HONEY-CALAMANSI GLAZED PORKCHOPS
Narito ang isa na namang dish na pwedeng ipam-baon ng ating mga kids sa school. Syempre pwede din pambaon natin sa office. hehehehe.
Madali lang itong lutuin at talaga naman masarap. naghahalo kasi yung asim ng calamansi at tamis/asim ng honey. Hindi rin ito madaling mapanis dahil may sangkap itong brown sugar.
HONEY-CALAMANSI GLAZED PORKCHOPS
Mga Sangkap:
5 pcs. Porkchops
7 pcs. Calamansi
1/2 cup Pure Honey bee
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Brown Sugar
1 tbsp. Worcestershire sauce
2 tbsp. Olive oil
salt and pepper to taste
1 large White Onion sliced
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang porkchops sa asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang porkchops sa olive oil hanggang sa pumula lang ng kaunti ang magkabilang side.
3. Ilagay ang marinade mix, toyo, worcestershire sauce at lagyan ng 1 tasang tubig. Takpan at hayaang lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay ang sibuyas at brown sugar. Dapat kakaunti na lang ang sauce nito. Halu-haluin.
5. Tikman at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung nagaagaw ang alat ng toyo at tamis ng brown sugar. Maaring lagyan pa ng asin, brown sugar at paminta.
6. Huling ilagay ang honey. Halu-haluin hanggang sa ma-coat lahat na bahagi ng porkchops. Dapat mabilis ang pagkilos para hindi masunog ang honey.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments