MELON and MANGO JELLY SALAD

Sobrang init talaga ng panahon dito sa Pilipinas.  Wala ka talagang masulingan kung papaano maiibsan ang init na ating nararamdaman.   Hindi naman pwedeng maghapon nakabukas ang aircon o electric fan at baka mahimatay naman tayo sa laki ng ating babayarang kuryente. 

Kahit sa pagluluto at pagkaing ating kakainin, mainam na konting effort lang ang magagamit para hindi tayo masyadong mapagod dahil sa init.   Also, mainam na yung kakainin natin ay yung refreshing o kahit papaano ay nakakabawas ng init na ating nararamdaman.

Kagaya nitong recipe natin for today.   Isang simpleng salad o dessert na tamang-tama sa mainit na panahon.   At isa pa, napapanahon ang mga sangkap na gagamitin.

In this recipe, yung melon lang ang tunay na prutas na aking ginamit.   Yung mangga ay flavor lang from an instant juice powder.  Pero wag ka parang tunay na mangga din ang kinalabasan.   Try nyo din po.  Masarap talaga.



MELON and MANGO JELLY SALAD

Mga Sangkap:
1 medium to large size Melon
1 sachet Yellow Mr. Gulaman
1 sachet (for 1 liter) Mango Juice Powder
1 small can Condensed Milk
1 tetra brick All Purpose Cream

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola tunawin ang mango juice powder sa apat na tasang tubig at pakuluan sa mahinang apoy.
2.   Kapag kumulo na ilagay naman ang tinunaw (in 1 cup water) na Mr. Gulaman powder at halu-haluin.
3.   Isalin sa isang square na hulmahan at palamigin.
4.   Hiwain naman ang melon ng pa-cubes at ilagay sa isang bowl.
5.   Kung malamig na at nag-set na ang gulaman, hiwain din ng pa-cubes at isalin sa parehong bowl.
6.   Ilagay ang condensed milk at all purpose cream.   Halu-haluin.
7.   I-chill muna sa fridge bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy