Posts

Showing posts with the label rice

CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS

Image
Basta espesyal na okasyon espesyal din at mga kakaiba ang inihahanda o niluluto ko.   Yun din kasi ang gusto ng aking asawang si Jolly.  Kagaya nitong nakaraan naming noche buena, mga kakaiba o espesyal na putahe ang aking inihanda. Isa na dito itong California Maki with Crab Salad Toppings.   Nagaya ko ito sa isang Japanese restaurant na nakainan ko.   Yun lang hindi ganun kaganda ang hiwa komo ordinary knife lang ang ginamit.   Pero panalo ang lasa at sarap nito.  Para ka na ding kumain sa isang mamahaling Japanese restaurant. CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS Mga Sangkap: Japanese Rice Crab Sticks Nori (that black seaweeds sheets) Japanese Mayonaise Ripe Mango (cut into strips) Salt and pepper to taste Note:    Ang dami ng mga sangkap ay depende sa dami ng lulutuin.   Paraan ng pagluluto/assemble: 1.   Isaing ang Japanese rice katulad ng pagsasaing sa ordinaryo na bigas.   ...

FRIED RICE MEAT OVERLOAD

Image
Last last Sunday, nagkaroon ng Family Day ang pangalawa kong anak na si James sa Don Bosco Mandaluyong.   Bale ang nangyari, nag-toka ang mga parents officer ng mga pagkain na dadalihin ng bawat estudyante.  Buti na lang at medyo madali-dali ang na-toka sa aking anak.   Rice o kaya naman ay Fried Rice.  Yang Chow Fried Rice ang naka-specify pero ang ginawa ko ay all meat or meat overload na fried rice. Nakakatuwa naman kasi nung pinapanood ko yung mga nagkukuhanan ng pagkain, marami ang kumuha nung niluto ko.   Sabagay, sino ba naman ang hindi matatakaw sa fried rice ko?   Ito pa lang ay kumpleto na.   Hehehehe. FRIED RICE MEAT OVERLOAD Mga Sangkap: 10 cups Cooked Rice (jasmine or yung long grain ang gamitin) 250 grams Ground Pork 250 Grams Sweet Ham (cut into small pieces) 250 grams Bacon (cut into small pieces) 4 pcs. Chinese Chorizo (cut into small cubes) 2 cups Mix Vegetables (corn, carrots, peas) 4 pcs. Fr...

FRIED RICE MEAT OVERLOAD

Image
Ito yung rice dish na niluto ko para sa kaarawan ng panganay kong anak na si Jake.   Request niya ito kay ito ang niluto ko. Madali lang naman gawin ang rice dish na ito.   Ang importante lang ay tama ang sangkap na gagamitin at yung timing sa pagluluto nito. Hindi ko matawag na yang chow fried rice ito komo wala naman akong hipon na inilagay.   Mostly, mga karne anag akibng inilagay kaya tinawag ko na lang ito na Fried Rice Meat Overload. Kahit naman ano ay pwedeng ilagay sa fried rice.   Mas mainam lang ay yung strong ang flavor para lumasa talaga sa kanin. FRIED RICE MEAT OVERLOAD Mga Sangkap: 8 cups Cooked Rice (jasmin or long grain rice) 1 cup Mix Vegetables (corn, carrots, green peas) 3 pcs. Fresh Eggs (beaten) Spice Ham (cut into cubes) Chorizo de Bilbao (cut into small pieces) Bacon (cut into small pieces) 1 head Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) 1 tsp. Sesame Oil Cooking Oil Spring Onion (chopped)  Salt an...

ARROZ VALENCIANA ala DENNIS

Image
Nitong nakaraang kaarawan ng pangany kong anak na si Jake, naisipan kong magluto nitong arroz valenciana.  Ang arroz valenciana ay para din lang paella na nag-origin sa Valencia sa Espanya.  Kinokonsidera na pagkain ito ng mahihirap noong araw komo sama-sama na ang kanin at ang ulam sa isang lutuan.  Butofcourse sa panahon natin ngayon na medyo sosyal kapag sinabing paella.  Para bang mayayaman lang ang nakaka-kain nito. Dito sa atin sa Pilipinas mayroon din tayong bersyon na tinatawag nating bringhe.   Kaning malagkit ito na kinulayan ng luyang dilaw na may sahog ding manok o karne at mga gulay kagaya ng patatas, carrots at iba pa. Sa version kong ito, pinaghalo ko ang paella at ang valenciana.   Bukod kasi sa karne nga baboy at atay, nilagyan ko pa ito ng tahong at hipon.   At for added twist, nilagyan ko din ito ng gata ng niyog para mas maging malasa.   Yan ang natutuan ko naman sa aking Inang Lina. Masarap ang rice dish na ito....

CHICKEN ADOBO RICE

Image
Sa mahal ng mga bilihin ngayon, ang pag-aaksaya sa pagkain ay isang malaking NO.   Kaya naman hanggat maisasalba ang mga tira-tirang pagkain ay ginagawa ko para hindi ito masayang.   At para maging katakam-takam pa rin ang mga recycled na pagkain, pwede natin itong lagyan ng mga palabok pa o kaya naman ay lagyan pa ng twist para di mag-mukhang recycled. Kagaya nitong dish natin for today.    Saturday maraming natirang kanin at chicken adobo sa bahay.   Hindi kasi dun kumain ang dalawa kong anak dahil may nilakad sa kani-kanilang school.   Good pa para sa isang kain ang natirang kanin at ulam kaya naisipan kong ire-cycle nga ito para mapakinabangan pa. At ito nga ang aking ginawa.   Niluto ko siyang parang paella.   Kung baga, halo-halo na ang lahat ng sangkap at nilagyan ko pa ng toasted garlic, spring onions at itlog na maalat.   Wow!   Ang sarap ng kinalabasan.   Winner tala...

PRITONG SUMAN with DULCE DE LECHE DIP

Image
PRITONG SUMAN with DULCE DE LECHE DIP Yun ang inam kapag nauuwi ka ng probinsya, nakakain mo yung mga paborito mong pagkain na miss na  miss mo nang kainin.   At isa na dito itong Sumang Malagkit. Nitong huling uwi namin sa amin sa Bulacan para sa Undas, may naglako ng sumang malagkit na matandang babae.    Maraming pagkain sa bahay pero naawa naman ako sa babae kaya napabili ako ng tatlong tali ng suman. Sinawsaw ko lang sa asukal ang suman komo wala naman kaming minatamis nang time na yun.   Pero naisip ko na mas masarap itong suman na ito kung ipi-prito sa mantikilya o butter hanggang sa medyo lumutong ang mga side.   At tamang-tama din naman, may ginawang Dulce de Leche ang aking Ate Mary Ann.   Ito ang ginamit kong dip at panalong-panalo talaga ang sarap. Wala akong recipe na maibibigay para sa post na ito.   Yung sa suman pwede naman mabili sa palengke.   Yung para sa dulce de leche, kailang...

KIMCHI FRIED RICE version 2 - CHICKEN FLAVOR

Image
Nagustuhan ng asawa kong si Jolly yung unang version ng Kimchi Fried Rice na niluto ko.   Kaya naman nitong nakaraang kaarawan ng panganay kng anak na si Jake ito ang hiniling niyang lutuin ko ulit. Sa original na recipe, sirloin beef talaga ang ginagamit.   Sa una kong version, pork naman ang ginamit ko.   At para maiba naman, sa version 2 na ito, chicken naman ang inilahok ko. Mas nagustuhan ng asawa ko yung pork version.   Pero siguro depende na lang sa kumakain.   Nagustuhan din kasi ito ng mga bisita na pumunta sa party.   KIMCHI FRIED RICE version 2 - Chicken Flavor Mga Sangkap: 10 cups Long Grain Rice (Jasmin) 2 pcs. Chicken Cubes 500 grams Chicken Breast Fillet (cut into strips) 250 grams Kimchi (cut into small pieces) 250 grams Squid Balls (quartered) 1 cup Green Peas 3 pcs. Eggs (beaten) 1/2 cup Spring Onion (chopped) 3 tbsp. Cooking Oil 1 head minced Garlic 1 large Red Onion (chopped) 1/3 cup Soy Sa...

KIMCHI FRIED RICE - My Own Version

Image
Parte ng premyo sa pagkapanalo ko sa Alaska Kitchen Challenge ay ang isang half day cooking class with Chef Kai Padilla.   Bale isang complete course ang itinuro sa amin from appetizer to dessert.   Isa na nga sa mga dish na itinuro ay itong Kimchi Fried Rice. Nitong nakaraan kong kaarawan, naisipan kong lutuin ito para sa aking mga ka-officemate.   Pero syempre kadalasan nilalagyan ko ng twist ang original na recipe na natututunan ko.   Sa dish na ito, sa halip na beef, pork ang ang ginamit ko.  At sa halip na hipon (medyo mahal kasi) squid balls naman ang aking ipinalit.   Also, nilagyan ko na ng flavor ang rice habang isinasaing ko ito.  Ang resulta?   Masarap at nagustuhan talaga ng mga naka-kain.   Kaya nga ni-request ng asawa kog si Jolly na magluto ulit ako nito sa birthday naman ng aking panganay sa Sep. 22. KIMCHI FRIED RICE - My Own Version Mga Sangkap: 10 cups Long Grain Rice (Jasmin...

PIRURUTONG NA BIKO

Image
First time kong maka-kita ng purple rice o yung tinatawagh sa tagalog na pirurutong.   Black o itim siya kung titingnan kung hilaw pero pag naluto na ay kulay violet o maitim na ube ito. Binigyan ako ng kapitbahay kong si Ate Joy nitong klase ng bigas na ito.   Galing daw ito sa Baguio at bigay ng kanyang kaibigan.   Nung unag kita ko pa lang dito, ay naisip ko agad na masarap itong gawing biko o yung kakain na niluto sa gata ng niyog at nilagyan ng asukal.  At eto na nga ang kinalabasan ng aking ginawa. PIRURUTONG NA BIKO Mga Sangkap: 2 cups Purple Rice o Pirurutong na Bigas 2 cups Ordinary Malagkit Rice 4 cups Kakang Gata Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Paghaluin ang purple rice at ordinary na malagkit rice.   Hugasan sa tubig. 2.   Ilagay sa kalderong saingan at lagyan ng tubig at 1 cup ng kakang gata.   Ang dami ng tubigat gata ay dapat pareho kung paano kayo nagsasaing. 3. ...

CALIFORNIA MAKI ala EJ

Image
So Doc EJ ay ka-officemate ng asawa kong si Jolly.   Kumare din namin siya dahil pareho namin siyang nag-anak sa binyag sa anak ng isa pa nilang ka-officemate na si Doc Kaye. One time, nakita ko na nag-post siya ng pict sa FB na gumagawa ng California Maki.   At dahil paborito ko ito, nagbiro ako sa kanya na gusto ko rin kako niyan (maki).   At sumagot din naman siya na kapag gumawa daw siya ulit nito ay padadalhan niya ako. At ganun nga ang nangyari, ang pict sa itaas ang ipinadala niya.   Masarap ha.   At mas lalo pang tumingkad ang lasa dahil sa Japanese mayo na inilagay niya sa ibabaw.   Ang bloopers pala na nangyari...hehehehe.  May nakalagay na lettuce sa gitna nitong mga maki na ito.   Ang ginawa ko una ko itong kinain not knowing na dun pala naka-lagay yung wasabi.   Hahahaha....sabay luwa ko ito at sabay mumog ng tubig.  hehehehe. The last time na gumawa ako nitong California Ma...

CHOCO CHOCO CHAMPORADO

Image
Tuwing Sabado at Linggo, sinisikap kong iba naman ang aming almusal kumpara sa araw-araw na kanin at ulam.   Para kasi sa akin espesyal ang mga araw na ito.  Wala kasing pasok ang mag bata at pagkakataon naming magkasabay-sabay kumain. Nitong nakaraang Sabado, nagluto ako ng champorado at pritong tuyo at sapsap.   Pero bakit may choco choco pa ang umpisa ang tawag ko sa champoradong ito?   Nakita ko kasi yung chocolate syrup sa ang fridge at sinubukan kong lagyan pa nito ang champorado sa halip na gatas lamang.   Nakakagulat pero mas lalong sumarap ang paborito na nating champorado at tuyo.   Try nyo din po. CHOCO CHOCO CHAMPORADO Mga Sangkap: 2 cups Malagkit na Bigas 3 pcs. Chocolate na Tablea 2 cups Brown Sugar o depende na lang sa tamis na nais nyo Evaporated Milk Chocolate Syrup Pritong Tuyo o Sapsap Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola pakuluan ang malagkit na bigas kasama ang tablea.   Halu-haluin...

PAELLA VALENCIANA

Image
Ito ang isa sa mga pinaplano kong lutuin at ihanda sa nalalapit na Noche Buena.   Paella Valenciana.   Huwag kayong mag-alala dahil hindi naman ganun kakumplikado ang pagluluto nito.   Hindi na rin kailangan paellera o yung lutuan ng paella para makapagluto lang nito.   Kung baga, ordinaryong gamit lang sa kusina at simpleng mga sangkap ay okay na. Masarap ang dish na ito.   Kumpleto kasi ang mga sangkap.   May rice at ulam na din in one.   Nilagyan ko na din lang ng ilang twist para mas lalo pa itong mapasarap.   Try nyo din po. PAELLA VALENCIANA Mga Sangkap: 2 cups Bigas na Malagkit 2 cups Ordinaryong Bigas (Jasmin na bigas ang ginamit ko dito) 1/2 kilo chicken breast cut into small pieces 1/2 kilo Atay at Balunbalunan ng manok 1/4 kilo Porkloin or kasim cut into cubes 3 pcs. chorizo de bilbao (hiwain ng pahaba) 3 pcs. medium size potatoes cut into cubes (cut into small pieces) 2 pcs. red and ...

BIBINGKANG MALAGKIT

Image
Kakanin na masarap na dessert o kaya naman ay pang-meryenda kasama ang mainit na tsaa.  Try po ninyo itong ginawa kong Bibingkang Malagkit. Yes.  Noon ko pa gusto gumawa at magluto nito.  Pero sa totoo lang, first time ko lang gumawa nito sa bahay.   Hindi kasi ako sure kung papaano at kung ano ang mga sangkap nung toppings na inilalagay.   Not until na mabasa ko yung inag recipe dito sa net at sa tulong na din ng aking Tiya Ineng. Actually, madali lang gawin ito.   Simple lang ang mga sangkap pero masarap talaga ang kakalabasan.   Nagustuhan ng ng mga anak ko at nag-request na gumawa ulit ako nito.  Try nyo din po.  Pwede din ito sa nalalapit na Noche Buena sa Pasko. BIBINGKANG MALAGKIT Mga Sangkap: 2 cups Malagkit na Bigas 1 cup Long Grain na Bigas 3 cups Kakang Gata g Niyog 1/2 tsp. Salt Brown Sugar to taste 1 tsp. Ginadgad na balat ng dayap o lemon Paraan ng pagluluto: 1.   Isaing ang malag...

GINATAANG PINIPIG

Image
Ito ang isa pang dish na matagal ko nang hindi natitikman.   Ginataang Pinipig.   Ito rin ang isa pang dish na hiniling ko sa aking kapatid na si Shirley nung umuwi kami ng Bulacan nitong nakaraang halalan. Ang kapatid kong si Shirley ang nagluto o gumawa nito.   Ang dish na ito ay madalas ding ginagawa kung dumarating ang Undas o Araw ng mga Patay.   Madali lang naman itong gawin.  Bale yung paglalaga lang ng gabi ang niluluto dito.   Yung ibang sangkap ay paghahalu-haluin lamang. Masarap ang dish na ito na panghimagas o kaya naman ay pang-meryenda.  Masarap ito na medyo malamig.   Try nyo din po Paalala lang po.   Wala pong eksaktong sukat ang mga sangkap na inilagay ko dito.  Kayo na po ang bahala kung gaano karami ang gusto ninyo.. GINATAANG PINIPIG Mga Sangkap: 1/2 kilo Pinipig 1/2 kilo Gabi Gata ng Niyog mula sa 3 Niyog (gamitin yung sabaw sa pagpiga ng gata) 3 cups na Sago 2 pc...

FRIED RICE with PORK CHICHARON

Image
Masarap talagang almusal sa umaga ang fried rice o sinangag na kanin.   Masarap talaga lalo na kung maraming bawang at mantikang baboy ang gagamitin mo.  hehehehe.   Kaya lang, minsan nagiging boring na nakagawian nating sinangag.   Mas masarap kung may konting sahog na gulay like carrots, corn, peas o kaya naman ay chopped na ham or bacon. Ako madalas bawang at binating itlog lang ang inilalagay ko.   Pero nang makita ko itong chicharong baboy na nabili ko, naisipan kong bakit hindi ko lagyan nito.   Siguro iisipin nyo, e di kumunat yung chicharon kapag inihalo sa mainit na sinangag?   Okay lang.   Yung flavor naman ang magdadala at magpapasarap sa inyong sinangag.   For extra crunch pwede nyong i-top ng chopped chicharon ang inyong sinangag bago ihain.   Try nyo din po. FRIED RICE with PORK CHICHARON Mga Sangkap: 6 cups Rice 1 head minced Garlic 3 tbsp. Mantikang Baboy or ordina...

ADOBO FRIED RICE with GIGI FLAKES

Image
Lagi kong sinasabi na NO NO sa aming bahay ang pag-aaksaya ng pagkain.  Kaya naman hanggat maari ay nire-recycle natin ito para mapakinabangan pa.  Siguro kailangan lang nating mag-isip ng kaunti para mas mapasarap pa natin ito. Kagaya nitong simpleng fried rice na ito.   Nung nagluto ako ng chicken adobo nung isang araw, napadami ata ang sabay na nailagay ko.  Kaya ang ginawa ko, inilagay ko sa isang lalagayna ang ibang sabaw at inilagay ko muna sa fridge.  Sayang kasi kako, lalo pa at nasa sauce na na yun yung lasa at sarap ng adobo.   Ganun din sa kanin na natira at sa 2 pirasong gigi na ulam pa namin nung isang araw.   Doon nabuo sa isip ko na sa halip na i-init ko na lang yung kanin bakit hindi ko na lang ito gawing fried rice. Para magkaroon ng ibang texture, inihiwalay ko yung toasted garlic at ginawa kong crispy yung adobo flakes at saka ko ginawang toppings sa fried rice.   Wow!  Panalo ang lasa at ang sara...

CURRY and BASIL FRIED RICE

Image
Ang pagaaksaya ng pakain sa aming tahanan ay isang malaking NO.   I know na marami sa atin ay ganun din.   Kaya nga pag nakakakita ako ng mga pagkain hindi nauubos sa mga handaan man o fastfood nalulungkot ako.  Ang dami kasi sa mga kababayan natin ang hindi nakakakain ng wasto pero ang dami pa din sa atin ang nagaaksaya.  Kaya naman sa amin hanggat maaari ay magamit pa o ma-recycle pa ang mga tira-tirang pagkain na ito. Kagaya nitong espesyal na fried rice na ito.   Bukod sa itlog, puro tira-tira lang ang mga sahog nito.  Pero wag ka...masarap at kakaiba sa pangkaraniwang fried na nakakain natin.   Subukan nyo din po. CURRY and BASIL FRIED RICE Mga Sangkap: 6 cups Kanin (mas mainam kung nalagay muna sa fridge ng mga ilang oras) 1 tsp. Curry Powder 1 cup Lechon Kawali or boiled pork (cut into small cubes) 1/2 cup Fresh Basil leaves (chopped) 1 pc. Egg (beaten) 1 head minced Garlic 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking...

CHICKEN ARROZ CALDO with EGG

Image
Hindi ko alam kung sa mga kastila natin namana itong masarap na arroz caldo na ito.   Arroz kasi is the spanish term for rice at caldo naman ang ibig sabihin ay soup.   So, Rice Soup ito siguro in English.   hehehehe.   Sa kagaya ko na tagalog, nilugawang manok ang tawag namin dito.   Masarap ito lalo na kung bagong luto at kung medyo malamig ang panahon. Sa mga Intsik congee ang tawag dito.   At kagaya ng sa mga Tsino, marami din ang inilalagay nila dito para lalo pang sumarap.   Kagaya ng manok, baboy, baka, tokwa at marami pang iba.   Yun lang, ang lugaw o congee ng mga Tsino ay medyo matabang.  Kung baga, bahala ka na sa ilalahok mo dito para magkalasa.  Hindi katulad ng arroz caldo o yung nakasanayan nating lugaw na gisado sa luya, bayang at sibuyas.   Para sa akin, mas gusto ko ito kaysa sa lugaw ng mga Intsik.   hehehe CHICKEN ARROZ CALDO with EGG Mga Sangkap:...

ADOBO FRIED RICE with ADOBO FLAKES

Image
Nagluto ako ng pork adobo nitong nakaraang araw.   Sinamahan ko pa ito ng nilagang itlog para pamparami na din.   Masarap talaga ang adobo lalo na kung kinabukaan mo kakainin.   Yun lang napulaan ako ng aking asawang si Jolly komo masyado daw malalaki ang hiwa ng piraso ng karne.  Hehehehe Komo nga sinamahan ko pa ng hard boiled eggs ang adobo, may natira pang ilang piraso na malalaki ang hiwa ng karne.  May natira din na kanin ng nakaraan naming dinner kaya naisipan kong isangag na lang ito at ihahalo ang natira pang adobo. I did not expect na ganun kasarap ang kakalabasan ng adobo fried rice na yun dahil habang kinakain mo parang layer layer ang flavor na iyong nalalasahan.   Nandun yung sarap na lasa ng adobo at yung crispiness nung karne.  Try nyo ito.   This not your ordinary adobo fried rice although halos pareho lang ang paraan ng pagluluto. ADOBO FRIED RICE with ADOBO FLAKES Mga Sangkap: 6 cups Cooked l...

SHRIMP, CRAB and ALIGUE PASTA

Image
May aligue pasta dish na ako sa archive.   Ito naman ang aking updated version.   Ito ang pasta dish na inihanda ko nitong nakaraan naming wedding anniversary.   Syempre, it's a special day, kaya naman espasyal din ang mga pagkaing aking inihanda. Pero paalala ko lang ha, medyo huwag lang pagka-sobra sa pagkain nito lalo na yung mga mataas ang cholesterol at martaas ang blood pressure.   Taba ng talangka kasi ang pinaka-base sauce nito kaya hinay-hinay lang.   hehehehe.   Ofcourse dapat yung good quality ng crab fat ang gamitin para makuha natin yung masaap na lasa ng sauce.   Panalong-panalo ito panigurado ko kaya i-try nyo na. SHRIMP, CRAB MEAT and ALIGUE PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions) 1/2 kilo medium size Shrimp (alisin ang ulo at balat.  Itira lamang yung dulo ng buntot) 15 pcs. Crab Sticks (cut into strips) 2 cups Crab Fats or Aligue 1/2 cup F...