FRIED RICE MEAT OVERLOAD
Ito yung rice dish na niluto ko para sa kaarawan ng panganay kong anak na si Jake. Request niya ito kay ito ang niluto ko.
Madali lang naman gawin ang rice dish na ito. Ang importante lang ay tama ang sangkap na gagamitin at yung timing sa pagluluto nito.
Hindi ko matawag na yang chow fried rice ito komo wala naman akong hipon na inilagay. Mostly, mga karne anag akibng inilagay kaya tinawag ko na lang ito na Fried Rice Meat Overload.
Kahit naman ano ay pwedeng ilagay sa fried rice. Mas mainam lang ay yung strong ang flavor para lumasa talaga sa kanin.
FRIED RICE MEAT OVERLOAD
Mga Sangkap:
8 cups Cooked Rice (jasmin or long grain rice)
1 cup Mix Vegetables (corn, carrots, green peas)
3 pcs. Fresh Eggs (beaten)
Spice Ham (cut into cubes)
Chorizo de Bilbao (cut into small pieces)
Bacon (cut into small pieces)
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
1 tsp. Sesame Oil
Cooking Oil
Spring Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na wok, i-prito ang binating itlog sa kaunting mantika. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3. Isunod na agad ang spice ham, chorizo de bilbao at bacon.
4. Isunod na din ang mix vegetables at halu-haluin.
5. After ng ilang sandali ilagay na ang dinurog na kanin at timplaga ng asin at paminta. Patuloy na halu-haluin para makalat ang flavor sa kanin.
6. Huling ilagay ang sesame oil
7. Maaring tikman para mai-adjust ang lasa.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang chopped spring onions at chopped scrambled eggs.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments