Posts

Showing posts with the label oyster sauce

DAING na BANGUS with OYSTER SAUCE

Image
Kapag kumakain daw tayo, ang unang kumakain ay ang ating mga mata at pag-iisip.   Kung baga, mas ginaganahan tayong kumain kapag maganda ang itsura nakakatakam ang pagkaing naka-hain sa atin. But ofcourse hindi dapat makalimutan ang lasa ng pagkain na ating ihahain.   Baka naman maganda nga tingnan pero wala namang lasa.   Kaya nga sa mga buffet na kainan tinitingnan ko muna lahat ng nakahain bago ako kumuha.   Balik na lang ulit kung nagustuhan ko ang pagkain. Ganito ang ginawa ko sa simpleng daing na bangus na ito.   Simpleng timpla sa daing na bangus at pagkatapos ay nilagyan ko ng ginisa sa luya na pyster sauce.   At para maging katakam-takam sa mata, nilagyan ko pa ito ng caramelized onion at toasted garlic bits sa ibabaw. Di ba nakakatakam naman talaga?   Try nyo din po. DAING na BANGUS with OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Boneless Bangus 1/2 cup Oyster Sauce 1 thumb size Ginger (cu...

BEEF CHAYOTE in OYSTER SAUCE

Image
Hindi kami madalas mag-ulam ng karneng baka.   Bukod kasi sa may kamahalan ang presyo nito, hindi din ganun karami ang luto na alam kong gawin.   Pangkaraniwan luto na nagagawa ko lang dito ay ang nilaga at ang bistek. Minsan sa pamamalengke ko, may nakita akong magandang cut at klase ng karneng baka.   Kaya naman kahit medyo may kamahalan ang kilo nito ay bumili na din ako.   Naisip ko na lutuin ito with oyster sauce at lalagyan ng broccoli.   Kaso, walang akong nabiling broccoli sa palengke.   Ang ginawa ko na lang sayote ang aking inilagay at okay naman din ang kinalabasan.   Halos pareho lang din ng beef broccoli na gustong lutuin. BEEF CHAYOTE in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1 pc. large Chayote or Sayote (cut into sticks) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 gloves Minced Garlic 2 pcs. Large White Onion (cut into rings) 1 tsp. Sesame Oil 1/2 ...

CHOPSUEY with TOFU and LECHON KAWALI

Image
Bumibili din ba kayo nung mga packed mix vegetables kagaya ng pang pinakbet at chopsuey sa mga supermarket kagaya ng SM or Puregold?   Sa tingin ko ay mas makakamura ka dito lalo na kung hindi naman pang-marami ang lulutuin mo.   Kapag kasi bumili ka ng per klase ng gulay, medyo mapapamahal ka unless marami o lahata ay lulutuin mo.   Kagaya sa amin na pahirapan magpakain ng gulay, yung 1 pack ay okay na sa amin. Itong packed mix vegetables ang ginamit dito sa tofu and bagnet chopsuey na niluto nitong nakaraang Linggo.   As expected naubos ang tofu at bagnet at ako ang umubos ng mga gulay.   Hayyy!!!  ang mga anak ko talaga.    Hehehehe. CHOPSUEY with TOFU and LECHON KAWALI Mga Sangkap: 500 grams Lechon Kawali (cut into cubes) 1 block Tofu or Tokwa (cut into cubes then fry) Mix Vegetables (carrots, broccoli, cauliflower, Baguio beans, cabbage, celery, bell pepper, etc.) 1/2 cup Oyster Sauce 5 cloves Min...

SQUID RINGS in OYSTER SAUCE

Image
May nabiling pusit ang asawa kong si Jolly na medyo may kalakihan.   Ito ata yung pangkaraniwang ginagawang calamares sa mga resto o paluto store. Gusto ng mga anak ko ang calamares pero medyo matrabaho ito at nangangailangan ng medyo maraming mantika sa pagpi-prito. Kaya naisip ko na lutuin na lang ito with oyster sauce.   At hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng aking seafood dish.   Sabagay, ano ba ang mamamali kapag nilagyan mo ng oyster sauce?    Hehehehe SQUID RINGS in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo large size Squid (cut into rings) 3 tbsp. Oyster Sauce 1 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlix 1 pc. large White Onion(sliced) 1 tbsp. Brown Sugar 1 tbps. Cornstarch Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Leeks or Spring Onion to garnish Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang non-stick na kawali o kaserola igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.   Halu-haluin n...

