Posts

Showing posts with the label desserts

MELON PANDAN

Image
Sa bahay lang ang aking mga anak most of the time ngayong bakasyon.    Bukod sa panonood ng tv, pagkain ang madalas nilang pagka-abalahan.    Kaya naman nag-doble talaga ang gastos namin sa pagkain ngayon.  Okay lang naman.  Sa init ng panahon ngayon, mas mainam pa na mag-stay na lang sa bahay. Kaya naman doble effort di ako sa mga pagkaing aking niluluto para sa kanila.   Ofcourse yung madadali lang lutuin para hindi parusa sa init ng kalan.   Also, napapadalas din na gumawa ako ng dessert para sa kanila.    At komo usong-uso ngayon ang pakwan at melon, naisipan kong gumawa nitong Melon Pandan.   For sure magugustuhan ito ng inyong mga anak. MELON PANDAN Mga Sangkap: 1 pc. Melon (cut into bite size cubes) 2 sachet Mr. Gulaman (Green Pandan Flavor) 1 cup White Sugar 1 can Condensed Milk Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, tunawin ang Mr. Gulaman powder sa 6 cups na tu...

MACAPUNO PANDAN with KAONG

Image
Nitong nakaraang Linggo naisipan kong gumawa ng dessert o panghimagas.   Tamang-tama dahil may isang garapon ng pure minatamis na macapuno sa aming cabinet na nabili ng aking asawang si Jolly. Unang kita ko pa lang sa macapuno na ito, ito na agad macapuno pandan ang aking naisip na gawin.   At para madagdagan pa ang sarap at texture sa bibig, sinamahan ko pa ito ng mintamis na kaong.  Yung nasa bote na nabibili lang sa supermarket ang ginamit ko. Also, ang ginamit ko palang gulaman dito ay yung bagong produkto ng Mr. Gulaman.   Yung may kasama nang pandan essence.   Okay ito dahil malalasahan mo talaga yung lasa ng pandan leaves. Dalawang version ang ginawa ko sa dessert na ito.   Ito nga yung una at abangan nyo pa yung isa.   Masarap po ito as compare sa paborito na nating Buco Pandan.   Try nyo din po. MACAPUNO PANDAN with KAONG Mga Sangkap: 4 cups Ready to eat Pure Macapuno 2 sachet Mr. Gulaman (...

BLUEBERRY PANNA COTTA

Image
Nitong nakaraang pasko, nakatanggap ako mula sa aking ka-trabahong si Angelo ng panna cotta powder na may kasama pang blueberry syrup bilang pamasko.  Nitong nakaraang araw sinubukan kong lutuin ito base na din sa instructions na ibinigay sa akin ni Angelo.   Nilagyan ko din ng additional toppings para mas lalo pa itong sumarap. Masarap at puring-puri talag ito ng aking asawa at mga anak.   Nag-re-request nga sila na gumawa ulit ako nito.  Kaso, hindi ko alam kung may instant panna cotta powder din dito sa Pilipinas.   Yung bigay kasi ni Angelo ay galing pa ng Italy.   Pero ita-try ko pa din ito from scratch talaga.  Abangan nyo kung ano ang nangyari.   Hehehehe BLUEBERRY PANNA COTTA Mga Sangkap: 1 sachet Panna Cotta Powder 1 tetra brick All Purpose Cream 1 big can Evaporated Milk 1/2 cup White Sugar Choco Mucho or Kit-kat for toppings Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang sauce pan paghaluin ang pa...

COFFEE JELLY ni DENNIS

Image
First time ko pa lang gumawa nitong Coffee Jelly na ito.   Gumawa ako nito para dessert nitong nakaraang kaarawang birthday ng pangalawa kong anak na si James.   Wala akong sinundan na recipe.   Basta tantya-tantya lang ang ginawa ko.   Pero wag ka, kahit ako ay nagulat sa kinalabasan ng dessert na ito.   Masarap.   Parang yung coffee jelly na drink din na nabibili natin sa Starbucks.   Kulang na lang siguro ay yung whip cream na inilalagay sa ibabaw.   Hehehehe.   Try nyo din po. COFFEE JELLY ni DENNIS Mga Sangkap: 2 sachet Mr. Gulaman Powder (colorless) 10 grams Instant Coffee (Great Taste) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 tetra brick Condensed Milk Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Magpakulo ng 5 na basong tubig sa isang kaserola. 2.   Kapag kumulo na ilagay naman ang tinunaw na kape sa 1 tasang tubig. 3.   Ilagay na din ang asukal. ...

