Posts

Showing posts with the label beef

BEEF CHAYOTE in OYSTER SAUCE

Image
Hindi kami madalas mag-ulam ng karneng baka.   Bukod kasi sa may kamahalan ang presyo nito, hindi din ganun karami ang luto na alam kong gawin.   Pangkaraniwan luto na nagagawa ko lang dito ay ang nilaga at ang bistek. Minsan sa pamamalengke ko, may nakita akong magandang cut at klase ng karneng baka.   Kaya naman kahit medyo may kamahalan ang kilo nito ay bumili na din ako.   Naisip ko na lutuin ito with oyster sauce at lalagyan ng broccoli.   Kaso, walang akong nabiling broccoli sa palengke.   Ang ginawa ko na lang sayote ang aking inilagay at okay naman din ang kinalabasan.   Halos pareho lang din ng beef broccoli na gustong lutuin. BEEF CHAYOTE in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1 pc. large Chayote or Sayote (cut into sticks) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 gloves Minced Garlic 2 pcs. Large White Onion (cut into rings) 1 tsp. Sesame Oil 1/2 ...

BEEF STROGANOFF

Image
Ang Beef Stroganoff ay isang Russian dish na kinuha ang pangalan kung kanino nag-origin ito.   Nanalo daw ang dish na ito sa isang paligsahan at mula noon at naging tanyag na ito sa ibat-ibang bansa at nagkaroon na din ng maraming bersyon. Ilang beses na din ako nakapagluto nito pero ordinary cream lang ang aking ginagamit.   Sa original recipe kasi sour cream ang inilalagay.   Hindi ako pamilya sa lasa ng sour cream kaya hindi ko ito nasusubukan.   Not until nitong huling try ko na magluto ulit nito.   Kahit may kamahalan ang halaga ng sour cream ito ang ginamit.   Pero hindi ako nagsisi,  mas masarap ang kinalabsan ng aking beef stroganoff.   For sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya. BEEF STROGANOFF Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced into bite size pieces) 2 cup Sour Cream 1 can Sliced Button Mushroom 1/2 cup Melted Butter 2 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 1 tsp. Maggi...

CREAMY BEEF, MUSHROOM and POTATOES

Image
Minsan lang kami mag-ulam ng karneng baka.   Bukod kasi sa may kamahalan ang per kilo nito, may katagalan din itong lutuin lalo na kung may katigasan ang karne.   Kung yun namang malambot na parte ang bibilhin, panigurado doble o triple pa ang presyo nito.   Isa pa, very limited lang din ang alam kong luto sa baka kaya pangkaraniwan nilaga, bistek o caldereta ang nagiging luto ko dito. This time, isang espesyal na beef dish ang ibinibigay ko sa inyo na alam kong magugustuhan ng inyong pamilya.   Try nyo din po. CREAMY BEEF, MUSHROOM and POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 1 can Button Mushroom (sliced) 2 pcs. Potatoes (cut into sticks) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 head Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 3 tbsp. Butter 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 2.   Isunod na agad ang hiniwang ka...

BEEF MUSHROOM & PECHAY in OYSTER SAUCE

Image
Espesyal para sa akin ang ulam na karneng baka.   Natatandaan ko noong araw, bihira lang kaming mag-ulam nito ng aming pamilya komo nga may kamahalan ito.   Araw ng Linggo kapag nag-uulam kami nito at pangkaraniwan nilaga ang ginagawang luto.   Minsan naman ay bistek ang luto na paborito ko din naman. Sa dish na ito pwedeng gumamit nung malambot na parte ng karne ng baka o kahit yung mas mura na parte.   Yun lang kung yung mas mura na parte ang inyong gagamitin medyo may katagala ang pagluluto na gagawin.   Pero okay din lang naman, masarap pa din ang kakalabasan.   Sa version ko pong ito ay yung mumurahing parte ng laman ng baka ang aking ginamit.   Try yo din po. BEEF MUSHROOM & PECHAY in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce A Bunch of Native Pechay 1 can Sliced Button Mushroom 2 tbsp. Brown Sugar 1 thumb size Ginger (cut into strips) 1 p...

AMPALAYA CON CARNE

Image
Hindi kami madalas mag-ulam ng karneng baka sa bahay.   Medyo may kamahalan kasi ang kilo nito at kung yung medyo mura naman ay may katagalan na lutuin.   Pero espesyal para sa akin ang karneng baka.   Bukod sa lutong caldereta, the best pa rin sa akin ang nilaga nito. This time sinahugan ko naman ng gulay na ampalaya.   Itong Ampalaya con Carne.   First time ko lang magluto nito sa bahay.   Sinusubukan ko kung kakainin ito ng aking mga anak.   Pero ayun, ampalaya ang natira at ako na lang ang umubos nito.   Hehehehe AMPALAYA CON CARNE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced ) 1 pc large size Ampalaya (sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 1 tsp. Cornstarch 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa manti...

BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE

Image
Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw.   Nagkaroon lang po ako ng problema wih Google at hanggang ngayon po ay ina-apela ko pa ang problemang nakikita nila sa aking blog.  Pero ganun pa man, narito ang isang beef dish na tiyak kong inyong magugustuhan.   BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Laman ng Baka (hiwain ng manipis) 1 can Sliced Mushroom 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 1 tbsp. Brown Sugar 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Sunod na ilagay ang hiniwangkarne ng baka at timplaha ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa. 3.   Ilagay ang sabaw ng canned mushroom at ang toyo.   Takpan at hayaang maluto ang karn...

BEEF TERIYAKI with YOUNG CORN

Image
Sa panahon ngayon madali na ang magluto.   Kahit yung mga tradisyunal na pagkaing Pilipino ay kaydali na lang lutuin ngayon.   Bakit naman?   Marami na kasing available sa market ng mga instant sauces o marinade mixes na pwede nating gamitin. Kahit yung mga pagkaing sikat sa ibang bansa ay pwede na din nating lutuin sa ating mga tahanan.   Kagaya na lang nitong Beef Teriyaki.   May mga marined mixes at sauces na na kapag iyong ginamit ay parang kumain ka na din sa isang mamahaling restaurant.   But ofcourse nasa sa iyo na din kung gusto mong i-adjust ang lasa base na din sa iyong panglasa. BEEF TERIYAKI with YOUNG CORN Mga Sangkap: 1 kilo karne ng Baka (hiwain ng manipis at sa nais na laki) 1/2 cup Bottled Teriyaki Sauce/Mixes 1/2 cup Soy Sauce 3 tbsp. Brown Sugar Young Corn (cut into small pieces) 1 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 large White Onion (sliced) Salt and pepper to tast...

CREAMY BEEF MUSHROOM & POTATOES ala BEEF STROGANOFF

Image
Una po pasensya na kung medyo dumadalang ang aking mga post sa aking food blog na ito.   Medyo nagkasakit po kasi ako nitong mga nakaraang araw at hindi na po talaga ako nakakapagluto ng masasarap at kakaibang putahe. But anyways, narito po ang isang beef dish na paboritong-paborito ng aking pamilya.   Itong Creamy Beef Mushroom & Potatoes.    Sa dish na Beef Stroganoff ko nakuha ang inspirasyon sa dish na ito.   Nilagyan ko na lang ng dagdag pa na rekado para mas lalo pa itong mapasarap.   Try nyo din po.   Tamang-tama to start a brand new month. CREAMY BEEF MUSHROOM & POTATOES ala BEEF STROGANOFF  Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (cut into cubes) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 big can Sliced Mushroom 2 pcs. large Potatoes (cut into cubes) 1/2 tsp. Dried Basil 1/2 cup Melted Butter 1 head Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ...

BEEF BROCOLLI and CHICHARO in OYSTER SAUCE

Image
Isa sa mga paboritong luto sa karne ng baka itong Beef with Brocolli.   Kahit nga sa mga Chinese Restaurant na kinakainan namin, isa ito sa mga ino-order namin.   Sa bahay nga basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito.   But this time bukod sa brocolli hinaluan ko pa ito ng chicharo o peas.   Mainam ito para extender at dagdag sustansya na din.   And as expected nagustuhan naman ito ng aking asawa at mga anak.   Yummy!!!! BEEF BROCOLLI and CHICHARO in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 300 grams Brocolli (cut into bite size pieces) 100 grams Chicharo 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Brown Sugar 1 tsp. Cornstarch 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (slcied) Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Ilagay na agad ang karne ng baka at timpla...

CREAMY PORK and BEEF with CORN

Image
May nabili akong 1 kilo ng beef brisket.   Balak ko sanang ilaga ito para naman kako may sabaw ang aming pang-ulam.   Umaga pa lang ay pinalambot ko na ang karne para kako sa pag-uwi ko sa gabi ay gugulayan ko na lang at titimplahan ng pampalasa.   Kaso nawala sa loob ko na bumili ng mga gulay na kailangan.   Buti na lang at may iba pang pang-ulam na nasa fridge kaya yun na lang ang aking ininit para pang-ulam ng mga bata. Kinabukasan niluto ko na ang pinalambot kong karne ng baka at nilagyan ko na lang ng kung ano ang meron pa sa aming mga cabinet.   May nakita akong 1 can ng whole kernel corn at all purpose cream.   May butter at patatas pa sa fridge at ito na nga ang kinalabasan ng impromtu kong dish.   Nga pala, hinaluan ko din ito ng pork belly para pandagdag.   Para kasing alanganin ang dami nung beef nung nalaga na.   But anayway, may pork o wala masarap ang kinalabsan ng beef dish kong ...

BEEF BURGER STEAK in SPAGHETTI SAUCE

Image
Sa umaga pa lang bago pumasok sa trabaho ay niluluto ko na ang ulam namin para sa dinner.   Nauuna kasing umuwi ng bahay ang aking mga anak at para kako hindi ako nag-aapura para magluto ng aming pang-ulam. Nitong nakaraang araw nagluto ako ng burger steak na may mushroom gravy.   Pagdating ko mula sa aking trabaho, napansin ko na kakaunti na lang ang mushroom gravy na aking ginawa.   parang alanganin na para dinner namin.   Kaya naisipan kong gumawa na lang ng ibang sauce.   Tamang-tama at may nabili akong bagong product ang Purefoods.   Yung spaghetti sauce nila na may kasama nang hotdogs.   So ang ginawa ko na lang ay konting gisa-gisa at presto may bago na namang dish akong nagawa.   Pwede din pala itong i-top sa inyong paboritong pasta. BEEF BURGER STEAK in SPAGHETTI SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Ground Beef 1 pc. Large White Onion (chopped) 2 cups Breadcrumbs 2 pcs. Fresh Eggs Salt and peppe...

BEEF MORCON ESPESYAL

Image
Ang Beef Morcon ang isang dish na masasabing kong espesyal talaga.   Sa amin kasi sa Bulacan, sa mga espesyal na okasyon lang ito inihahanda kagaya ng mga fiesta at kasalan.   Espesyal din kasi medyo may kamahalan ang karne ng baka at medyo may karamihan ang nga sangkap sa pagluluto nito. Nitong nakaraang Chinese New Year ito ang dish na niluto ko para sa aming pananghalian.   3 days before pa lang ay minarinade ko na ang beef at sa gabi bago ang okasyon ay niluto ko na ito.   Nakakatuwa dahil sa first time na nagluto ako nito ay succesful naman ang kinalabasan.   Halos kapareho ito ng niluluto ng aking Inang Lina.   Yummy talaga. BEEF MORCON ESPESYAL Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced... pa-slice nyo na lang sa butcher sa palengke para buo pa rin ang laman) 1/2 cup Katas ng Calamansi 3/4 cup Soy Sauce 1 tbsp. Worcestershire Sauce Salt and pepper to taste Para sa palaman: Chorizo de Bilbao or any Spanis...

CALDERETANG BAKA ng BATANGAS

Image
Sa mga espesyal na okasyon lang sa Batangas ako nakakakit at nakakatikim ng Calderetang Batangas.   Siguro komo may kamahalan ang karne ng baka kaya sa mga espesyal na okasyon lang sila nagluluto nito. Iba talaga ang calderetang Batangas as compare sa calderetang alam ng marami.   Ito kasing sa Batangas walang tomato sauce na inilalagay.   Mas nagiging espesyal din ito dahil nilalagyan pa nila ito ng keso o gerated cheese. Truly, masarap at kakaiba talaga ang version nila nitong Calderetang Baka. CALDERETANG BAKA ng BATANGAS Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket 1 small can Reno Liver Spread 2 tbsp. Lean Perins Worcestershire Sauce 2 tbsp. Sweet Pickle Relish 1 cup grated Cheese 1 large onion chopped 1 cloves minced garlic 1 large tomato chopped 3 pcs. Potatoes (balatan at hiwain sa apat) 1/2 cup Soy Sauce Salt and pepper to taste ½ tsp. Chili powder (Depende kung gaano kaanghang ang gusto ninyo) ½ cup Butter or Star margarine 1 tsp. Maggie magic sar...