CHICKEN BROCCOLI

Image
Nitong huli kong pamimili sa SM Supermarket sa may Sta. Mesa, may nakita akong magandang cut ng chicken thigh fillet.   Maganda kasi nakasama pa yung skin nito at medyo malalaki ang piraso.  Although sabihin na natin na hindi healthy yung balat ng manok pero kung paminsan-minsan naman ay okay lang siguro.   Yung balat kasi ng manok ang nagbibigay ng extra flavor at moist sa manok. Nung makita ko nga ang mga chicken thigh fillet na ito, isang dish lang ang naisip kong gawin.   At ito na ngang Chicken Broccoli.   Masarap ito.  For sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya. CHICKEN BROCOLLI Mga Sangkap: 3/4 kilo Chicken Thigh Fillet 1/2 kilo Broccoli (cut into bite size pieces) 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Cornstarch (dissolved 1/2 cup water) Salt and pepper to t...

BEEF MUSHROOM & PECHAY in OYSTER SAUCE

Image
Espesyal para sa akin ang ulam na karneng baka.   Natatandaan ko noong araw, bihira lang kaming mag-ulam nito ng aming pamilya komo nga may kamahalan ito.   Araw ng Linggo kapag nag-uulam kami nito at pangkaraniwan nilaga ang ginagawang luto.   Minsan naman ay bistek ang luto na paborito ko din naman. Sa dish na ito pwedeng gumamit nung malambot na parte ng karne ng baka o kahit yung mas mura na parte.   Yun lang kung yung mas mura na parte ang inyong gagamitin medyo may katagala ang pagluluto na gagawin.   Pero okay din lang naman, masarap pa din ang kakalabasan.   Sa version ko pong ito ay yung mumurahing parte ng laman ng baka ang aking ginamit.   Try yo din po. BEEF MUSHROOM & PECHAY in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce A Bunch of Native Pechay 1 can Sliced Button Mushroom 2 tbsp. Brown Sugar 1 thumb size Ginger (cut into strips) 1 p...

SQUID in OYSTER SAUCE

Image
Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post ng recipe nitong mga nakaraang araw at linggo.  Medyo busy lang din po sa work at kung ano-ano pa.   Hehehehe Today, i-share ko po itong simpleng luto sa pusit.   Pangkaraniwan ay ina-adobo natin ito.   O kung medyo may kalakihan ang inyong pusit pwede din ito i-ihaw o i-calamares. Alam ko medyo naumay na tayo sa mga karne na ulam nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon.   At sa mga naghahanap ng seafood dish, tamang-tama ang isng ito.   Try nyo din po.   SQUID in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Medium size Squid o Pusit (linising mabuti) 1/2 cup Oyster Sauce 1 cup Chopped Celery 2 thumb size Ginger (cut itno strips) 1 pc. Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 2 tbsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. 2.  Isunod na agad ang pusit at oyster sauce. 3....

AMPALAYA CON CARNE

Image
Hindi kami madalas mag-ulam ng karneng baka sa bahay.   Medyo may kamahalan kasi ang kilo nito at kung yung medyo mura naman ay may katagalan na lutuin.   Pero espesyal para sa akin ang karneng baka.   Bukod sa lutong caldereta, the best pa rin sa akin ang nilaga nito. This time sinahugan ko naman ng gulay na ampalaya.   Itong Ampalaya con Carne.   First time ko lang magluto nito sa bahay.   Sinusubukan ko kung kakainin ito ng aking mga anak.   Pero ayun, ampalaya ang natira at ako na lang ang umubos nito.   Hehehehe AMPALAYA CON CARNE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced ) 1 pc large size Ampalaya (sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 1 tsp. Cornstarch 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa manti...

BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE

Image
Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw.   Nagkaroon lang po ako ng problema wih Google at hanggang ngayon po ay ina-apela ko pa ang problemang nakikita nila sa aking blog.  Pero ganun pa man, narito ang isang beef dish na tiyak kong inyong magugustuhan.   BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Laman ng Baka (hiwain ng manipis) 1 can Sliced Mushroom 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 1 tbsp. Brown Sugar 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Sunod na ilagay ang hiniwangkarne ng baka at timplaha ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa. 3.   Ilagay ang sabaw ng canned mushroom at ang toyo.   Takpan at hayaang maluto ang karn...

BEEF BROCOLLI and CHICHARO in OYSTER SAUCE

Image
Isa sa mga paboritong luto sa karne ng baka itong Beef with Brocolli.   Kahit nga sa mga Chinese Restaurant na kinakainan namin, isa ito sa mga ino-order namin.   Sa bahay nga basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito.   But this time bukod sa brocolli hinaluan ko pa ito ng chicharo o peas.   Mainam ito para extender at dagdag sustansya na din.   And as expected nagustuhan naman ito ng aking asawa at mga anak.   Yummy!!!! BEEF BROCOLLI and CHICHARO in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 300 grams Brocolli (cut into bite size pieces) 100 grams Chicharo 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Brown Sugar 1 tsp. Cornstarch 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (slcied) Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Ilagay na agad ang karne ng baka at timpla...

CRABS and BOK CHOY in OYSTER SAUCE

Image
Sa mga panahon ng kuwaresma, pinipilit talaga naming hindi kumain ng karne para isang maliit na sakripsiyo sa mga mahal na araw.   Kaya lang, sakripisyo bang matatawag kung ito namang alimangong ito ang aking ipapakain sa aking pamilya?    Tingnan nyo naman ang aligue at taba ng alimango na ito.....hehehehe.   Huh!   Minsan lang naman...hehehe.   Gusto kasi ito ng aking asawang si Jolly kay ito niluto ko.    Hehehehe. CRABS and BOK CHOY in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1.5 kilos Female Crabs 250 grams Bok Choy 1/2 cup Oyster Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. large Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic Salt and pepper to taste 2 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang mga alimango.   Gumamit ng brush kung kinakailangan para maalis yung mga putik at dumi sa katawan ng alimango. 2.  I-steam ito sa isang kaserolang may...

FISH STEAK in OYSTER SAUCE

Image
Marami sa ating mga Kristyanong Katoliko ang nangingilin sa pagkain ng karne tuwing Biyernes sa mga panahon ng kwaresma.   Kami sa bahay kahit papaano ay ginagawa din ito.   Dito man lang ay makagawa kami kahit munting sakrispisyo lamang. Para hindi naman maging boring ang pagkain natin ng isda sa mga panahong ito, okay lang siguro na lagyan natin ng twist ang ating mga niluluto.   Kagaya nitong yellow pin tuna na ito, sa halip na simpleng prito, nilagyan ko pa ito ng sauce para mas lalo pang mapasarap.   Try nyo din po. FISH STEAK in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Yellow Pin Tuna (sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1/4 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 thumb size Ginger (grated) 1 head Minced Garlic 2 pcs. Large White Onion (cut into rings) 1 tbsp. Cornstarch (dissolved in water) Salt and pepper to taste Cooking Oil for Frying 1 tsp. Sesame Oil (optional) Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat ...

PORK and TOFU in OYSTER and BLACK BEANS SAUCE

Image
Kung medyo nagba-budget tayo sa mga pagkaing ating inihahanda para sa ating pamilya, pangkaraniwang ginagawa natin ay nilalahukan natin ito ng mga gulay o extender kagaya ng tokwa.   Yung iba naman dinadagdagan na lang ang sabaw ang sauce para magskaya.   Dito sa dish na ito, tokwa ang aking ginamit.   Masarap ito at para ka na ding kumain sa isang Chinese restaurant.   Try nyo din po. PORK and TOFU in OYSTER and BLACK BEANS SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes) 1 block Tofu or Tokwa (cut into cubes) 1 thumb size Ginger (cut into strip) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1/3 cup Black Bean Sauce 1/4 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 2 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   I-prito ang tokwa ng lubog sa mantika hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan. 2.   Baw...

ALIMANGO in OYSTER SAUCE

Image
Happy Halloween!!!!   Sigurado akong busy na busy tayo sa paghahanda para sa Undas.   Yung iba busy naman sa kung ano ang pwedeng ihanada o dalhin na pagkain sa sementeryo.   Para na rin kasi itong reunion ng pamilya.   Sama-sama tayong dumadalaw sa puntod ng ating mga mahal sa buhay. Syempre komo reunion ito ng pamilya, dapat lang na espesyal ang ating mga ihahanda.   Kaya isina-suggest ko itong Alimango in Oyster Sauce.   Sigurado ako na masisiyahan ang lahat sa ulam na ito. ALIMANGO in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 2 kilos medium size Female Alimango (linising mabuti) 1/2 cup Oyster Sauce 2 cups Chicken or Pork stock 1 tsp. Cornstarch 2 tbsp. Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large Onion (sliced) 5 cloves minced Garlic Salt and pepper to taste 2 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang alimango.   Mainam na ma-brush yung mga dumi o putik...

TOFU CHOPSUEY

Image
Ito ang vegetable dish na inihanda ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Tofu Chopsuey. Naisip ko na ito ang gulay na ihanda para healthy naman.   Marami din kasi ang nag-e-email sa akin na nag-re-request ng vegetable dish. Hindi pala ako nag-lagay ng sukat o dami ng mga gulay na gagamitin.   Nasa sa inyo na yun kung gaano karami ang gusto nyong lutuin.   Bahala na kayong tumantya sa dami ng oyster sauce at tofu na ilalagay. I'm sure magugustuhan nyo ang luto na ito. TOFU CHOPSUEY Mga Sangkap: 1/2 cup Oyster Sauce Brown Sugar 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) Tofu o tokwa Sayote (balatan at hiwain sa nais na laki) Carrots (balatan at hiwain sa nais na laki) Cauliflower (hiwain sa nais na laki) Baguio Beans (hiwain ng mga 1 inch na haba) Young Corn (sliced) Red Bell Pepper (cut into cubes) Repolyo (hiwain sa nais na laki) Celery (hiwain sa nais na laki) Salt and pepper to taste 1 tbsp Cornstarch 3 cups. Cooki...

CHICKEN MUSHROOM and BROCCOLI in OYSTER SAUCE

Image
Dapat sana ay gagwin ko lang fried chicken ang mga chicken drumsticks na ito na nabili ko nitong nakaraang pag-go-grocery namin.   Kaya lang naisip ko, pritong manok na naman?   Parang boring na ang dating nito sa akin. Kaya naisipan kong lutuin ito sa mushroom at oyster sauce.   Naisipan ko ding lagyan ng broccoli para mas mapasarap pa ito.   So hindi lang ito mukhang masarap kundi masarap sa lasa talaga.  Hehehehe. CHICKEN MUSHROOM and BROCCOLI in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Drumsticks 500 grams Broccoli (cut into bite size pieces) 1 small can Sliced Mushroom 1/2 cup Oyster Sauce 1/3 cup Soy Sauce 5 cloves Minced Garlic 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large size Onion (sliced) 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame Oil Salt and Pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil 1 tbsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika...

CRABS in OYSTER SAUCE

Image
Ito ang isa pa sa dish na ipinaluto ng pamangkin naming balikbayan na si Marissa para sa kanilang welcome dinner.   Katulad ng hipon na nai-post ko kahapon, sa Farmers market din sa Cubao ko ito binili.   Nakakatuwa dahil ang tataba ng aking nabili at siksik na siksik talaga ng aligue ang takip nito. Hindi kami madalas mag-ulam nito sa bahay.   May kamahalan kasi ang per kilo nito.  Imagine nare-range sa P400 to 550 ang per kilo nito.   Pero okay din lang.   Kung ganito naman kataba ang inyong alimango ay babalik-balikan mo talaga ang iyong binilhan.   hehehehe. Simpleng luto din lang ang ginawa ko dito.   Ginisa ko lang sa luya, bawang at sibuyas at nilagyan ko ng oyster sauce...panalo ang sarap at lasa ng alimangong ito.   Yun lang hinay-hinay din at napaka-lakas ng cholesterol nito.   hehehehehe CRABS in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 2 kilos Alimango o Crabs (piliin yung babae) 1/2...

SQUID BALLS & KANGKONG in OYSTER SAUCE

Image
Sa bahay, kapag pritong isda ang ulam, sinasamahan ko pa ito nang kung hindi gulay ay soup.   Nakasanayan na namin ito.  Para kasing bitin kung yung pritong isda lang ang ulam.  Hehehehe.   Dry na dry di ba?   At isa pa pinipilit ko na may gulay palagi ang ulam namin para makasanayan ng aking mga anak ang pagkain ng gulay lalo na ang pangalawa kong anak na si James.   Try nyo din po ito. SQUID BALLS & KANGKONG in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 15 pcs. Squid Balls (cut into half) 2 tali Kangkong o Water Spinach (hiwain nang mga 1 inch ang haba) 4 tbsp. Oyster Sauce 1 tsp. Brown Sugar 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali i-prito ang squid ball sa mantika hanggang sa medyo pumula ito. 2.   Itabi lang sa gilid ng kawali ang squid balls at i-gisa ang bawang at sibuyas. 3.   Sunod na ilagay ang kangkong at oys...

BEEF in OYSTER SAUCE

Image
Hindi kami madalas kumain ng karne ng baka sa bahay.   Bukod kasi sa may kamahalan ito, medyo may katagalan din ang pagluluto o pagpapalambot nito.  Sa taas ba naman ng kuryente at presyo ng cooking gas ay iiwasan mo talaga na magluto ng ganitong putahe.   Pero syempre kung paminsan-minsan naman ay okay lang.   Hehehehe. Dapat sana beef na may broccolli ang lutong gagawin ko sa beef na ito.  Kaso nang dumaan ako ng palengke ay wala akong nabiling broccolli.   Isip ako ng mabilis at nang makita ko itong chicharo na ito ay naisip kong iluto ito in oyster sauce.   Pareho din lang ang luto naiba lang ang gulay na naka-lahok.   Masarap siya at nagustuhan talaga ng aking mga anak.  Naubusan nga ako eh....hehehehe. BEEF in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (whole slabs) 1/2 cup Oyster Sauce 150 grams Chicharo 1 medium size Carrot (cut into strips) 1 tsp. Brown sugar 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp....

FRIED TANIGUE with OYSTER SAUCE

Image
Sa mga espesyal na handaan importante syempre ang lasa ng mga pagkaing ating inihahanda.   Syempre naman para hindi tayo mapahiya sa mga inimbitihan nating mga bisita.   Sa mga handaan din lalo na kung marami ang handa at pagpipilian na pagkain, importante din na dapat ay katakam-takam ang itsura ng mga pagkain.   Bakit naman?  Kasi nga ang mga mata natin ang unang kumakain.   Kung baga, kung alin yung masarap tingnan yun ang kinukuha natin una. Yun ang ini-apply ko dito sa fried tanigue na handa ng bayaw kong si Kuya Alex sa idinaos nilang salo-salo last Sunday. (Yung post ko yesterday).   Ni request niya na gawan ko ng sauce ito.   At sa halip na basta oyster sauce o kung ano pa mang sauce ang aking inilagay, nilagyan ko din ng kaunting color sa pamamagitan ng paglagay ng carrots at Baguio beans.   O di ba nag-mukhang mas masarap ang dish na ito.   Kaya naman ang dish na ito ang isa sa naunang m...