PEACHES and CREAM

Image
Ito ang dessert na ginawa ko nitong nakaraang kaarawan ng bunso kong anak na si Anton.   Peaches and Cream. Actually, para siyang panna cotta dahil ginamitan ko ito ng ng gelatin.   Tinawag ko na lang itong peaches and cream komo yun nga ang main ingredients ng dessert na ito.   Wala ako sinunod na recipe, basta yung instict ko na lang ang aking sinunod.   Masarap ang dessert na ito.   Hindi masyadong matamis at okay na okay sa mga katulad kong taga media.   Me-diabetis.    Hehehehehe PEACHES and CREAM Mga Sangkap: 1 Pack Graham Cracker (yung durog na)1 cup Melted Butter 1 big can Peaches (sliced) 1 tetra Brick All Purpose Cream 1 tetra Brick  Full Cream Evaporated Milk 1 sachet White Mr. Gulaman Sugar to taste Paraan ng pagluluto:: 1.   Sa isang square dish paghaluin ang dinurog na graham crackers at melted butter.   I-press ito sa bottom gamit ang tinidor.  Ilagay muna...

COCO-CORN GELATIN

Image
Nitong nakaraang weekend naisipan kong gumawa ng dessert.    Walang akong maisip in particular kung ano kaya naisipan ko na lang na tumingin sa aming pantry cabinet kung ano ang meron. May nakita akong cream of corn na nabili ko ng sale nung huling pag-grocery namin at ang Mr. Gulaman na ilang linggo na din na hindi ko nagagamit.   May nakita din akong 1 can ng Coconut milk na ginamit ko pa yung isang lata nung gumawa ako ng maja maiz. Walang particular na recipe akong sinunod ng ginawa ko ang dessert na ito.    Ang nasa isip ko lang ay parang masarap na kombinasyon ang mais at gata ng niyog.   At yun na nga.  nang i-combine ko ang dalawang sangkap na ito plus gulaman at asukal, isang masarap na dessert  ang aking nagawa.   Try nyo din po. COCO-CORN GELATIN Mga Sangkap: 1 can (425grams) Cream Corn 1 sachet Yellow Color Mr. Gulaman Powder 1 can (400ml) Coconut Milk Sugar to taste Pan Cake Syrup Par...

MAJA MAIZ - Ang Gusto kong texture

Image
Ilang beses na din akong nakapagluto nitong Maja Maiz na ito.   Although, masarap naman talaga ang pagkaluto nito, hindi pa rin ako satisfied sa texture ng finished product.   Kaya ang ginawa ko, nag-adjust ako sa sukat ng mga sangkap at tinandaan ko talaga.   Madalas kasi tantya-tantya lang ang aking ginagawa. Ito pala ang dessert na aking inihanda sa espesyal na pananghalian na ginawa ko last June 24.  Ni-request kasi ito ng aking mga kaibigan at pinagbigyan ko naman sila.   Kaya ayun, ilang araw na ay topic pa din ang masarap na Maja Maiz na ito.   hehehehe MAJA MAIZ - Ang Gusto kong texture Mga Sangkap: 200 grams Cornstarch 1 can (370ml) Alaska Evaporated Milk 2 tetra brick Alaska Crema 1 can (370ml) Coconut Milk 1 can (425grams) Whole Kernel Corn Grated Cheese White Sugar to taste (about 2 cups) Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, pakuluin ang gata, whole kernel corn na kasama ang sabaw, e...

MELON and MANGO JELLY SALAD

Image
Sobrang init talaga ng panahon dito sa Pilipinas.  Wala ka talagang masulingan kung papaano maiibsan ang init na ating nararamdaman.   Hindi naman pwedeng maghapon nakabukas ang aircon o electric fan at baka mahimatay naman tayo sa laki ng ating babayarang kuryente.  Kahit sa pagluluto at pagkaing ating kakainin, mainam na konting effort lang ang magagamit para hindi tayo masyadong mapagod dahil sa init.   Also, mainam na yung kakainin natin ay yung refreshing o kahit papaano ay nakakabawas ng init na ating nararamdaman. Kagaya nitong recipe natin for today.   Isang simpleng salad o dessert na tamang-tama sa mainit na panahon.   At isa pa, napapanahon ang mga sangkap na gagamitin. In this recipe, yung melon lang ang tunay na prutas na aking ginamit.   Yung mangga ay flavor lang from an instant juice powder.  Pero wag ka parang tunay na mangga din ang kinalabasan.   Try nyo din po.  Masarap talaga. ...

