Posts

Showing posts with the label pinoy na pinoy

SINIGANG na HIPON sa KAMIAS

Image
Nitong huling uwi ko sa aming bahay sa Bocaue, Bulacan, napansin ko itong puno ng kamias sa bakuran ng aking Tita Melda na hitik sa bunga. Naalala ko tuloy noong araw na maliliit pa kami, katu-katulong kami ng aming Mama Tinay na mamitas ng bunga nitong kamias at pagkatapos ay pinipiga namin yung katas at ginagawa namang minatamis.   Yes.  Ganun na katanda ng puno ng kamyas na ito. Kaya naman hiniling ko sa aking tita na pipitas ako nito para madala pabalik ng Maynila. Tamang-tama kasi may nabili namang hipon na suahe ang aking asawang si Jolly at ayos na isigang ko ito sa kamias nga. Ang sarap.   Tamang-tama lang yung asim.   Ang tagal ko na ding hindi nakatikim ng sinigang sa kamias.   Madalas kasi ay yung instant sinigang sa sampalok mix ang aking ginagamit. SINIGANG na HIPON sa KAMIAS Mga Sangkap: 1 kilo Hipon (Suahe) Kamias (depende sa asim na gusto nyo) 3 pcs. Tomatoes (quartered) 2 pcs. Onion (quartered) Labanos ...

CHICKEN ADOBO with CHEESE

Image
Nagsabi sa akin ang pangalawa kong anak na si James na kailangan daw niyang magdala ng pagkaing Pilipino sa school bilang pagdiriwang ng Buwan ng wika.  At ito ngang Chicken Adobo na ito ang aking niluto. Kapag pagkaing Pilipino, dalawang pagkain lang ang naiisip ko na masasabi nating pinoy na pinoy talaga.   Ito ay ang adobo at sinigang.   Di ba nga hanggang ngayon ay pinagdidibatehan pa kung alin nga sa dalawang ito ang maituturing na pambansang ulam ng Pilipinas.   Kahit ako hindi ko mapili kung alin talaga.   Pareho kasi na versatile ang dalawang ulam na ito at kahit saang lugar sa Pilipinas ay may sarilijg bersyon ng dalawang ulam na ito. But this time nilagyan ko ng twist ang chicken adobo ko na ito.   Komo mga kabataan ang kakain, naisip ko na bakit hindi ko lagyan ng grated cheese ang ibabaw para mas lalong maging katakam-takam.   Adobo with cheese?   Why not?   parehong masarap kay mas la...

CHICKEN CALDERETA using UFC Caldereta Mix

Image
Classic favorite nating mg Pilipino itong caldereta.   Dati, sa mga handaan lang natin ito natitikman.   Pangkaraniwan, karneng baka ang ginagawang ganito o kaya naman ay karne ng baboy o kambing. Ngayon, hindi na pahirapan ang pagluluto ng caldereta.   Marami na kasing available na mga sauces at marinade mixes sa mga paborito nating classic na filipino dishes sa mga supermarket o palengke man.   Ako basta may bago akong nakita sa supermarket sinusubukan ko ito para malaman ko din kung alin ang masarap.   Hindi naman ako nagre-rely lang sa mga instant mixes na ito.   Nilalagayan ko pa din ng iba pang mga sangkap para mas lalo pa itong mapasarap. Katulad nitong Chicken Caldereta na ito.   Bukod sa UFC Caldereta Mix, nilagyan ko pa din ito ng sweet pickle relish at Reno Liver spread na pangkaraniwang nilalahok natin sa caldereta.   The result?    Isang masarap na ulam para sa ating ...

CLASSIC CRISPY PATA

Image
CLASSIC CRISPY  PATA Ilang buwan na ding sira ang aming turbo broiler...na miss ko tuloy ang mga paborito kong lutuin dito kagaya ng roasted chicken at itong crispy pata.   Kaya eto balik sa original o classic na paraan ng pagluluto ng crispy pata ang aking ginawa.   Well, mas masarap naman talaga yung original o classic kumpara sa luto sa turbo o pugon.   At syempre nasa timpla pa din ang sekreto para sa isang masarap na crispy pata. Narito ang ilan sa mga tips para sa isang masarap na crispy pata: 1.   Dapat batang pata ng baboy ang gagamitin.   Malalaman ito sa kapal ng balat ng pata. 2.   Pakuluan ang pata sa kaserolang may maraming asin, bawang, sibuyas, dahon ng laurel at pamintang buo. 3.   Huwag i-overcooked din ang paglalaga ng pata dahil ipi-prito pa ito.   Yung tama lang ang lambot dapat. 4.   Pagkatapos palamigin ang nilagang pata, hiwaan ang paligid nito na sagad hangga...

