Posts

Showing posts with the label pambaon

PORK ADOBO with OYSTER SAUCE

Image
Isa sa mga madaling lutuin na ulam ay ang classic nating adobo. Kapag medyo tinatamad akong magluto o kaya naman ay wala akong maisip na lutuin, adobo palagi ang kinauuwian ang aming ulam. Bakit ba naman? e basta pagsama-samahin lang ang lahat ng sangkap saka lutuin ay okay na. At sa mga bago pa lang natututong magluto, ito ang mainam na una nyong pag-praktisan. Hehehehe. Hindi ko na alam kung ilang adobo dish ang nai-post ko sa blog nating ito. But ofcourse may mga variation ito. Katulad nitong entry natin for today. May nag-email sa akin na masarap daw ang adobo kung lalagyan mo ito ng oyster sauce. At yun nga ang ginawa ko sa dish na ito. Try nyo ito. Masarap nga. PORK ADOBO with OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim cut into cubes 1 head Minced Garlic 1 cup Vinegar 1 cup Soy Sauce 1/2 cup Oyster Sauce 1 tsp. Ground Black pepper 1 tbsp Brown Sugar 2 pc. Potatoes cut into cubes Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang bowl, i-marinade ang karne ng baboy sa suka, toyo, paminta at bawan...

PINE-SOY CHICKEN BREAST FILLET

Image
Here's another dish na napaka-simple at napaka-daling lutuin. Kahit first time na magluto ay kayang-kaya itong lutuin. Papaano ba naman, bukod sa simple lang ang mga sangkap, simpleng-simple din ang paraan ng pagluluto. Siguro magtataka kayo kung ano yung pine-soy? Pineapple juice at toyo lang yun. hehehehe. Pero alam nyo pag pinag-combine ang dalawang ito? Parang hamonado or tocino ang kakalabasan. Lalo na kung tutuyuin mo talaga yung sauce nito. Try it! Ito din pala ang ipinabaon ko sa aking mga anak sa school. Mamaya pag-uwi nila malalaman ko kung nagustuhan nila o hindi. hehehehe. Pero, ano ba naman ang iniluto ko ng hindi nila nagustuhan?...hehehehe. PINE-SOY CHICKEN BREAST FILLET Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet cut into cubes 2 cups Sweetened Del Monte Pinapple Juice 1/2 cup Soy Sauce 1 cup Brown Sugar 2 large White Onion sliced salt and pepper to taste 1 tsp. cornstarch (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl, i-marinade ang chicken fillet sa asin, pamin...

SESAME OIL CHICKEN

Image
Ang rasamalaysia.com ang isa sa mga paborito kong foodblog sa Internet. Hindi ko alam kung papano ako napadpad dun and since then lagi na akong bumibisita to look for new recipe. At ito ngang entry natin for today ang isa sa mga natutunan kong dish sa kanya. Simple at masarap naman talaga. Nilagyan ko na lang ng kaunting twist para naman ma-improve ko pa ang dish. At hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng version ko ng sesame oil chicken na ito. SESAME OIL CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken breast fillet (cut into cubes) 2 pcs. Sweet Potatoes (cut into cubes) 2-3 inches Ginger (peeled and cut into strips) 5 tbsp. Sesame oil ½ cup Soy sauce 1 tbsp. Shaoxing rice wine ½ cup Oyster Sauce 3 tbsp. Brown or Muscovado sugar 1 tbsp. cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta, 1 tbsp. sesame oil at ¼ cup na Toyo. Hayaan ng mga 15 minuto. 2. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang luya sa 3 tbsp. olive ...

CHICKEN with BUTTER, GARLIC & MIX VEGETABLES

Image
Sa bahay, basta chicken ang ulam siguradong busog na busog ang aking mga anak sa kain. Kahit anong luto ang gawin ko, siguradong magugustuhan nila. Kaya naman, hindi nawawala ang manok uting naggo-groceries ako. Sabagay, mas mainam na ang manok kesa sa baboy o ano mang red meat na available sa market. Itong dish na entry natin for today is actually walang plano. Basta inihalo ko lang kung a no ang available sa fridge at ito na nga ang kinalabasan. The basic gisa lang naman ang ginawa ko then add lang ako ng mga pampalasa at konting dried herbs. In this dish, knorr chicken cubes pala ang ginamit ko. CHICKEN with BUTTER, GARLIC & MIX VEGETABLES Mga Sangkap: 1 kilo Chicken legs cut into serving pieces 2 cups Mix Vegetables (Carrots, peas, corn) 1/2 cup Butter 1 head Minced Garlic 1 large size White Onion Sliced 1 pc. large Tomato sliced 1/2 tsp. Dried Basil 1 pc. Knorr cubes Salt and pepper to taste 1 tsp. cornstarch Paraan ng Pagluluto: 1. Timplahan ang hiniwang manok ng asin at pami...

BEEF KALBI with MUSHROOM

Image
The last time na nag-groceries ako, nakita ko itong pack ng beef kalbi sa frozen section ng SM Supermarket sa Makati. Iniisip ko lang that time, ano pagkakaiba nito sa beef yakiniku na na-try ko nang lutuin. Sinubukan kong i-search sa google ang beef kalbi na ito. At according to wikipedia, kalbi o galbi ay isang klase ng dish sa korea, kung saan ito ay iniihaw na karne ng baka na na-marinade sa mga sauces at herbs. This time, niluto ko naman siya the way na gusto kong mangyari. At hindi naman ako nabigo. Masarap at malasa ang beef na ito na niluto ko. Ito rin pala ang ipinabaon ko sa mga anak ko at nagustuhan naman nila. BEEF KALBI with MUSHROOM Mga Sangkap: 1 kilo Beef Kalbi (Maninipis ang hiwa nito na parang bacon) 1 big can Whole button mushroom (sliced) 1/2 cup Soy sauce 1/2 cup Brown sugar 1 thumb size Sliced ginger 4 cloves minced garlic 1 large White Onion sliced salt and pepper to taste 1 tsp. Sesame oil 1 tsp. cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick n...

HONEY-CALAMANSI GLAZED PORKCHOPS

Image
Narito ang isa na namang dish na pwedeng ipam-baon ng ating mga kids sa school. Syempre pwede din pambaon natin sa office. hehehehe. Madali lang itong lutuin at talaga naman masarap. naghahalo kasi yung asim ng calamansi at tamis/asim ng honey. Hindi rin ito madaling mapanis dahil may sangkap itong brown sugar. HONEY-CALAMANSI GLAZED PORKCHOPS Mga Sangkap: 5 pcs. Porkchops 7 pcs. Calamansi 1/2 cup Pure Honey bee 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Brown Sugar 1 tbsp. Worcestershire sauce 2 tbsp. Olive oil salt and pepper to taste 1 large White Onion sliced Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang porkchops sa asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 15 minuto. 2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang porkchops sa olive oil hanggang sa pumula lang ng kaunti ang magkabilang side. 3. Ilagay ang marinade mix, toyo, worcestershire sauce at lagyan ng 1 tasang tubig. Takpan at hayaang lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan. 4. Kung malambot n...

BRAISED PORKLOIN in HONEY and PINEAPPLE JUICE

Image
May isang tagasubaybay ng blog kong ito ang nag-email sa akin na kung pwede daw akong mag-suggest ng mga lutuing pwedeng pambaon sa school ng kanyang mga anak. Sa totoo lang, yan din ang problema ko....hehehehe. Pero nag-suggest ako na i-click yung label na pambaon sa archive sa kanang bahagi ng screen at duon may ilang entry ako na pwede na pambaon. Narito ang isa pang dish na pwede sa mga espesyal na okasyon at pwede din na pambaon ng mga bata sa school. Mainam na pambaon ito kasi hindi ito madaling mapanis. Tiyak ko na magugustuhan ito ng inyong mga anak katulad ng mga anak ko. BRAISED PORKLOIN in HONEY and PINEAPPLE JUICE Mga Sangkap: 1 kilo Porkloin (about 2 whole pcs.) 150ml can Del Monte 100% Pineapple Juice 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Pure Honey 1 cup Brown Sugar 2 tbsp. Olive oil 1 large White Onion sliced 5 cloves minced Garlic salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Tusuk-tusukin ng icepick o kutsilyo ang laman ng porkloin sa lahat ng bahagi nito. 2. I-mari...