CREAMED CORN MAJA BLANCA

Image
Sa bahay lang ang aking mga anak sa panahong ito ng kanilang bakasyon.  Ika nga, staycation sila.   Hehehehe.   At kapag nasa bahay lang, kumain, matulog, manood ng tv at mag-computer lang ang kanilang ginagawa.   At komo nasa bahay nga lang, mas malakas silang kumain.   Kumbaga, lagi silang gutom.   Hehehehe. Kaya naisipan kong gumawa nitong Maja Blanca para pang-meryenda nila o dessert na din. May ilang recipe na din ako nito sa archive.   But this time, sa halip na whole corn kernel ang ginamit ko, creamed corn o yung durog na mais ang aking ginamit.   Naisip ko kasi, kumpara sa whole kernel, mas malasa itong creamed kasi durog nga na labas na labas ang flavor niya.   At tama, mas masarap at mas creamy ang kinalabasan ng aking Maja Blanca. CREAMED CORN MAJA BLANCA Mga Sangkap: 200 grams Cornstarch 1 big can Creamed Corn 1 big can Coconut Cream 1 tetra brick All Purpose Cream 1/2 ba...

MANGO SAGO in COCONUT MILK

Image
Bakasyon ang mga bata.   Di kagaya nung mga nakaraang taon na sa biyenan ko sa Batangas sila nagba-bakasyon, this year ay sa bahay lang sila.   At syempre pag nasa bahay lang, pagkain, tv, computer ang pinagkaka-abalahan.   Parang laging gutom...hehehehe. Kaya naman naisipan kong gumawa ng dessert na tamang-tama sa panahon.   itong Mango Sago In coconut Milk.   Yun lang, medyo brownish ang naging sauce nitong dessert na ito.   Naubusan kasi ako ng white sugar at yung segunda na asukal ang aking nagamit.   Okay din naman, masarap ang kinalabasan ng dessert na ito. MANGO SAGO in COCONUT MILK Mga Sangkap: 6 pcs. Ripe Mango (cut into cubes) 250 grams Small Tapioca Pearl or Sago 1 big can Coconut Milk White Sugar to taste 2 pcs. Pandan Leaves Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang sago sa isang kaserola na may tubig. 2.   Kung luto na ang sago ilagay ang puting asukal at dahon ng pandan . ...

TURONG SAGING na may LANGKA

Image
Siguro marami sa ating mga anak na nag-aaral ang nasa bakasyon na sa mga panahong ito.   At syempre komo walang pasok at nasa bahay lang, parang miyat-miya ay gutom ang mga ito at naghahanap ng makaka-kain.   Kaya ang ginawa ko nagluto ako nitong turong saging para sa kanilang meryenda.   Para lalong sumarap nilagyan ko pa ito ng langka na uwi ng asawa kong si Jolly nung siya ay manggaling ng Tagaytay.   Tamang-tama ito sa sabayan ng malamig na sagot gulaman.  Winner talaga...hehehehe TURONG SAGING na may LANGKA Mga Sangkap: Saging na Saba Langka Brown na Asukal Pambalot ng Lumpia Mantika Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwain ang saging na saba ng pahaba. 2.   Igulong ito sa brown na asukal at saka ibalot sa lumpia wrapper kasama ang ilang piraso ng langka.  Make sure na maganda ang pagkabalot para hindi lumabas ang asukal at palaman. 3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden br...

ICE CANDY SPECIAL

Image
Summer na talaga.   Kaya naman lahat tayo ay kani-kaniyang hanap ng paraan para ma-preskuhan kahit papaano.   Syempre yung hindi gaanong magastos dapat.   At isa na dito ang pagkain ng ice candy. Madali lang naman gumawa ng ice candy.   Basta gagawin mo lang yung pinaka-base nito na gatas na nilagyan ng asukal at kaunting tubig.   Pwede din haluan ng all purpose cream para mas malinamnam.    At saka mo lalagyan ng iba pang halo o flavor. Sa ginawa kong ice candy na ito, yung natirang macanatagel salad na ginawa ko nung isang araw ang aing inihalo sa gatas at yung iba naman ay nagdurog ako ng oreo cookies para maging cookies and cream flavor naman. Maraming flavor na pwedeng gawin.   Depende na lang siguro sa kung ano ang gusto niyong ilagay.   Mas mainam na nilalagyan nyo ito ng laman at hindi flavoring lang para naman kahit papaano ay may nangunguya ang kakain. Nakakatuwa dahil nagustuhan ...

MACANATAGEL SALAD

Image
Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang ipapangalan sa dessert na ito.   Hindi ko naman matawag na buco pandan dahil wala naman itong buco at pandan.  Hehehehe  Ang sangkap lang naman nito ay minatamis na macapuno, nata de coco, gulaman at cream. Nung una, gusto kong tawagin  itong Pransya Salad.   Ang kulay kasi nito ay ang kulay ng bandila ng France.   Red, Green at White.   Kaya lang lang, wala naman talagang kinalaman ang dessert na ito bukod sa kulay sa France kaya tinawag ko na lang itong Macanatagel Salad.    Hehehehe Masarap po ito.   Try nyo din.   Tamang-tama sa mainit na panahon. MACANATAGEL SALAD Mga Sangkap: 1 big jar Sweet Macapuno 1 small jar Green Nata De Coco 1 sachet Red Mr. Gulaman 1 tetra brick Alaska Crema or all Purpose Cream Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin muna ang gulaman.   Magpakulo ng 4 na tasang tubig at lagyan ng puting a...

STRAWBERRY GELATIN

Image
May nabiling fresh strawberries ang asawa kong si Jolly na ilang araw na ding nasa fridge namin.    Dalawa lang naman ang naiisip kong gawin dito, gawing smoothies o kaya naman ay gawin kong dessert.   Okay sana na smoothies na lang komo napa-init talaga ng panahon ngayon.   Kaya lang parang mas gusto ko naman na gawin na lang itong dessert.   hehehehe Nung bago ko pa lang gawin ang dessert na ito, naalala ko yung nag-comment sa isang gelatin dish na nai-post ko dito dahil na problem ko na hindi nabuo yung gelatin.   Sabi nung nag-comment, pag daw fresh fruit ang ihahalo natin sa gelatin, parang may natural enzyme daw ang prutas na hindi nagpapabuo sa gelatin.   Kaya ang ginawa ko dito, pinakuluan ko muna yung frresh fruit kasama ang asukal bago ko inilagay ang gelatin. At eto na nga ang kinalabasan.   Isang masarap at katakam-takam na strawberry dessert. STRAWBERRY GELATIN Mga Sangkap: 250 grams Fres...

RAINBOW GELATIN

Image
Nitong nakaraang Chinese New Year gumawa din ako ng isang simple at makulay na dessert ang Rainbow Gelatin.   Biglaan din lang ang paggawa ko nito kaya medyo kulang-kulang ang sangkap na aking nagamit.   Kung ano nalang ang available yun na lang ang ginamit ko. Yung iba cathedral window o stain glass window gelatin ang tawag nila dito.   Para maiba lang rainbow gelatin naman ang ipinangalan ko. Para hindi maging matrabaho ang paggawa nito, sa halip na lutuin ko ang ibat-ibang kulay na gelatin, yung jelly ace na paborito ng mga bata na lang ang aking ginamit.   Yun lang dapat palamigin muna ng bahagya ang white gelatin bago ito ibuhos sa hulmahang may jelly ace.   Otherwise, baka matunaw yung jelly ace na inilagay. Masarap siya komo may flavor na yung jelly ace.   At maganda sa mata ha....hehehehe RAINBOW GELATIN Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman (white color) 1 small can Condensed Milk 1 tetra brick All Purpos...

COCO FRUITY GELATIN

Image
Dumalaw sa bahay ang nakatatandang kapatid ng aking asawang si Jolly na si Ate Pina nitong nakaraang Biyernes.   May dala siyang pasalubong na toasted mamon para sa mga bata.   Masarap ang mamon na ito lalo na kasabay ang mainit na kape. Siguro nagsawa na ang mga bata sa toasted mamon na yun kaya naisipan kong gumawa ng dessert na pwedeng magamit ito.   Tamang-tama naman at may 1 can pa ng fruit cocktail sa aming cabinet at iba pang sangkap para magawa ang dessert na ito. Nakakatuwa naman dahil nagustuhan ng aking mg anak ang dessert na ito.   Try nyo din po. COCO FRUITY GELATIN Mga Sangkap: Mamon Tostado 1 can Fruit Cocktail 1 sachet Mr. Gulaman (White color) 1 can Coconut Cream 1 small can Condensed Milk White Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Ihilera sa bottom ng isang square na hulmahan o lalagyan ang mamon tostado.    Ilagay na din sa ibabaw nito ang fruit cocktail. 2.   Sa is...