ADOBONG BUTO-BUTO

Image
Masarap na i-adobo ang pork ribs o yung mga buto-buto ng baboy.   Nandun kasi yung masarap na lasa ng baboy.    Sa lugar nga ng asawa kong si Jolly sa San Jose Batangas, ganito ang adobo na niluluto nila.   Masarap naman talaga ang adobo nila kaya naman naisipan kog magluto din ng kagaya nito sa amin nitong nakaraang araw. Masarap talaga.   Paniguradong mapaparami ka ng kanin kapag ganito ang ulam mo.   Hehehehe ADOBONG BUTO-BUTO Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Ribs or Buto-Buto 1 cup Cane Vinegar 1 cup Soy Sauce 2 heads Minced Garlic 1 pc. Large Onion (chopped) 1 tsp. Freshly Crack Pepper 1 tsp. Worcestershire Sauce 2 pcs. Large Potatoes (cut into cubes) 3 tbsp. Cooking 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap or 1 tbsp. Sugar Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.  Hanguin sa isang lalagyan. 2.   Sun...

CLASSIC CRISPY PATA

Image
Isa pa sa mga paborto nating pagkain itong Crispy Pata.   Sa mga espesyal na okasyon kagaya ng Pasko, Bagong Taon, birthday at iba pa.   Kahit nga simpleng salo-salo ay bumibida din talaga ang putaheng ito. Hindi ko matandaan kung kailan ako huling nagluto ng classic crispy pata.   Mula nung matutunan kong lutuin ito gamit ang turbo broiler, hindi na ako bumalik sa classic na paraan ng pagluluto nito.   Medyo delikado din kasi lalo na yung pumuputok-putok ito habang pini-prito. At eto na nga, nagkapagluto ako nitong classic na crispy pata nitong nakaraang araw.   Basta na lang kasi tumigil at nasira ang aming turbo broiler.  Buti na lang at napalambot ko na ang pata at napalamig kaya ipinirot ko na lang ito kagaya ng nakaugalian natin. Masarap.    Iba talaga yung lutong ng classic na crispy pata.    Nanunuot ang linamnam.    Hehehehe CLASSIC CRISPY PATA  Mga Sangkap: ...

LAING ala DENNIS

Image
After nang pagbisita namin sa aking Tiyo Lando sa Bicol, parang nag-crave ako bigla sa pagkain ng Laing.   Yes.   Yung lutong Bicol na dahon ng gabi na may gata.   Tyempo din na napanood ko sa youtube yung movie nina Aga at Claudine yung Kailangan kita.   Gustong-gusto ko yung part ng encounter ni Caloy played by Aga at yung Tatay niya na tinuturuan siyang magluto ng laing.   Gusto-gusto ko yung part na sinabi nung tatay..."...pare-pareho lang naman ang pagluto ng laing...pare-pareho rin ang mga rekado...pero siguro iba lang ang gata ko....punong-puno ito ng pagmamahal....alam mo...ito rin yung paborito ng anak ko...si Caloy".   Ito talaga yung mga linya na tumagos sa akin.   Kaya ayun..napaluto tuloy ako ng laing.    hehehehe Ito siguro ang the best na luto ko ng laing.   Winner talaga!!!! LAING ala DENNIS Mga Sangkap: 500 grams Sariwang Dahon at Tangkay ng Gabi (cut into small pi...

BANGUS SISIG

Image
Isa sa mga paboritong ulam namin sa bahay itong Sisig.   Kagaya ng Adobo, marami ding version itong sikat na sikat na sisig ng Pampanga.   May mga dagdag din na sangkap at maging ang paraan ng pagluluto ay nagiiba-iba. This time, sa halip na baboy ay bangus naman ang akijg ginawang sisig.   May sinunod akong recipe sa net at ito na nga ang kinalabasan. Masarap.   Hindi ko akalain na masarap din pala na sisig ang bangus.   Try nyo din po. BANGUS SISIG Mga Sangkap: 2 pcs. Medium to large size Boneless Bangus 2 cup Dinurog na Chicharon 8 pcs. Siling Pang-sigang (sliced) 1 cup Mayonaise 1 tbsp. Garlic Powder 1/2 cup Melted Butter 2 tbsp. Vinegar 2 tbsp. Soy Sauce 3 pcs. White Onion (chopped) Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying Calamansi Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang boneless bangus ng asin at paminta.   Hayaan ng mga 1 oras. 2.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang maluto....

LUGAW with CRISPY TOKWA'T BABOY

Image
Ilang araw na ding nagke-crave ako sa lugaw tokwa't baboy.   May nagtitinda naman sa labas ng opisina na aking pinapasukan kaso di ako makalabas dahil sa walang tigil nabuhos ng ulan. At komo naguulan nga masarap talaga na kumain ng maiinit na sabaw.   Kaya nitong isang araw nagluto ako nito para sa aming almusal. Pangkaraniwan, yung nilagang baboy ang ginagamit natin sa tokwa't baboy na ito.   Pero in this version, nilaga at pagkatapos ay isinalang ko naman sa turbo broiler para maging crispy ang kalabasan.    So, lechon kawali ang kinalabasan ng baboy na inihalo ko sa piniritong tokwa. Ang resulta?  Ubos lahat ng lugaw tokwa at baboy na aking niluto.   Yummy!!!! LUGAW with CRISPY TOKWA'T BABOY Mga Sangkap: 1/2 kilo Whole Pork Belly 8 pcs. Tokwa o Tofu 2 cups Malagkit na Bigas 2 heads Minced Garlic 2 pcs. White Onion (sliced)  1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for fry...

KARE-KARENG MANOK

Image
Nitong huling pag-a-outing namin sa Pangasinan, bumili ang aking asawang si Jolly ng bagoong alamang bilang pasalubong at para pang-gamit na din sa bahay.   Masarap talaga ang bagoong sa kanila kaya naisipan kong magluto ng kare-kare na tamang-tamang  katerno ng bagoong. But this time manok ang laman na aking ginamit.   Medyo may kamahalan kasi ang baka at hindi naman mahilig ang aking mga anak sa lamang loob ng baka o baboy.   Also, instant kare-kare mix lang ang ginamit ko pero dinagdagan ko pa ng peanut butter for extra creaminess.   At viola!  isa na namang masarap na ulam ang aming pinagsaluhan. KARE-KARENG MANOK Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 sachet Kare-kare Mix 2 tbsp. Peanut Butter Pechay Talong Sitaw Puso ng saging 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na karerola, igis...

CREAMED CORN MAJA BLANCA

Image
Sa bahay lang ang aking mga anak sa panahong ito ng kanilang bakasyon.  Ika nga, staycation sila.   Hehehehe.   At kapag nasa bahay lang, kumain, matulog, manood ng tv at mag-computer lang ang kanilang ginagawa.   At komo nasa bahay nga lang, mas malakas silang kumain.   Kumbaga, lagi silang gutom.   Hehehehe. Kaya naisipan kong gumawa nitong Maja Blanca para pang-meryenda nila o dessert na din. May ilang recipe na din ako nito sa archive.   But this time, sa halip na whole corn kernel ang ginamit ko, creamed corn o yung durog na mais ang aking ginamit.   Naisip ko kasi, kumpara sa whole kernel, mas malasa itong creamed kasi durog nga na labas na labas ang flavor niya.   At tama, mas masarap at mas creamy ang kinalabasan ng aking Maja Blanca. CREAMED CORN MAJA BLANCA Mga Sangkap: 200 grams Cornstarch 1 big can Creamed Corn 1 big can Coconut Cream 1 tetra brick All Purpose Cream 1/2 ba...

BROILED BANGUS STUFFED with PORK ADOBO, TOMATOES and ONIONS

Image
All time favorite ng aking pamilya itong inihaw na bangus.   In our case pala, broiled kasi di naman pwedeng mag-ihaw sa baga sa condo na tinitirhan namin.   Hehehehe. Marami na akong flavor ng bangus na inihaw na ito sa archive.   May nag-email pa nga sa akin na naging standard na sa kanilang bahay ang recipe na inihaw na bangus na may kasamang cheese.   Nakakatuwa naman. This time, hinaluan ko naman ng adobong baboy ang palaman na inilagay ko sa bangus.   May natira pa kasing pork adobo sa fridge at para di masayang hinwa ko ito ng maliliit na ipinalaman ko nga.   Tamang-tama dahil malasa at masarap ang adobong ito.   ayus na ayos na nag-blend yung flavor sa kamatis at sibuyas na kasama.   Try nyo din po. BROILED BANGUS STUFFED with PORK ADOBO, TOMATOES and ONION Mga Sangkap: 2 pcs. Medium to large size Boneless Bangus 5 pcs. large Tomatoes (cut into small cubes) 2 pcs. large White Onions (ch...