CHICKEN in OYSTER and HOISIN SAUCE

Image
Mula nung maumpisahan ko ang food blog kong ito, natuto akong mag-research ng mga bago at kakaibang lutuin sa internet. Natutunan ko din ang gumamit ng mga herbs, spices at kung ano-anong sauces. Isa na nga dito ang hoisin sauce. Ang mainam sa mga sauces na ito, nae-enhance talaga niya ang lasa ng mga lutuin at kakaiba talaga ang lasa kumpara sa pangkaraniwang nakakain natin. Ang inam pa dito, the best siya sa mga biglaang lutuin mapa pork man o chicken. Katulad ng entry natin for today. Wala akong maisip na ulam na pambaon ng 2 kong anak na nag-aaral. Nang makita ko ang 3 pcs. na chicken breast na ito at hoisin sauce and presto may pambaon na sila. Madali lang lutuin ito. Pang biglaan talaga. At huwag ka, puring-puri ng mga bagets ko ang lutuing ito. So ano pa ang hinihintay ninyo? Try nyo na....hehehehe CHICKEN in OYSTER and HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken breast or any part meaty parts 1/2 cup Hoisin sauce 1/2 cup Oyster sauce 1/2 cup Soy Sauce 5 cloves minced garlic 1 medi...

PORK TAPA

Image
Ayon sa Wikipedia , ang tapa o pindang ay isang popular na ulam sa Pilipinas. Kadalasaang itong mga maninipis na hiwa ng tinuyong laman ng baka ngunit maari ding itapa ang ibang karne o isda. Hinango ang salitang "tapa" mula sa salitang Kastila na tapas , mga pagkaing merienda na nagmula bilang panakip (tapa) ng mga inumin upang hindi langawin. Ginagawang tapa rin ang karne ng usa. Karaniwang panimpla sa paghahanda ng mga tinatapa o tinutuyong (isang proseso tinatawag ding "paggamot" sa) karne ang asin at suka. Naging popular sa ating mga ninuno ang pag-gawa nito o ang pagtatapa sa ating mga ulam na karne o isda. Komo nga hindi pa naman uso noon ang fridge, ganito ang ginagawa nila para mapatagal ang buhay ng karne o isda at ng hindi mabulok. Sa entry natin for today, itong paraang ito ang ginawa ko sa nabili kong 1 kilo na pork steak. Actually bigla na lang pumasok sa isip ko na gawin ito, komo nga walang babaunin na pang-ulam ang mga anak ko na papasok sa school. ...

3 GARLIC PORK ADOBO

Image
Katulad ng entry ko kahapon, it's a challenge kung papaano pasarapin o gumawa ng isang lutuin na walang kasamang gulay katulad ng patatas, carrots, bell peppers at iba pa. May 1 kilo akong pork liempo sa fridge at hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Ang hirap talagang mag-isip pag wala kang mailahok na gulay o ano pa man sa iyong lulutuin. Siguro nagtataka kayo sa pangalan ng recipe natin for today. 3 garlic? Yes, tatlong bawang in different form...hehehehe. Yung isa freshly minced, yung isa naman powder at yung isa pa ay toasted. Ang mga ito ang ginamit ko sa ordinary but so special na pork adobong ito. Nabago ang pagkakilala ko sa adobo after this. At masarap talaga. Iba talaga ang nagagawa ng bawang. Try nyo ito. 3 GARLIC PORK ADOBO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo or Kasim cut into serving pieces 1 head minced garlic 1 tbsp. Garlic Powder 2 tbsp. Toasted Garlic (May nabibili nito na nasa bottle sa supermarket0 1 cup vinegar 1 cup soy sauce 1 tsp. ground pepper 1 t...

SESAME CHICKEN in HOISIN SAUCE

Image
Remember yung Cashew chicken dish na niluto ko? 1 kilo yung chicken breast na nabili ko nun. Masyadong marami for an experimental dish. So ang ginawa ko, binawasan ko ng apat na piraso bale 2 whole breast, nilagyan ko lang ng asin, paminta at calamansi juice and presto, ito ang baon ng mga kids nitong isang araw. Tinanong ko naman kung ano ang lasa...masarap naman daw. Sabagay, ano ang hindi sasarap sa isang lutuing may hoisin sauce at sesame oil? Mula nung matutunan ko na gumamit ng mga ito, na-inlove na ako dito. Kaya naman, hindi ako natatakot na mag-experiment gamit ang mga sangkap na ito. Try nyo ito. Okay na okay na pambaon. SESAME CHICKEN in HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 2 whole breast fillet cut into 2 1 tbsp. Hoisin sauce 1 tbsp. Soy Sauce Juice from 3 pcs. calamansi 1 tbsp. Onion leaves 1 tsp. sugar 1 tsp. sesame seeds 1 tbsp. sesame oil 2 tbsp. cooking oil salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ng asin, paminta at katas ng calamansi ang chicken fillet. Hayaa...

BISTEK ALA POBRE

Image
Sa pagluluto, hindi naman kailangan na strict tayo sa mga measurement o dami ng sangkap na ati ng ilalagay. Kung baga, tantya-tantiyahan lang. Kahit ang mother ko kung saan ako natutong magluto ganun din ang ginagawa niya. Siya nga iba, amoy lang alam na niya kung ano ang kulang. Ang importante lang ay alam natin ang basic na sangkap and the rest ay nasa sa atin na yun kung papano natin mapapasarap ang lutuin. Katulad na lang ng entry natin for today. Simpleng bistek na baka. Basta ang pagka-alam ko basta pagsamasahin mo lang ang baka, toyo, katas ng calamansi at anumang panimpla at pakuluuan, presto may bistik ka na. Pero hindi nitong niluto kong Bistek ala Pobre o ang bistek ng mahihirap (..teka...papanong magiging beef steak ito ng mahihirap? e ang mahal kaya ng baka...hehehehe).... binago ko ang ilang pamamaraan and I tell you, ang sarap ng kinalabasan. Eto nga, ito ang baon ko ngayon dito sa office....hehehehe. Try nyo ang twist...di kayo mabibigo....hehehehe. Your bistek will nev...

PORK ADOBO sa GATA

Image
Ang recipe natin na ito for today ay masasabi kong 101% Pinoy. Kahit saang panig siguro ng mundo basta sinabing Adobo, pinoy yun. Sikat na sikat ang lutuin ito. Kaya nga ang dami na ring version ang kinalabasan nito kahit saang lugar. May entry na ako ng Pork adobo sa blog kong ito. Yun lang, ang naka-highlights dun ay yung marble egg na sinama ko sa adobo. This time naman, sinamahan ko ng isa pang sangkap na pinoy na pinoy pa din. Ang gata ng niyog. Hindi ko alam kung saan nag-originate ang ganitong recipe. Pero isa lang ang masasabi ko, masarap talaga....hehehehe. PORK ADOBO sa GATA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Pigue or Kasim cut into cubes 1/2 kilo Pork liver cut into cubers Kakang gata mula sa isang niyog 2 pcs. potato quartered 1 head minced garlic 1 cup soy sauce 1 cup vinegar 1 tsp. ground pepper 2 pcs. dried laurel leaves 1 8g sachet maggie magic sarap Paraan ng Pagluluto: 1. Ilagay sa isang kaserola ang baboy, suka, toyo, pamita at laurel. Pakuluin hanggang sa lumambot ang karne. ...

FRIED CHICKEN - My Other Version

Image
As promised, narito ang recipe nung isang dish na inihanda ko nitong nakaraang birthday ng anak kong si James. Madali lang itong gawin, although, dalawang beses itong lulutuin. Ginaya ko ito dun sa original na fried chicken ng KFC. Ofcourse di ko naman alam ang mga spices na ginagamit nila. Kung baga, eto ang version ko ng KFC fried chicken. Try nyo ito! FRIED CHICKEN - My Other Version Mga Sangkap: 1 kilo Chicken drumstick (or kahit anong part) 3 tangkay ng tanglad o lemongrass 2 pcs. laurel Leaves 1 tsp. dried basil leaves 1 large red onion chopped 1 head minced garlic 1/2 cup rock salt 1 egg 1 tsp. whole pepper corn 1 cup All purpose flour 1 8g sachet maggie magic sarap cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa harina at mantika. Lagyan ng tubig. Dapat lubog ang mga manok. 2. Pakuluan ito sa loob ng mga 30 minuto o hanggang sa maluto ang manok. 3. Hanguin ito mula sa pinagpakuluan at palamigin. 4. Kung malamig na, ilagay...

CENTURY TUNA and BASIL FRITTATA

Image
Anong luto ba ang pwede nating gawin sa tuna na nasa lata katulad ng Century tuna? Pangkaraniwan, gisa lang sa bawang at sibuyas. O kaya naman yung iba nilalagyan ng binating itlog. Para naman maiba ang ating ordinaryong century tuna, eto ginawa ko siyang frittata. madali lang ito at talaga namang masarap. Pwede din itong ipalaman sa tinapay. masarap din itong pambaon sa office katulad kanina ito ang lunch ko....heheheh CENTURY TUNA and BASIL FRITTATA Mga Sangkap: 1 big can Century Tuna Flakes (alisin na yung oil) 1/2 cup chopped fresh basil leaves 1/2 cup grated cheese 4 large eggs beaten 1 large tomato chopped salt and pepper Paraan ng pagluluto: 1. Paghaluin ang lahat ng sangkap sa isang lalagyan. 2. Maglagay ng kaunting mantika sa isang small size na non-stick pan. 3. Mag-prito ng tamang dami ng pinaghalong sangkap. Huwag masyadong malakas ang apoy para hindi agad masunog ang ilalim ng frittata. 4. Kung babaligtarin na, magtaob ng platito o plato sa ibabaw ng kawali at saka baligta...

CHICKEN ADOBO with POTATOES

Image
Sinong Filipino ang hindi mapapalakas ang kain kapag adobo ang ulam? Palagay ko ay wala. Sa ating mga filipino basta adobo, mapa-manok man o baboy, baka man o gulay, at kahit ano pa basta adobo ang luto the best talaga. Kaya nga di ba tinatawag din tayong Adobo Republic? Hehehehe. Itong entry ko for today hindi ako ang nag-luto, ang helper kong si Ate Minda. Marunong din siyang magluto pero yung mga basic lang na lutuin ang alam niya. Kaya nga kapag nagluluto ako ng kakaiba, nagpapaturo siya kung papano ito lutuin. Etong adobong ito, tinuro ko sa kanya kung papano pa ito mapapasarap. Pinalagyan ko din ng patatas para extender at pamparami sa ulam. Madali lang itong lutuin pero ituro ko sa inyo kung papano ko ito ginawa at mas pinasarap pa. CHICKEN ADOBO with POTATOES Mga Sangkap: 1 whole Chicken cut into serving pieces 1 head minced garlic 1 cup soy sauce 1 cup vinegar 2 large potatoes cut into cubes 1 tsp. ground pepper 1 tsp. cornstarch 1 8g sachet maggie magic sarap (optional) Paraa...

CREAMY & CHEESY PORK

Image
Di na kami nag-dinner last night. Kakagaling lang kasi namin sa isang birthday party at busog pa kaming lahat sa aming kinain. Ang nangyari, nag-light snack na lang kami at ang mga bata. Medyo late na ng maisip ko, ano pala ang babaunin nilang ulam kinabukasan sa pag-pasok nila sa school? So, isip-isip, at dito nga nabuo ang recipe natin for today. Again, hindi ko alam kung may recipe talaga na ganito. I-try nyo lang at hindi kayo mabibigo. Masarap ang kinalabasan at tiyak kong magugustuhan ito ng mga bata as their baon. CREAMY & CHEESY PORK Mga Sangkap: 500 grams Pork kasim (skin on) 1 small can Alaska Evap (Yun red ang label) 1/4 bar cheese 1 tbsp. dried basil 1 large potato sliced 1 large carrots sliced 1 large onion chopped 5 cloves minced garlic salt and pepper Maggie magic sarap 1 tsp. cornstarch Paraang ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, pakuluan ang karne ng baboy sa tubig na may asin hanggan sa lumambot ang karne. Hanguin ang karne sa pinaglagaan at palamigin. Itabi ang s...

