NUTTY YEMA CAKE ala DENNIS

Ito ang cake na inihanda ko para sa 14th birthday ng pangalawa kog anak na si James. Uunahan ko na kayo hindi ako ang nag-bake nung pinaka-tinapay ng cake kundi binili ko lang. Wala naman kasi kaming oven. hehehehe. Bale ang ginawa ko lang ay yung yema na inilagay ko sa cake. Yung mamon o tinapay na ginamit ko ay binili ko lang sa Salazar bakeshop sa may Farmers Plaza sa Cubao. Actually steam cake siya kaya masarap at malambot talaga. Also, pangkaraniwang yema cake na nakikita natin ay grated cheese ang inilalagay na toppings. Pero ito sa akin, naisipan kong nuts naman ang ilagay. Cashew o kasoy ang aking inilagay. Tamang-tama dahil nagbe-blend yug lasa nito sa tamis ng yema at ng cake. Nakakatuwa dahil nagustuhan talaga ito ng aking asawang si Jolly. Yummy talaga!!! NUTTY YEMA CAKE ala DENNIS Mga Sangkap: 12x12 Ready to eat Chiffon Cake 2 can Condensed Milk ...