CREAMY BEEF MUSHROOM and POTATOES

Image
Bihira lang kami kumain ng baka.   Medyo may kahalan din kasi ang presyo nito at bukod pa sa mahabang oras na nagugugol sa pagpapalmbot nito.   Pero kahit papaaano basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito at sinisigurado kong espeyal ang pagkakaluto nito. Kagaya nitong dish natin for today.   Simple lang ang pagkaluto nito pero punong-puno ng flavor at sarap.   Talaga namang nagustuhan ito ng aking mga anak at ni-request pa nila na ito ang baunin nila the following day sa school.   Di ba nakakatuwa naman talaga sa damdamin kung ganitong nagugustuhan ng ating mga anak ang ating niluluto para sa kanila. CREAMY BEEF MUSHROOM and POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Beef Cubes 2 tbsp. Butter 2 pcs. Potatoes (cut into cubes) 1 can Whole Button Mushroom 1 tetra brick Alaska Crema 1/2 tsp. Dried Basil 1 tsp. Maggie Magic Sarap 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (sliced) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. ...

BULALO STEAK with CREAMY MUSHROOM GRAVY

Image
Ang weekend ay sinisikap kong espesyal para sa aking pamilya lalo na sa mga pagkaing kanilang kakainin.   Siguro kayo ay ganun din.   Yung iba siguro ay kumakain pa sa labas o sa mga paborito nyong restaurant.   Ako mas gusto kong ipinagluluto sila.   Hindi sa nagtitipid pero gusto ko lang ipadama sa kanila ang pagmamahal sa pamamagitan ng aking mga niluluto. At ang dish na ito na handog ko sa inyo sa araw na ito ay isa sa mga sinasabi kong espesyal na dish para sa aking mga mahal.   Bulalo Steak with Creamy Mushroom Gravy. Mukhang kumplikado ang pangalan ng dish pero sa totoo lang ay napakadali lang nitong gawin.   Kahit siguro baguhan pa lang sa pagluluto ay kayang-kaya itong gawin.   Simple din lang kasi ang mga sangkap. So para sa week end na ito, bakit di natin subukan na ihanda ito para sa mga mahal natin. BULALO STEAK with CREAMY MUSHROOM GRAVY Mga Sangkap: 1 kilo Beef Shank 1 can Sliced Mushroom...

CORNED BEEF and MACARONI SOUP

Image
Paborito ng bunso kong anak na si Anton itong Macaroni Soup.   Kaya naman para maiba naman ang aming almusal, nagluluto ako nito at tineternuhan ko ng mainit na pandesal.   Sarap di ba?   Hehehehe. May ilang macaroni soup na din akong na-post sa food blog kong ito.   But I think sa lahat ng maca soup na niluto ko ito ang the best.   Maybe because cream ang ginamit ko dito at yung corned beef na inilagay ko ay yung guisado type.   Masarap talaga siya.   Tamang-tama sa panahong ito na maulan. CORNED BEEF and MACARONI SOUP Mga Sangkap: 400 grams Elbow Macaroni 1 big can Corned Beef Guisado (CDO brand) 1 tetra brick Alaska Crema 2 pcs. Beef Cubes 2 tbsp. Butter 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 2.   Sunod na ilagay ang corned beef at halu-haluin. 3.   Lagyan ng nais...