CHICKEN ADOBO RICE

Image
Sa mahal ng mga bilihin ngayon, ang pag-aaksaya sa pagkain ay isang malaking NO.   Kaya naman hanggat maisasalba ang mga tira-tirang pagkain ay ginagawa ko para hindi ito masayang.   At para maging katakam-takam pa rin ang mga recycled na pagkain, pwede natin itong lagyan ng mga palabok pa o kaya naman ay lagyan pa ng twist para di mag-mukhang recycled. Kagaya nitong dish natin for today.    Saturday maraming natirang kanin at chicken adobo sa bahay.   Hindi kasi dun kumain ang dalawa kong anak dahil may nilakad sa kani-kanilang school.   Good pa para sa isang kain ang natirang kanin at ulam kaya naisipan kong ire-cycle nga ito para mapakinabangan pa. At ito nga ang aking ginawa.   Niluto ko siyang parang paella.   Kung baga, halo-halo na ang lahat ng sangkap at nilagyan ko pa ng toasted garlic, spring onions at itlog na maalat.   Wow!   Ang sarap ng kinalabasan.   Winner tala...

ENSALADANG PAHUTAN na may KAMATIS at ITLOG NA MAALAT

Image
Taun-taon sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas kami nago-obserba ng mga Mahal na Araw.   At katulad ng maraming mga Katolikong Kristyano, nangingilin din kami sa pagkain ng karne sa mga mahal na araw partikular sa Huwebes at Biyernes Santo. Bago kami umuwi sa bahay ng aking biyenan na si Elo kung saan kami mananatili, dumaan muna kami sa palengke ng San Jose para mamili ng mga pagkaing aming dadalhin.  Sa aking pamimili ay nakita ko itong nagtitinda ng pahutan o paho.   Ito yung manggang maliliit na masarap naman talagang gawing enselada at i-terno sa pritong isda.   Naisip ko din na gustong-gusto ito ng aking asawang si Jolly. Kahit may kamahal ay bumili pa din ako nito ng ilang piraso.   Biro nyo P5.00 ang halaga ng isang maliit na piraso nito?  Okay din lang naman.  Masarap naman talaga ito lalo na at kasama ang pritong maliliit na galunggong.   Hehehehe.   Sa loob-loob ko, hindi ata ...

CRISPY CHUNKY PORK SISIG ala DENNIS

Image
Isa sa mga paboritong ulam ng aking mga anak itong pork sisig.   Madalas nga kapag gipit na ako sa oras at kailangan ko pang magluto ng pangulam nila, bumibili na lang ako nitong sisig sa aking suking karinderia. Kaya nang makita ko itong maskara o ulo ng baboy nitong minsang nag-grocery ako, naisipan kong magluto nitong sisig para sa aking mga anak.   Sarili kong version ito.   Alam kong maraming version ang sisig at katulad ng adobo maraming pamamaraan itong lutuin at maging ang mga sangkap na inilalagay. Sa version kong ito, bale 3 beses kong niluto ang baboy.   Okay lang kahit medyo matagal.   masarap naman ang kinalabasan na nagustuhan naman ng aking mga anak. CRISPY CHUNKY PORK SISIG ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Ulo ng Baboy (yung kasama yung tenga) 1/2 kilo Atay ng Baboy 3 pcs. Siling pang-sigang 1 pc. large White Onion (chopped) 1 pc. large White Onion (quartered) 2 pcs. Dried Laurel 8 pcs. Calamansi 3 tb...

CRISPY PATA with KARE-KARE SAUCE

Image
Yes!   My two favorite dishes in one.   Actually, parang dalawang dish talaga ito, magkahiwalay niluto pero pinagsama nung kakainin na.   Ang masarap kasi dito, iba yung naging texture ng karne komo pa-crispy pata nga ang luto.   Yung kare-kare sauce naman para maging rich pa rin ang flavor, yung sabaw na pinaglagaan ng pata ang aking ginamit.   Kaya naman sauce pa lang ng kare-kare na ito ay pang-ulam na din. At syempre hindi dapat mawala ang bagoong alamang.  Kung hindi masarap ang bagoong na kasama nito ay parang nababawasan ang sarap ang kabuuan ng dish.   It's better na yung trusted na bagoong in a bottle na lang ang gamitin nyo na available sa mga supermarket. CRISPY PATA with KARE-KARE SAUCE Mga Sangkap: 1 whole Pata ng Baboy (sliced) 2 pcs. Dahon ng Laurel 2 pcs. Red Onions (quartered) Sa and pepper to taste For the Kare-kare Sauce: 1 sachet Mama Sita's Kare-kare Mix Talong Sitaw Pechay Tagalog ...

