DINAMITA (Chili and Cheese Spring Roll)
Noon ko pa gustong gumawa nito. Kaso lang, hindi ako maka-tyempo ng magandang siling pang-sigang na gagamitin. Maganda kasi yung medyo mahaba at diretso ang hugis. Pero eto na nga at nagawa ko rin ito nitong nakaraang araw.
Masarap itong appetizer o pulutan man. Basta tandaan lang natin na matanggal yung buto ng sili at yung puting part na kinakapitan ng buto. Yun kasi ang nagbibigay ng matinding anghang sa sili.
Try nyo po...para talaga siyang dinamita na sasabog sa inyong bibig. hehehehehe
DINAMITA (Chili and Cheese Spring Roll)
Mga Sangkap:
Siling Pang-sigang
Cheese (cut into sticks)
Lumpia Wrapper
Egg White
Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Hugasang mabuti ang bawat piraso ng sili. Hiwaan ng pahaba at alisin ang buto at ang puting bahagi na kinakapitan ng buto.
2. Lagyan ang bawat piraso ng sili ng hiniwang keso.
3. Balutin ng lumpia wrapper at lagyan ng egg white ang gilid para masara ang dulo.
4. I-prito ito sa lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
5. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain na may kasamang catsup o thousand island dressing.
Enjoy!!!!!
Comments