BEEF PARES

Image
Minsan nayaya ako ng aking ka-opisina na kumain ng pares sa isang tindahan malapit dito sa aking pinapasukan.   Hindi naman ito restauran kundi isang food stall o cart na patayo ka lang kakain.    Infairness, masarap ang kanilang pares at malasa talaga.   Huwag mo na lang hanapan ng maraming laman ng baka dahil mura lang naman ang bili ng isang order nito. Dahil bitin nga sa laman ng baka ang pares na nakain ko, naisipan kong magluto nito sa bahay.   Madali lang naman itong lutuin.  Yun lang may katagalan ang pagpapalambot ng karne baka.  Dapat kasi dito ay malambot na malambot talaga.   Try nyo po...masarap talaga. BEEF PARES Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (cut into cubes) 2 pcs. Star Anise 2 pcs. Dried Laurel leaves 1 tsp. Five Spice Powder 1/3 cup Soy Sauce 4 tbsp. Rice Wine vinegar 1/2 cup Brown Sugar 2 heads Minced Garlic 2 pcs. Onion (sliced) 2 thumb-sized Ginger (sliced) 1/2 cup Cornstarch 1 ...

CREAMY BEEF and POTATOES

Image
Pangkaraniwang lutong bahay na ginagawa natin sa karne ng baka ay kung hindi nilaga ay caldereta.   Pwede din pa-slice natin ito ng manipis at i-bistek.   Medyo nakakasawa na din ang mga lutong ito.   Bakit hindi natin gawan ng ibang putahe?   Kagaya nitong recipe natin for today.   Creamy Beef and Potatoes. Simple lang ang dish na ito.   Kahit siguro baguhan pa lang sa pagluluto ay makakaya itong gawin.   Hindi lang simple ang paraan ng pagluluto maging ang mga sangkap nito.   At panigurado ko na magugustuhan ng pamilya nyo ang sarap ng beef dish na ito.   Subukan nyo po. CREAMY BEEF and POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (cut into cubes) 2 pcs. large Potatoes (cut into cubes) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 tbsp. Cornstarch 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 1/2 cup Melted Butter Salt and pepper to taste Paraan ng paglu...

SINIGANG na BAKA sa SAMPALOK

Image
Nasubukan nyo na ba itong Mama Sitas Sinigang sa Sampalok mixes?    Kumpara sa mga powder mixes na madalas nating gamitin,ito naman ay hindi powder kundi tunay na laman ng sampalok at mayroon ding gabi.   Ang mainam din dito, hindi ito masyadong maalat. Ito ang pang-asim na ginamit ko sa espesyal na sinigang na baka na ito sa sampalok na may gabi pa.   Ang sarap talaga lalo na yung sabaw.   Tamang-tamalang yung asim at nag-blend talaga sa lasa ng karne ng baka.  Try nyo din po. SINIGANG na BAKA sa SAMPALOK Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (cut into cubes) 1 tetra pack Mama Sita's Sinigang sa Samplalok mixes 3 pcs.Gabi (cut into cubes) Sitaw (cut int 1 inch long) Kangkong Labanos Siling Pang-sigang 2pcs. Kamatis (sliced) 1 large Onion  (sliced) Salt to taste Paraan ng Pagluluto: 1.   Sa isang kaserolang may tubig at asin palambutin ang karne ng baka. 2.   Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang kamatis, si...

PORK & BEEF EMBOTIDO

Image
Ang embotido ay ang counter part natin mga Filipino sa meatloaf ng ibang bansa.   Dito sa atin pangkaraniwang ginagawang embotido ay giniling na karne ng baboy at ini-steam ito.   Sa ibang lugar naman kagaya sa lugar ng aawa ko sa Batangas, piniprito nila ito na naka-balot sa dahon ng saging. Nitong nakaraang mga araw naisip ko na magluto din nitong embotido pero gamit ng recipe na parang meatloaf.   At sa halip na i-steam niluto ko ito sa turbo broiler. Hindi naging 100% succesful ang aking unang try.   Parang nakulangan sa itlog o binder.  O maaaring hindi ko masyadong nasiksik ang palaman nung niro-roll ko na.   But I think baka kulang nga sa itlog ito kaya nagka-ganun.   Pero wag ka, masarap pa rin ito.   Hindi lang pang-ulam kahit palaman pa sa tinapay.   Try nyo din po. PORK & BEEF EMBOTIDO Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Lean Pork 1/2 kilo Ground Lean Beef 2 tbsp. Sweet Pickle Re...