HOME MADE MANGO MILK TEA


Dahil sa sobrang init ng panahon dito sa Pilipinas, dalawa lang ang masarap gawin.   Ang tumambay sa mall para malamigan at kumain ng halo-halo o uminom ng pampalamig.   Sobra.   Kahapon nga ng 36 ang init dito sa Manila.   Buti na lang at malamig dito sa office.   Hehehehe.

Kaya naman click na click ngayon ang mga halo-halo sa mga kanto o tapat ng bahay.  hehehehe.   Natatandaan ko noong araw.... kapag ganitong summer... naglalagay kami ng mesa sa harap ng aming bahay at nagtitinda kami ng mga pampalamig kagaya ng halo-halo nga, gulaman at sago o kaya naman ay scramble.   Mabiling-mabili ito lalo na sa mga tricycle driver na babad talaga sa init ng araw.

Dito sa Manila, click na click din ngayon ang mga milk tea na tindahan.   Kung noong mga nakaraang taon ay Zagu o mga flavored shakes ang nauso, milk tea naman ngayon ang IN.   At dahil ito ngayon at masarap din naman talaga, naisipan kong gumawa ng sarili kong version.   Yung sa akin sa halip na gulaman or sago ang isinasama, fresh na mangga naman ang sa akin.   Winner!!!  nagustuhan ito ng mga anak ko lalo na ang panganay kong anak na si Jake.   Madali lang ito...try nyo ding gawin.


HOME MADE MANGO MILK TEA

Mga Sangkap:
5 pcs. Tea bags (green tea)
1/2 kilo Brown Sugar
1 cup Milk Powder
3 pcs. ripe Mangoes
10 cups Water

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang 10 cups na tubig.
2.   Kapag kumulo na ang tubig, ilagaya na ang mga tea bags.  Hayaang kumulo ng mga 5 minutes.
3.   Alisin ang tea bags at ilagay ang asukal.   Maaring dagdagan kung kinakailangan pa. Hayaang kumulo muli ng mga 10 minuto.
4.   Palamigin muna ang nilutong tea o arnibal.
5.   Sa isang blender maglagay ng mga 5 cups ng nilutong tsaa at 1 tasang milk powder.   Lagyan din ng 2 tasang tubig o higit pa depende sa tamis na nais nyo sa inyong milk tea.
6.   Sa isang tall glass lagyan ng ice cubes sa nais na dami.
7.   Ilagay din ang hiniwang hinog na mangga at lahyan ng milk tea mixture na ginawa.

Ihain na malamig at i-enjoy.

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy