SQUID in OYSTER SAUCE

Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post ng recipe nitong mga nakaraang araw at linggo.  Medyo busy lang din po sa work at kung ano-ano pa.   Hehehehe

Today, i-share ko po itong simpleng luto sa pusit.   Pangkaraniwan ay ina-adobo natin ito.   O kung medyo may kalakihan ang inyong pusit pwede din ito i-ihaw o i-calamares.

Alam ko medyo naumay na tayo sa mga karne na ulam nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon.   At sa mga naghahanap ng seafood dish, tamang-tama ang isng ito.   Try nyo din po.
 

SQUID in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Medium size Squid o Pusit (linising mabuti)
1/2 cup Oyster Sauce
1 cup Chopped Celery
2 thumb size Ginger (cut itno strips)
1 pc. Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
2 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2.  Isunod na agad ang pusit at oyster sauce.
3.  Timplahan na din agad ng asin, paminta at brown sugar.   Halu-haluin at hayaang maluto
4.   Huling ilagay ang hiniwang tangkay ng celery.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa
6.   Hanguin sa isang lalagyan at lagyan pa sa ibabaw ng chopped celery.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Sir, pakituro niyo naman po ang secret para hindi tumigas at maging chewy ang squid. Kadalasan po kasi tumitigas ang luto ko sa squid. Natatakot naman ako na sandali lang siya lutuin. Ilang minutes po ba ang ideal cooking time for squid? Thanks po.....Mommy Marie
Dennis said…
Walang exact time Mommy Marie at depende na din sa size ng squid mo. basta nag-curly na yung mga galamay niya okay na yun. pag tumagal kasi nga ang pagluluto tumitigas ang laman ng pusit.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy