Posts

Showing posts with the label Google Ads

CREAMY COCO PUMPKIN SOUP - Using Alaska Crema

Image
Ito po ang winning dish ko nitong nakaraang Round 3 ng Alaska Crema Kitchen Challenge 2.   Creamy Coco Pumpkin soup.   Hayaan nyo pong mai-share ko sa inyo ito at makasama kayo sa aking kasiyahan at tagumpay. Nang makausap ko sa telepono ang staff ng Alaska tungkol sa pagkapanlo ko, nai-share niya ang ilan sa mga comment ng mga chef judges na humusga sa aking recipe.   Ang sabi daw, nagustuhan nila yung pagbe-blend ng lasa nung coconut milk, butter, cream at kalabasa.  At yun din nga ang alam kong strenght ng aking dish.  Yung pagsamahin mo ba ang kalabasa at gata ng niyog tapos sinamahan mo pa ng cream at butter...Panalo ang lasang ito.   Try nyo din po. CREAMY COCO PUMPKIN SOUP Mga Sangkap: 300 grams Squash/Kalabasa cut into small cubes 5 cups Chicken broth or 5 cups Water & 2 Knorr Chicken Cubes 2 cups Coco milk 1 tetra brick Alaska Crema 1/2 cup Butter 3 cloves minced Garlic 1 pc. medium size Onion Sliced Sal...

ALASKA CREMA KITCHEN CHALLENGE - Round 3 Winner

Image
It's my day today.   hehehehe.   Ako kasi ang nanalo sa round 3 ng  Alaska Crema Kitchen Challenge 2. Ang pinaglabanan na dish ay ang Pumpkin soup na gagamitan mo ng Alaska Crema at dapat ay may twist ka na gagawin.   May recipe na ibinigay pero yun nga dapat magawan mo ito ng kakaiba twist o lasa. Photo finish nung nag-submit ako ng aking entry.   Actualy, I'm not after sa prizes kundi sa experience na makasali sa ganitong pa-contest.  6 ang nagpadala ng entries.   Ang anim na entries na ito ay ipinost sa kanilang fan page at in-open sa public voting.   Kung sino ang top 3 na mananalo ay irere-create ng chef ng Alaska ang recipe at idya-judge du kung sino ang panalo. Nag-2nd place lang ako sa public vote.   Halos doble ng vote sa akin ang nag-top 1.   Pero sa isip ko ay okay lang, mukhang may laban naman ang entry ko.   Hehehehe At eto na nga, tinawagan ako ng staff ng promo na ito...