Posts

Showing posts with the label fruits

MELON PANDAN

Image
Sa bahay lang ang aking mga anak most of the time ngayong bakasyon.    Bukod sa panonood ng tv, pagkain ang madalas nilang pagka-abalahan.    Kaya naman nag-doble talaga ang gastos namin sa pagkain ngayon.  Okay lang naman.  Sa init ng panahon ngayon, mas mainam pa na mag-stay na lang sa bahay. Kaya naman doble effort di ako sa mga pagkaing aking niluluto para sa kanila.   Ofcourse yung madadali lang lutuin para hindi parusa sa init ng kalan.   Also, napapadalas din na gumawa ako ng dessert para sa kanila.    At komo usong-uso ngayon ang pakwan at melon, naisipan kong gumawa nitong Melon Pandan.   For sure magugustuhan ito ng inyong mga anak. MELON PANDAN Mga Sangkap: 1 pc. Melon (cut into bite size cubes) 2 sachet Mr. Gulaman (Green Pandan Flavor) 1 cup White Sugar 1 can Condensed Milk Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, tunawin ang Mr. Gulaman powder sa 6 cups na tu...

MELON and MANGO JELLY SALAD

Image
Sobrang init talaga ng panahon dito sa Pilipinas.  Wala ka talagang masulingan kung papaano maiibsan ang init na ating nararamdaman.   Hindi naman pwedeng maghapon nakabukas ang aircon o electric fan at baka mahimatay naman tayo sa laki ng ating babayarang kuryente.  Kahit sa pagluluto at pagkaing ating kakainin, mainam na konting effort lang ang magagamit para hindi tayo masyadong mapagod dahil sa init.   Also, mainam na yung kakainin natin ay yung refreshing o kahit papaano ay nakakabawas ng init na ating nararamdaman. Kagaya nitong recipe natin for today.   Isang simpleng salad o dessert na tamang-tama sa mainit na panahon.   At isa pa, napapanahon ang mga sangkap na gagamitin. In this recipe, yung melon lang ang tunay na prutas na aking ginamit.   Yung mangga ay flavor lang from an instant juice powder.  Pero wag ka parang tunay na mangga din ang kinalabasan.   Try nyo din po.  Masarap talaga. ...

MANGO SAGO in COCONUT MILK

Image
Bakasyon ang mga bata.   Di kagaya nung mga nakaraang taon na sa biyenan ko sa Batangas sila nagba-bakasyon, this year ay sa bahay lang sila.   At syempre pag nasa bahay lang, pagkain, tv, computer ang pinagkaka-abalahan.   Parang laging gutom...hehehehe. Kaya naman naisipan kong gumawa ng dessert na tamang-tama sa panahon.   itong Mango Sago In coconut Milk.   Yun lang, medyo brownish ang naging sauce nitong dessert na ito.   Naubusan kasi ako ng white sugar at yung segunda na asukal ang aking nagamit.   Okay din naman, masarap ang kinalabasan ng dessert na ito. MANGO SAGO in COCONUT MILK Mga Sangkap: 6 pcs. Ripe Mango (cut into cubes) 250 grams Small Tapioca Pearl or Sago 1 big can Coconut Milk White Sugar to taste 2 pcs. Pandan Leaves Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang sago sa isang kaserola na may tubig. 2.   Kung luto na ang sago ilagay ang puting asukal at dahon ng pandan . ...

