SINIGANG na HIPON sa KAMIAS

Nitong huling uwi ko sa aming bahay sa Bocaue, Bulacan, napansin ko itong puno ng kamias sa bakuran ng aking Tita Melda na hitik sa bunga.

Naalala ko tuloy noong araw na maliliit pa kami, katu-katulong kami ng aming Mama Tinay na mamitas ng bunga nitong kamias at pagkatapos ay pinipiga namin yung katas at ginagawa namang minatamis.   Yes.  Ganun na katanda ng puno ng kamyas na ito.


Kaya naman hiniling ko sa aking tita na pipitas ako nito para madala pabalik ng Maynila.

Tamang-tama kasi may nabili namang hipon na suahe ang aking asawang si Jolly at ayos na isigang ko ito sa kamias nga.

Ang sarap.   Tamang-tama lang yung asim.   Ang tagal ko na ding hindi nakatikim ng sinigang sa kamias.   Madalas kasi ay yung instant sinigang sa sampalok mix ang aking ginagamit.


SINIGANG na HIPON sa KAMIAS

Mga Sangkap:
1 kilo Hipon (Suahe)
Kamias (depende sa asim na gusto nyo)
3 pcs. Tomatoes (quartered)
2 pcs. Onion (quartered)
Labanos (sliced)
Kangkong
Sitaw
Siling pang-Sigang
Hugas-bigas
Salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola pakuluan ang kamias sa hugas bigas hanggang sa lumambot.   Hanguin ito at durugin.
2.   Pakuluan din ang sitaw, labanos at siling pang-sigang.
3.   Kung malapit nang maluto ang gulay, ilagay na ang hipon at ang katas at dinurog na kamias.
4.   Timplahan ng asin o patis ayon sa inyong panlasa.
5.   Huling ilagay ang kangkong.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy