TORTANG ALAMANG
Nitong huling pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakita ko itong sariwang alamang na itinitinda sa mura lang na halaga. Isang maliit na tiklis ay P50 pesos lang. So kumuha o bumili ako ng isang maliit na tiklis. Siguro mga 1 kilo din ito.
Ang alamang ay yung maliliit na hipon na kadalasang ginagawang bagoong. Sa amin sa Bulacan niluluto din namin ito na ginigisa sa bawang, sibuyas at kamatis at saka nilalahukan ng dahon ng kinchay. Inuulam namin ito kasama ang hinwang kamyas o manggang hilaw. Yummy!
Nung binili ko ang alamang na ito, dalawang luto ang nasa isip kong gawin. I-torta nga ang isa at ang isan naman ay gawing bagoong.
At eto na nga ang aking Tortang Alamang. Masarap itong isawsaw sa suka na may bawang o kaya naman ay sa banana catsup. Try nyo din po.
TORTANG ALAMANG
Mga Sangkap:
1/2 kilo Sariwang Alamang
2 pcs. Fresh Eggs
1-1/2 cups Harina
2 pcs. Onions (chopped)
1/2 tsp. Garlic Powder
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Hugasang mabuti ang alamang.
2. Sa isang bowl paghaluin ang alamang, binating itlog, harina, sibuyas, garlic powder, Maggie Magic Sarap at timplahan ng asin at paminta. Haluing mabuti.
3. Mag-painit ng pantika sa isang non-stick na kawali.
4. Sa isang platito maglagay ng nais na dami ng pinaghalong sangkap. Gumawa ng parang burger patty.
5. Dahan-dahan ibaba ito sa kumukulong mantika. Hayaang maprito at baligtarin para maluto naman ang kabilang side.
6. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain na may kasamang sawsawan na suka na may bawang at asin. O kaya naman ay toyo na may calamansi. Or catsup o anong sawsawan na nais.
Enjoy!!!!

Comments