Posts

Showing posts with the label budget meal

TALONG, BAGOONG, TUYO AT ITLOG

Image
Tag-ulan na naman. Dalawa lang ang masarap gawin sa mga ganitong panahon. Ang kumain at matulog.....hehehehehe. Haaayyy....katamad pumasok sa office kapag ganitong maulan. Ito ang breakfast namin nitong nakaraang araw. Gustong-gusto ko talaga ang pritnong talong na may kasamang bagoong. At syempre pa tuyo na isasawsaw mo sa sukang may bawang at sili. Panalo kung sasamahan mo pa ng pritong itlog sa malasado ang pula. At para makumpleto ang buong almusal, sinangag na kanin na may maraming bawang. Haaayyyy.....nasira na naman ang diet ko. Pero okay lang, hindi naman madalas na ganito....hehehehe Have a nice day!!!!

TORTANG ALAMANG ver 2

Image
May entry na ako sa archive para sa tortang alamang. But this time nag level up na ang dish na ito dahil sa iba pang mga sangkap na aking idinagdag. Nakakatuwa naman at masarap ang kinalabsan ng tortang ito. Kung tutuusin napakatipid ng dish na ito. Ayos na ayos ito sa mga nagba-budget sa kanilang ulam na hindi naman tipid sa lasa TORTANG ALAMANG ver 2 Mga Sangkap: 250 grams Alamang 1/2 cup Raisin 1/2 cup Chopped Onion 1/2 cup Chopped Parsley 1/2 cup Flour 1 tbsp. Finely chopped Ginger 3 Eggs 1 tsp. Maggie magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap maliban sa mantika. 2. Magpakulo ng mantika sa isang non-stick pan. 3. Sa isang platito maglagay ng nais na dami ng pinaghalong alamang at mga sangkap. I-form ito na parang burger patties. 4. I-prito ito hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. 5. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel. Ihain na may kasamang paborito ninyong catsup o...