FOOD BLOGGING: Ano ba meron?
January 2009 ko nasimulan ang food blog kong ito. Na-inspire kasi ako sa isa ding Filipino blog na nagpo-post ng mga pagkaing kanyang niluluto para sa kanyang pamilya. Since then, na-inlove na ako sa pag-ba-blog ng aking mga niluluto. Pero ano ba talaga ang meron sa blogging? Kung tutuusin wala ka naman talagang napapala sa gawaing ito. Matrabaho din kasi. Bukod kasi sa pag-iisip ng mga dish na ipo-post mo, nag-iisip ka din ng isusulat mo kapag ipo-post mo na. Hindi lang naman yung mga niluluto ang pino-post ko sa food blog kong ito. Minsan din ay mga restaurant na aming kinainan o kaya naman ay mga events sa aming buhay na may kasamang pagkain. Masaya din naman ang pagba-blog. Lalo na kapag nakaka-received ka ng mga email at comment mula sa iyong mga taga-subaybay. Yung iba nga sabi nila hindi daw sila marunong magluto pero nung nasubaybayan nila ang food blog kong ito natuto daw sila kahit papa...