CHICKEN ADOBO with CHEESE
Nagsabi sa akin ang pangalawa kong anak na si James na kailangan daw niyang magdala ng pagkaing Pilipino sa school bilang pagdiriwang ng Buwan ng wika. At ito ngang Chicken Adobo na ito ang aking niluto. Kapag pagkaing Pilipino, dalawang pagkain lang ang naiisip ko na masasabi nating pinoy na pinoy talaga. Ito ay ang adobo at sinigang. Di ba nga hanggang ngayon ay pinagdidibatehan pa kung alin nga sa dalawang ito ang maituturing na pambansang ulam ng Pilipinas. Kahit ako hindi ko mapili kung alin talaga. Pareho kasi na versatile ang dalawang ulam na ito at kahit saang lugar sa Pilipinas ay may sarilijg bersyon ng dalawang ulam na ito. But this time nilagyan ko ng twist ang chicken adobo ko na ito. Komo mga kabataan ang kakain, naisip ko na bakit hindi ko lagyan ng grated cheese ang ibabaw para mas lalong maging katakam-takam. Adobo with cheese? Why not? parehong masarap kay mas la...