ICE CANDY SPECIAL

Image
Summer na talaga.   Kaya naman lahat tayo ay kani-kaniyang hanap ng paraan para ma-preskuhan kahit papaano.   Syempre yung hindi gaanong magastos dapat.   At isa na dito ang pagkain ng ice candy. Madali lang naman gumawa ng ice candy.   Basta gagawin mo lang yung pinaka-base nito na gatas na nilagyan ng asukal at kaunting tubig.   Pwede din haluan ng all purpose cream para mas malinamnam.    At saka mo lalagyan ng iba pang halo o flavor. Sa ginawa kong ice candy na ito, yung natirang macanatagel salad na ginawa ko nung isang araw ang aing inihalo sa gatas at yung iba naman ay nagdurog ako ng oreo cookies para maging cookies and cream flavor naman. Maraming flavor na pwedeng gawin.   Depende na lang siguro sa kung ano ang gusto niyong ilagay.   Mas mainam na nilalagyan nyo ito ng laman at hindi flavoring lang para naman kahit papaano ay may nangunguya ang kakain. Nakakatuwa dahil nagustuhan ...

STRAWBERRY GELATIN

Image
May nabiling fresh strawberries ang asawa kong si Jolly na ilang araw na ding nasa fridge namin.    Dalawa lang naman ang naiisip kong gawin dito, gawing smoothies o kaya naman ay gawin kong dessert.   Okay sana na smoothies na lang komo napa-init talaga ng panahon ngayon.   Kaya lang parang mas gusto ko naman na gawin na lang itong dessert.   hehehehe Nung bago ko pa lang gawin ang dessert na ito, naalala ko yung nag-comment sa isang gelatin dish na nai-post ko dito dahil na problem ko na hindi nabuo yung gelatin.   Sabi nung nag-comment, pag daw fresh fruit ang ihahalo natin sa gelatin, parang may natural enzyme daw ang prutas na hindi nagpapabuo sa gelatin.   Kaya ang ginawa ko dito, pinakuluan ko muna yung frresh fruit kasama ang asukal bago ko inilagay ang gelatin. At eto na nga ang kinalabasan.   Isang masarap at katakam-takam na strawberry dessert. STRAWBERRY GELATIN Mga Sangkap: 250 grams Fres...

COCO FRUITY GELATIN

Image
Dumalaw sa bahay ang nakatatandang kapatid ng aking asawang si Jolly na si Ate Pina nitong nakaraang Biyernes.   May dala siyang pasalubong na toasted mamon para sa mga bata.   Masarap ang mamon na ito lalo na kasabay ang mainit na kape. Siguro nagsawa na ang mga bata sa toasted mamon na yun kaya naisipan kong gumawa ng dessert na pwedeng magamit ito.   Tamang-tama naman at may 1 can pa ng fruit cocktail sa aming cabinet at iba pang sangkap para magawa ang dessert na ito. Nakakatuwa naman dahil nagustuhan ng aking mg anak ang dessert na ito.   Try nyo din po. COCO FRUITY GELATIN Mga Sangkap: Mamon Tostado 1 can Fruit Cocktail 1 sachet Mr. Gulaman (White color) 1 can Coconut Cream 1 small can Condensed Milk White Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Ihilera sa bottom ng isang square na hulmahan o lalagyan ang mamon tostado.    Ilagay na din sa ibabaw nito ang fruit cocktail. 2.   Sa is...

FRUIT SALAD with NATA DE COCO and BLACK GRAPES

Image
Nitong nakaraang Christmas Holiday, pareho kami ng aking asawa na nakatanggap ng Grocery baskets mula sa aming mga employer.   May mga laman itong pasta noodles, spaghetti sauces, fruit cocktail, cheese, etc. na pangkaraniwang inihahanda nating mga Pilipino sa Noche Buena. Nitong nakaraan kong pag-go-grocery, nakita ko itong naka-pack na green at black grapes sa naka-sale.   Naisip ko bigla na bakit hindi ako bumili nito at ihalo ko sa fruit cocktail na nasa bahay?   Tamang-tama dahil kaka-anniversay lang naming mag-asawa at panay hanap din ng aking mga anak ng dessert pag natatapos silang kumain. Kaya eto isang masarap na fruit salad na nilahukan ko din nata de coco. FRUIT SALAD with NATA DE COCO and BLACK GRAPES Mga Sangkap: 1 can Fruit Cocktail (i-drain yung syrup) 1 bottle Nata De Coco 300 grams Seedless Black and Green Grapes 1 tetra brick Alaska Crema 1 small can Condensed Milk Paraan para gawin: 1.   I-drain ang syrup ng frui...

MIX FRUIT GELATIN

Image
Hindi ganun kaganda ang pict nitong recipe natin for today.   Pero, hindi ko pa rin mapigilan na hindi ito i-post dahil sa sarap ng lasa nito. Yes, parang ordinaryong gelatin dessert lang siya pero dahil na rin siguro sa kombinasyon ng mga prutas na aking ginamit at sa prosesong aking idinagdag, lumabas talaga ang fruity flavor ng mga prutas. Sa totoo lang disaster ang dessert kong ito.   Nung una clear na gelatin ang aking ginamit para kako lumutang yung ibat-ibat kulay ng mga prutas.   Pero laking pagtataka ko dahil hindi ito nabuo kahit na lumamig pa at nailagay ko na sa fridge.   Ang ginawa ko, nag-boil ako ulit ng gulaman at nilagyan ko ng kaunting pandan essence at saka ko pinakuluan ang mga hindi nabuong clear na gelatin.   At ito na nga ang kinalabasan.   Isang masarap na dessert na pwedeng-pwede din nating ihanda sa nalalapit na Noche Buena. MIX FRUIT GELATIN  Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman (G...

MARUYA na may GATA

Image
Ang Maruya ay isa sa mga pagkaing pang-meryenda o dessert man na may malaking bahagi sa aking kabataan.   Madalas kasing magluto nito ang aking Inang Lina noong araw at kapag bakasyon ay nagtitinda kami nito sa harap ng aming bahay para may pambili kami ng gamit sa eskwela sa pasukan. Masarap ang pagkaing ito lalo na kung bagong luto.   Sabayan mo pa ng malamig na softdrinks o mainit na kape  man ay panalong-panalo ito. Last Sunday, naisipan kong magluto nito para meryenda ng aking mga anak.    At nang ginagawa ko na ito, nakita ko itong natirang gata ng niyog na ginamit ko sa biko na niluto naman ng nakaraang araw.   Naisipan kong bakit hindi ito ang gamitin kong mag-sabaw sa batter na gagamitin ko para sa maruya?   At yun na nga...Maruyang Saging na nilagyan ng gata ng niyog na mas lalo pang sumarap.  Try nyo din po. MARUYA na may GATA Mga Sangkap: 10 pcs. Saging na Saba (hiwain ng manipis sa tatlo) 2 cups All Pu...

BURGER STEAK with MUSHROOM GRAVY

Image
Paborito ng mga anak kong sina Jake at James yung Ultimate Burger Steak ng Jollibee.   Kaya naman naisipan kong gumawa din ng ganito sa bahay.   No.  Hindi ito ang recipe ng burger sa Jollibee.   Yung recipe ng burger ay nakuha ko lang din dito sa net.   Nagustuhan ko ang recipe na ito dahil masarap talaga at juicy na juicy pa. BURGER STEAK with MUSHROOM GRAVY  Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Lean Beef 2 small size Fuji Apples (grated) 1 large White Onion (chopped) 1/2 cup flour 2 pcs. Fresh Eggs (beaten) Salt and pepper to taste 1 head minced Garlic For the Gravy: 1 small can Sliced Mushroom 2 tbsp. Flour 2 tbsp. Melted Butter Salt and pepper to taste Side Dish: 3 pcs. large Potato (cut into sticks) Cooking oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa  isang bowl, paghaluin ang lahat na mga sangkap para sa burger.   Haluin na mabuti at hayaan muna ng ilang sandali. 2.   Mag-form ng parang ...

WALDORF SALAD

Image
Ito ang isa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan naming Noche Buena.   Waldorf Salad. Nung um-attend kasi ng Christmas party nila ang asawa kong si Jolly, ito ang isa din sa mga pagkain pinagsaluhan nila.   Nag-uwi siya nito sa bahay at nagustuhan ko talaga.   Masarap.  Kaya naman naisipan kong gumawa din nito para sa aming Noche Buena. Akala ko noong una sa Germany ito nag-origin.  Kasi parang German ang pangalan...hehehehe Pero nung i-check ko ito sa Google, sa New York pala ito nag-simula.   Sa Waldorf Astoria Hotel.   Sa original recipe, fresh apple, walnut, celery at mayonaise lang ang mga sangkap nito.   Pero habang nagtatagal ay nadagdagan na din ito ng chicken o turkey, ubas at iba pa. Try nyo din po.  Ayos na ayos ito para sa inyong Media Noche. WALDORF SALAD Mga Sangkap: 8 pcs.  Red and Green Apples (cut into cubes) 300 grams Chicken Breast (boiled then cut into cubes) 1 cup Cel...

ROAST PORK with APPLE-LECHON SAUCE

Image
Here's another dish na sa tingin ko ay pwede din natin i-consider sa nalalapit nating Noche Buena.   Ito ang sinasabing upgraded version nang pangkaraniwang lechon kawali na may Mang Tomas Sarsa ng Lechon. Actually, experimental ang ginawa kong ito.   Nakita ko lang kasi itong mansanas na nabili ko at bakit kako hindi ko isahog din ito sa lechon sauce para maiba naman.   Ang nasa isip ko ay yung magkaroon ng fruity taste yung sauce.  At hindi nga ako nagkamali.   Masarap at nagustuhan ng mga anak ko ang niluto kong ito. Yun lang medyo mahaba din ang proseso ng pagluluto at preparasyon nito although madali lang din siya gawin.   Pero sulit na sulit naman kapag kinakain mo na.  ROAST PORK with APPLE-LECHON SAUCE Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba) 2 pcs. Laurel Leaves 3 tangkay Lemon Grass o Tanglad 1/2 tsp. Nutmeg 1 head Garlic 1 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Whole Pepper Corn For th...

MIX FRUIT JELLY

Image
Papalapit na talaga ang pasko.   Bukod sa mga regalo at mga damit, ang pagkain ang isa pang pinaghahandaan natin sa napaka-sayang araw na ito.    Kaya naman naisipan kong mag-post nitong dessert na ito na pwedeng-pwede para sa ating Noche Buena. Simple lang ang dessert na ito at madali lang gawin.   Ang pinaka-key sa dessert na ito ay yung combination ng prutas na gagamitin.  At syempre dapat yung hinog na talaga.   Amg maganda dito, nagko-compliments sa isat-isa yung lasa ng mga prutas.   Hindi ko masabi kung o-okay ang fruit cocktail.   Pero para sa aking yung fresh ripe fruits ang the best sa dessert na ito.   Try nyo din po.   MIX FRUIT JELLY Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman (white or clear flavor) 5 cups Water Sugar to taste 1 tbsp. Vanilla Pakwan Melon Tagalog Honey Dew Pinya Manga Papaya Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwain ng maliliit ang mga prutas.   Bite si...

MENUDO with PINEAPPLE in PASTA SAUCE

Image
Ang Menudo ang pagkain pangkaraniwan nating nakikita sa mga handaan katulad ng fiesta, kasalan, binyagan at iba lalo na sa amin sa Bulacan.   Masarap naman kasi talaga ito at espesyal talaga.   Sa mga carinderia ay winner din ang pang-ulam na ito.   Sauce lang kasi ay ulam na ulam na. Naisipan kong i-levelup ang love na love nating Menudo.   Bukod sa pangkaraniwang lahok na inilalagay natin katulad ng carrots, patatas at red bell pepper, nilagyan ko din ito ng pineapple tidbits.   Yung syrup nito ay inilagay ko din sa karne habang niluluto para magkaroon ito ng fruity flavor.   Also, sa halip na tomato sauce ang aking inilagay, 3 cheese pasta sauce ang aking ginamit.   Talaga namang mas sumarap pa a g masarap nang Pork menudo na paborito natin.   Try nyo din po. MENUDO with PINEAPPLE in PASTA SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes) 300 grams Pork Liver (cut into cubes) 1 ...