CREAMY MACAPUNO-LYCHEES

Image
Ito ang nag-iisang dessert na ginawa ko nitong nakaraang Noche Buena ng aking pamilya sa San Jose Batangas.   Macapuno Lychees. Naisipan kong ito ang gawin dessert nang minsang may makasabay ako sa supermaket na bumibili nitong canned lychees.   Tumama agad sa isip ko na ito ang gawin ngang dessert pero sa halip na fresh na buko ang ihalo, macapuno preserves ang aking inilagay.   Yun kasing fresh na buco kapag inihalo mo sa salad madali din na mapanis.   Sa dami ba naman ng mga pagkaing pagpipilian hindi malayong hindi ito mapansin.   Also, ang mainam sa macapuno preserves hindi mo na kailangan maglagay ng condensed milk at asukal para patamisin ang inyong dessert.   Try nyo po ito...masarap talaga. CREAMY MACAPUNO-LYCHEES Mga Sangkap: 2 cans Lychees 2 sachet Mr. Gulaman (clear) 1 big jar Macapuno Preserves 2 tetra brick All Purpose Cream Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Tunawin ang Mr. gul...

KIMCHI FRIED RICE with PORK TENDERLOIN

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na inihanda ko par sa aking treat sa aking mga officemate.   Kimchi Fried Rice. Pangatlong version ko na ito ng Kichi Fried Rice.   In this 3rd version, pork tenderloin naman ang sahog na aking inilagay.   Mas mainam ito dahil malambot na ang karne at madaling maluto. Pwedeng-pwede din pala itong ihanda sa ating Noche Buena.   Masarap at kakaiba sa pangkaraniwang kinakain natin sa araw-araw.   Tiyak kong magugustuhan ito ng mga kakain at nang ating pamilya. KIMCHI FRIED RICE with PORK TENDERLOIN Mga Sangkap: 6 cups Long Grain Rice (jasmine rice) 500 grams Pork Tenderloin (cut ito small pieces) 2 cups Kimchi (cut into small pieces) 1/2 cup Soy Sauce 1 head MInced Garlic 1 large Onion (chopped) 4 pcs. Fresh Eggs (beaten) Spring Onions 2 pcs. Pork Cubes Freshly Ground  Black Pepper Salt or Patis to taste 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Sesame Oil Paraan ng pagluluto: 1.   The night ...

PASTILLAS DE LECHE with DAYAP

Image
Laging naghahanap ng dessert ang aking mga anak pagkatapos nila kumain kaya naisipan kong gumawa nitong pastillas de leche na matagal ko na ding binalak na gawin.   Salamat na lang at pinauwian ako ng aking Tita Melda ng bunga ng dayap na tamang-tama kako para dito sa pastillas. Okay din ito sa nag-iisip ng raket para sa kapaskuhan.  Pwede itong ipang-regalo sa ating mga kaibigan.   Bukod sa mura lang ang magagastos ay masarap pa talaga.    Yun lang siguro kailangang medyo maganda ang ating pagkakabalot sa pastillas.  Hehehehe.   Itong kasing unang try ko ay hindi ganun kaganda ang balot...hehehehe.   Pero wag ka, winner naman sa lasa at sapar.    hehehe. PASTILLAS DE LECHE with DAYAP Mga Sangkap: 3 cups Powdered Milk (I used Alaska) Alaska Condensed Milk 1 pc. Lime fruit or Dayap White Sugar Paraan ng pag-gawa: 1.   Sa isang bowl, paghaluin ang powdered milk, condensed milk at ginadgad ...

MIX FRUIT GELATIN

Image
Hindi ganun kaganda ang pict nitong recipe natin for today.   Pero, hindi ko pa rin mapigilan na hindi ito i-post dahil sa sarap ng lasa nito. Yes, parang ordinaryong gelatin dessert lang siya pero dahil na rin siguro sa kombinasyon ng mga prutas na aking ginamit at sa prosesong aking idinagdag, lumabas talaga ang fruity flavor ng mga prutas. Sa totoo lang disaster ang dessert kong ito.   Nung una clear na gelatin ang aking ginamit para kako lumutang yung ibat-ibat kulay ng mga prutas.   Pero laking pagtataka ko dahil hindi ito nabuo kahit na lumamig pa at nailagay ko na sa fridge.   Ang ginawa ko, nag-boil ako ulit ng gulaman at nilagyan ko ng kaunting pandan essence at saka ko pinakuluan ang mga hindi nabuong clear na gelatin.   At ito na nga ang kinalabasan.   Isang masarap na dessert na pwedeng-pwede din nating ihanda sa nalalapit na Noche Buena. MIX FRUIT GELATIN  Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman (G...