SWIMMING sa BULACAN 2016
Nakagawian na ng aking pamilya sa Bulacan na magkaroon ng summer outing o swimming. At nitong nakaraang Linggo nga ay nangyari ito. Kahit noong maliliit pa ang aking mga anak ay sumasama talaga kami dito. Hindi na lang naulit nang mga nakaraang taon sa hindi ko matandaang kadahilanan. But this year, sumama talaga kami komo walang pasok naman ng kina-lunisan dahil eleksyon.
Sa King Leonard Resort kami pumunta. Kalapit baryo lang namin ito kaya madali lang puntahan. Kasama din ang aking Tatang Villamor at aking mga kapatid.
At syempre mawawala ba ang masaganang pagkain. Kanya-kanyang share ang bawat pamilya. Hotdogs ang aking dinala. May nagdala din ng ihawing liempo, Adobong Manok, Sinampalukang manok, Lechong manok at marami pang iba.
Syempre enjoy ang aking mga anak kahit napaka-tindi ng sikat ng araw.
Ang maganda din sa resort na ito, mayroon itong wave pool na nakakatuwa naman talaga.
Sa hapon may mga pagkain pa din na naka-handa sa mga gustong kumain. May Beef Tacos, Pancit Bihon Guisado, Spaghetti at inihaw na hotdogs. Marami ding chichirya na nakahanda.
Busog at masaya naming nilisan ang lugar bandang 6:30 na ng gabi.

Comments