3 HERBS PAN-GRILLED LIEMPO

Image
Here's another version of Inihaw na Liempo. Pero sabi ko nga komo wala kaming ihawan sa bahay, pan-grill na lang ang ginawa ko dito. In this version, 3 klaseng herbs ang ginamit ko para magpalasa sa liempo. Dried basil, dried oregano at dried rosemary. Lahat naman na ito ay available sa supermarket. And you know what? Ang sarap ng kinalabasan. Ito nga pala ang isa sa mga ulam na niluto ko nung may padasal sa bahay para sa Holy Family. Try nyo ito. Tingin ko mas masarap ito kung i-ihaw talaga sa baga. Or pwede din iluto sa oven o turbo broiler. Eto yung pict nung bago ko pa lang pina-pan-grill. Eto naman yung pict nung malapit ng maluto 3 HERBS PAN-GRILLED LIEMP O Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo 1 tbsp. Dried Basil 1 tbsp. Dried Rosemary 1 tbsp. Dried Oregano 1 tsp. ground pepper 2 8g sachet maggie magic sarap 1 tbsp salt 2 tbsp. brown sugar 1/2 cup soy sauce Paraan ng pagluluto: 1. Paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa pork liempo, brown sugar at soy sauce 2. I-rub ang pinaha...

Crispy Liempo with Rosemary

Image
Isa na namang simpleng lutuin pero punong-puno ng lasa at linamnam......hehehehe. Okay ba sa intro? Actually, ganun ko gustong i-describe ang lutuing ito. Simpleng prito pero masarap. Sabi nga, hindi kailangang gumastos ng mahal para makakain ka ng masarap. At ito yun....hehehehe. Nung isang araw, nag-ka-chat kami ng kumare kong si Kate Avila. Mukhang disidido talaga siyang matutong magluto ng masasarap na putahe...hehehehe. At nabanggit din niya na mag-post daw ako ng mga ulam na pwedeng pambaon ng mga bata. At eto ang isa sa mga pwedeng pambaon ng mga bata at ng mga matatanda na din....hehehehe. CRISPY LIEMPO with ROSEMARY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (Piliin nyo yung hindi makapal ang taba) hiwain ng mga 2 to 3 inches na haba 2 tbsp. dried rosemary 5 pcs. calamansi salt and pepper 1 8g sachet maggie magic sarap 2 cups all purpose flour 1/2 cup cornstarch cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang liempo sa asin, paminta, dried rosemary, maggie magic sarap at ca...

Beef Steak / Bistek with a Twist (Pambaon)

Image
Dito ako sa Makati nag-wo-work. Mag-10 years na din ako dito. Alam naman natin at medyo mataas ang standard of living dito. Ang isang kain nga sa jollyjeep P55 pesos na. Isang kanin lang yun at ulam di pa kasama ang softdrinks. Kaya naman mas mainam siguro na magbaon na lang. Ganun ang ginagawa ko. Yung niluluto kong ulam for dinner, dinadagdagan ko na lang para may pambaon sa kinabukasan. Itong recipe natin for today ay ulam namin nung isang gabi. At eto nga baon ko naman the following day. Nung kinukuhanan ko nga ng picture sabi ng asawa ko ang pangit daw na pinaglagyan ko, sabi ko naman yun ang theme nung entry ko na ito, pambaon na food. Hehehehe. Kagaya nung nasa title, may twist akong ginawa sa recipe na ito. Actually it's an ordinary bistek recipe pero nilagyan lang ng fresh basil leaves. And you know what? Mas sumarap ang ating ordinaryong bistek. Try nyo..... BEEF STEAK / BISTEK with a TWIST Mga Sangkap: 1 kilo Beef thinly sliced 6 pcs. calamansi (juice) 1/2 cup soy sauce ...