PORK and STRING BEANS ADOBO with OYSTER SAUCE

Image
Mahirap talaga magpakain ng gulay sa ating mga anak.   Ewan ko ba, kahit nga tinuturo na sa school ang kahalagahan ng pagkain ng gulay ay ayaw pa din itong gawin ng mga bagets. Ganun pa man, pinipilit ko na lang na samahan ng kahit kaunting gulay ang mga dish na aking ipinauulam sa kanila.   Kagaya nitong paborito nilang pork adobo.   Sa halip na karne lang ang nasa ulam, sinamahan ko na din ng sitaw para kahit papaano ay may gulay.   Tamang-tama din naman dahil ina-adobo naman talaga ang sitaw. At para mas mapasarap pa ang paborito nating adobo, hinaluan ko pa ito ng oyster sauce.   At ang key para mas sumarapa pa ito?   Lagyan nyo ng kaunting brown sugar. At eto na nga, panuguradong mapaparami na naman ang kain ninyo.   Try nyo din po. PORK and STRING BEANS ADOBO with OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes) 1/2 cup Cane Vinegar 1 cup Soy Sauce 2 tbsp. Oyster Sauce 1 t...

PESANG TANIGUE

Image
Kapag masarap na klase ng isda ang aking iluluto, hindi ko na ito nilalahukan pa ng kung ano-ano pang mga sankap.   Natatabunan kasi yung masarap na lasa ng isda. Kagaya nitong tanigue na nabili ko nitong isang araw.   Alam natin na medyo may kamahalan ang isdang ito dahil masarap naman ito talaga.   Nung una ipi-prito ko lang sana ito at lalagyan ng bistek sauce pero naisip ko na mas maganda siguro kung yung pinaka-simpleng luto ang gawin ko para malasahan talaga yung sarap ng isda.   At itong pesa nga ang aking ginawa.  Ang pinesa ang pinaka-simpleng luto na may sabaw na pwedeng gawin sa isda.   Pangkaraniwan ay dalag ang isdang ginagamit dito pero dito nga sa post ko na ito ay tanigue naman.   And yes, isang masarap na sinabawang isda ang kinalabasan. PESANG TANIGUE Mga Sangkap: 1 kilo Tanigue Repolyo (cut into smaller pieces) Pechay Tagalog Leeks (cut into 1 inch long) 2 pcs. Potatoes (quatered) 2 pc...

RED SINAMPALUKANG MANOK

Image
Isa sa mga paborito kong luto sa manok ay itong Sinampalukan.   Madalas magluto nito ang aking Inang Lina lalo na kung maulan at masibol ang usbong ng sampalok. Yes, usbong ay yung murang dahon ng sampalok na ginagamit na pang-asim sa sinampalukan.   Ginagawa at ginagamit pa rin itong usbong ng sampalok sa amin sa Bulacan.   Yun lang dito sa siyudad sinigang mix na lang ang pwede nating magamit na pang-asim. Itong version ng sinampalukang manok ko na ito ay nabasa ko din lang sa website ng Del Monte.   Kung mayroon nang Red Sinigang at Red Bulalo, nadagdag pa itong Red Sinampalukang Manok. Actually, pareho lang siya ng orihinal na sinampalukang manok.   Ang pagkakaiba lang ay ang pagdagdag dito ng tomato sauce kaya ito nagkulay red.   Masarap naman siya.  Nandun yung natural sweetness at asim ng tomato sauce.   Try nyo din po. RED SINAMPALUKANG MANOK Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving...

PANCIT MALABON ala DENNIS

Image
Siguro maitatanong ninyo, ano ba ang pagkakaiba ng Pancit Malabon sa Pancit Palabok at Pancit Luglog.   Halo pareho lang naman kasi ang mga ito.   Ang pagkakaiba lang ang ang mga sahog na inilalalagay at ang noodles na ginagamit. Sa Pancit Malabon, komo malapit ito sa dagat at sagana sa mga lamang dagat, marami sa mga toppings o sahog na ginagamit dito ay mga seafoods kagaya ng hipon at pusit.   Pero kagaya nga ng nasabi ko halos pareho lang ito ng palabok at luglog.   For me, pare-pareho silang masasarap.   Hehehehe. PANCIT MALABON ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Thick Noodles (Pang-palabok) 500 grams Pork Liempo 300 grams large size Shrimp (alisin ang ulo)  300 grams Squid or Pusit (alisin yung tinta at i-cut into rings) 1 pc. large Tinapang Bangus  (himayin ang laman) Chicharong Baboy (durugin) Pechay Baguio (hiwain sa nais na laki) Kinchay (chopped) 2 heads Minced Garlic 1 large Onion (sliced) Patis to...