CORNED BEEF and MACARONI SOUP

Paborito ng bunso kong anak na si Anton itong Macaroni Soup.   Kaya naman para maiba naman ang aming almusal, nagluluto ako nito at tineternuhan ko ng mainit na pandesal.   Sarap di ba?   Hehehehe.

May ilang macaroni soup na din akong na-post sa food blog kong ito.   But I think sa lahat ng maca soup na niluto ko ito ang the best.   Maybe because cream ang ginamit ko dito at yung corned beef na inilagay ko ay yung guisado type.   Masarap talaga siya.   Tamang-tama sa panahong ito na maulan.


CORNED BEEF and MACARONI SOUP

Mga Sangkap:
400 grams Elbow Macaroni
1 big can Corned Beef Guisado (CDO brand)
1 tetra brick Alaska Crema
2 pcs. Beef Cubes
2 tbsp. Butter
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2.   Sunod na ilagay ang corned beef at halu-haluin.
3.   Lagyan ng nais na dami ng tubig para sa sabaw.   Takpan at hayaang kumulo.
4.   Kapag kumukulo na ilagay na ang macaroni at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin muli para hindi manikit sa bottom ng kaserola.
5.   Kung malambot na ang macaroni, ilagay na ang beef cubes.   Hayaan ng mga 2 minuto.
6.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
7.   Patayin ang apoy at saka ilagay ang Alaska Crema.  Halu-haluin.
8.   Takpan at hayaang umalsa ang macaroni.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note:   Pwede nyo ding lagyan ng repolyo at carrots para mas sumarap pa at gumanda ang kulay.

Thanks



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy