Posts

Showing posts with the label DRINKS

STRAWBERRY SMOOTHIES

Image
Sobrang init ng panahon kahapon nga na-record na 35 degrees dito sa Manila.   Kahit hindi ka masyadong naggagagalaw ay pinagpapawisan ka.   Dito sa office kahit may aircon bukas pa din ang electric fan.   Well, iyan ang init ng tag-araw.   hehehehe. Sa panahong ganito tiyak na kumikita ang mga resort at ang mga nagtitinda ng palamig.   Yun lang kung sa tabi-tabi ka lang bibili nito, baka in question pa ng malinis ito o hindi.   Better kung gumawa ka na lang at naka-tipid ka pa.   hehehehe. Kagaya nitong ginawa kong strawberry smoothies.   May nadaanan kasi akong nagtitinda ng fresh strawberries sa may Cubao sa pababa ng MRT.   Nung makita ko ito, palamig kaagad ang naisip kong gawin.   At tamang-tama naman at may condensed milk pa ako sa fridge.  Palamig po tayo.... STRAWBERRY SMOOTHIES Mga Sangkap: 250 grams Fresh Strawberries 1 cup Fresh or Condensed milk 2 cups Ic...

HOME MADE MANGO MILK TEA

Image
Dahil sa sobrang init ng panahon dito sa Pilipinas, dalawa lang ang masarap gawin.   Ang tumambay sa mall para malamigan at kumain ng halo-halo o uminom ng pampalamig.   Sobra.   Kahapon nga ng 36 ang init dito sa Manila.   Buti na lang at malamig dito sa office.   Hehehehe. Kaya naman click na click ngayon ang mga halo-halo sa mga kanto o tapat ng bahay.  hehehehe.   Natatandaan ko noong araw.... kapag ganitong summer... naglalagay kami ng mesa sa harap ng aming bahay at nagtitinda kami ng mga pampalamig kagaya ng halo-halo nga, gulaman at sago o kaya naman ay scramble.   Mabiling-mabili ito lalo na sa mga tricycle driver na babad talaga sa init ng araw. Dito sa Manila, click na click din ngayon ang mga milk tea na tindahan.   Kung noong mga nakaraang taon ay Zagu o mga flavored shakes ang nauso, milk tea naman ngayon ang IN.   At dahil ito ngayon at masarap din naman talaga, naisipan ...

MANGO SMOOTHIE

Image
Summer na talaga. Dama na natin ang init ng panahon. At talaga namang nag-i-invite ang beach para paliguan natin. Hehehehe. Kapag ganitong mainit ang panahon, maraming tayong pwedeng gawin para magpalamig. Ofcourse merong mahal o yung gagastos ka talaga. At meron din naman na hindi nakailangan pang gumastos. Kumuha ka lang ng karton at gamitin mong pamaypay ay okay na. Hehehehe Kapag panahon din ng summer, murang-mura ang mga prutas na napapanahon kagaya ng mangga. At ito nga ang masarap na gawing pampalamig. Although temporary lang ang naibibigay na lamig nito sa katawan pero okay na din. Para gawin ito, kailangan mo lang ng ginadgad na yelo, mangga ofcourse, gatas at kaunting asukal. Paghaluin lang ito sa blender hanggang sa maging smooth na at presto may masarap ka nang pampalamig. Lagyan lang ng kapirasong hiwa ng mangga sa gilid ng baso to garnish. Enjoy!!!!

SPRITEY STRAWBERRY SHAKE

Image
Summer na talaga. Ramdam mo na ang init ng panahon kahit na medyo kumukulimlim sa tanghali at hapon. Kaya naman usong-uso na naman ang mga pampalamig kagaya ng halo-halo, sago't gulaman at mga shakes. Ice candy, mais con yelo o kaya naman ay saba con yelo ay solve na solve para sa akin. Kaya naman kahit kami sa bahay ay nahihilig ngayon sa mga pampalamig kagaya ng mga fruit shakes. Minsan manga, nung minsan naman ay melon. Nung isang araw di ba nag-post na ako ng strawberry smoothies? Komo may kamurahan ang strawberry ito ulit ang ginawa ko sa kahilingan na din ng aking mga anak. Pero para maiba naman, sprite ang inihalo ko dito sa halip na gatas. Madali lang itong gawin. Maglagay lang ng ginadgad na yelo, sprite, straberries at konting asukal sa blender at yun na. I-blender lang ito hanggang sa maghalo na ang lahat ng sangkap. To serve, lagyan lang ng isang pirasong strawberry sa gilid ng baso para mas magandang tingnan. Pwede nyo ding gawin ito sa iba pang klaseng prutas. Subuka...

STRAWBERRY SMOOTHIES

Image
Papalapit na talaga ang summer. Pag lumabas ka ng bahay, ramdam mo na ang init ng summer sa iyong balat na para bang nagaanyaya na maligo ka sa swimming pool o kaya naman ay sa beach. Hehehehe. Mararamdaman mo din ang summer kapag nakakita ka na ng mga prutas na tuwing summer talaga saganang-sagana. Katulad ng pakwan, melon, manga at maging strawberries. Minsang pauwi ako ng bahay galing sa opisina. Sa may pagbaba ko ng MRT sa may Cubao station. Nakita ko itong mama na nagtitinda ng strawberries na naka-pack sa styro. P35 pesos ang isang pack at pumayag naman siya na 3 pack na for P100. Good deal kako. Kasi sa supermarket yung isang pack na ganun ay P75 ang halaga. Isa lang ang nasa isip ko nung bilhin ko ang mga strawberries na ito. Ang gawin ko itong fruit shake o smoothies. Ayos na ayos kapag mainit ang panahon at pwedeng-pwede din na gawing drinks and desserts pagkatapos kumain. Nagustuhan ng mga anak ko ang strawberry smoothies o shakes na ito. Nag-request nga s...

MELON SMOOTHIES

Image
Sobrang init talaga ng panahon lalo na sa tanghali. Kaya naman bentang-benta ang mga pampalamig katulad ng halo-halo, ice cream at kung ano-ano sa paligid. Ofcourse doble ingat tayo sa mga nabibili natin sa labas...lalo na yung hindi tayo sure kung papaano ginawa. Mas mainam na siguro na tayo na lang ang gumawa ng sarili nating palamig. Kung mayroon tayong blender, kahit anong prutas, kaunting yelo at gatas....presto! pwede na tayong mag-enjoy sa ating palamig. Kagaya nitong entry natin for today. Simple but refreshing a pampalamig sa napaka-init na panahon. Again, walang exact na sukat ng mga sangkap para gumawa nito. Bahala na kayo kung gaano karami ang gusto ninyong gawin. Dito sa ginawa, this is good for 2 to 3 persons. Try nyo! MELON SMOOTHIES Mga Sangkap: 1/2 Melon 1/2 cup Alaska evap (White label) 1/2 cup Honey 2 cups crashed ice Sugar as needed Paraan ng paggawa: 1. Alisin ang buto ng melon. Salain ang buto at kuhanin yung pinaka-katas ng melon 2. Hiwain ng pa-cubes ang melo...