUENA? - PART 2

Image
Narito ang part 2 ng entry ko tungkol sa mga pagkain na pwed nating ihanda sa Noche Buena. Sabi ko nga, hindi importante kung gaano karami o gaano kasasarap ang pagkain na ating ihahanda. Ang mahalaga ay ang pagsasama-sama ng pamilya sa isang hapag. Pero komo nga ang Pasko at ang Noche Buena ay isa sa napaka-halagang okasyon sa atin sa loob ng isang taon, marapat lang na paghandaan talaga natin ito. Narito muli ang ilan sa mga suhestiyon ko n nai-post ko na din dito sa aking blog. Check nyo na lang sa archive ang recipes sa mga ito: Espesyal syempre ang sweet and sour fish na ito. Lapu-lapu ang pangkariwang isda na ginagamit dito although pwede kahit anong medyo may kalakihang isda. Mawawaa ba ang Kare-kareng Buntot ng Baka sa ating hapag? Panalong-panalo ito lalo na kung may kasarapan ang ating bagoong. Porkloin Asado. Panalo din ang dish na ito lalo na yung sauce na kasama dito. Ayos na ayos ito lalo na kung may bisita kayo na darating. Sa mga mahilig sa isda, ...