CRISPY PORK BACON FILLET
Nagre-request ang pangalawa kong anak na si James na magluto naman daw ako ng crispy bacon for breakfast. Hindi ko siya mapagbigyan dahil medyo may kamahalan ang bacon. Bukod sa mag-oover sa budget siguradong bitin sa kanila ang half kilo man lang. Nitong nakaraang paggo-grocery namin nakita ko itong bacon cut pork sa SM supermarket sa Makati. Maganda ang cut niya. Medyo makapal ng kaunti at hindi ganun kalaki ang layer ng taba. Naisip ko agad ang request sa akin ng aking anak kaya bumili ako ng 1 kilo nito. At ito na nga ang kinalabasan ng aking niluto. Crispy Pork Bacon Fillet with sawsawang suka on the side. Yummy!!!!! CRISPY PORK BACON FILLET Mga Sangkap: 1 kilo Bacon Cut Pork Fillet 1 pc. Lemon or Lime 1 cup Cornstarch 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 tsp. Freshly Ground Black pepper 1 tbsp. Rock Salt Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang pork...