BRAISED CHICKEN in PINEAPPLE and MANGO

Image
Hindi na bago sa atin ang paglalagay ng prutas sa ating mga lutuin lalo na sa mga pang-ulam na dish.  Pangkaraniwang nilalagay natin ay ang pinya o mangga komo marami nito sa ating paligid.   Ako, madalas pinya ang ginagamit ko, fresh man o yung nasa lata.   Na-try ko na din na gumamit ng fresh oranges sa mga niluluto ko. This time, sinubukan kong pagsamahin ang pinya at mangga sa isang chicken dish na ito.   Komo nga mainit ang panahon ngayon at pahirap ang magtagal sa harap ng kalan, ito ang naisip kong gawin sa 1 kilo ng chicken legs na nabili ko.  Simple lang ang paraan ng pagluluto at mga sangkap pero wag ka, ang sarap ang finish product nito.  Try nyo din po. BRAISED CHICKEN in PINEAPPLE and MANGO Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Legs (cut into 2) 1 small can Crush Pineapple 2 pcs. Ripe Mango (hiwain ng maliliit) 2 tbsp. Brown Sugar 3 tbsp. Soy Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) Salt and pepper to taste Pa...

STRAWBERRY PLAN

Image
Pinasalubungan ng strawberries ang asawa kong si Jolly ng kanyang officemate na nagbakasyon sa Baguio.   Siguro mga 1 kilo ito at komo 2 lang naman kami sa bahay, hindi namin ito mauubos ng isang kainan lang.   Hindi naman pwede na i-stock ito ng matagal dahil madali itong mabulok dahil sa init ng panahon natin.   Kaya naman ginawa ko na lang itong isang dessert. Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa espesyal na dessert na ito.   Panna cotta ba o strawberry jelly.   Bandang huli, naisip kong pangalanan na lang ito na Strawberry Plan.  Para kasi siyang leche plan na strawberry.   Also, gumawa ako ng strawberry syrup na ginawa kong panglagay sa bottom ng hulmahan sa halip na caramel syrup.   At ayun nag-create na parang toppings ito kapag itinaob mo na sa isang lalagyan. Try nyo din po.   Tamang-tama ngayong summer na mura pa ang mga strawberries. STRAWBERRY PLAN Mga Sangkap: 1/2 kilo F...

STRAWBERRY SMOOTHIES

Image
Sobrang init ng panahon kahapon nga na-record na 35 degrees dito sa Manila.   Kahit hindi ka masyadong naggagagalaw ay pinagpapawisan ka.   Dito sa office kahit may aircon bukas pa din ang electric fan.   Well, iyan ang init ng tag-araw.   hehehehe. Sa panahong ganito tiyak na kumikita ang mga resort at ang mga nagtitinda ng palamig.   Yun lang kung sa tabi-tabi ka lang bibili nito, baka in question pa ng malinis ito o hindi.   Better kung gumawa ka na lang at naka-tipid ka pa.   hehehehe. Kagaya nitong ginawa kong strawberry smoothies.   May nadaanan kasi akong nagtitinda ng fresh strawberries sa may Cubao sa pababa ng MRT.   Nung makita ko ito, palamig kaagad ang naisip kong gawin.   At tamang-tama naman at may condensed milk pa ako sa fridge.  Palamig po tayo.... STRAWBERRY SMOOTHIES Mga Sangkap: 250 grams Fresh Strawberries 1 cup Fresh or Condensed milk 2 cups Ic...

MANGO PINEAPPLE and GELO SALAD

Image
Nitong nakaraang panahon ng Pasko, may natanggap akong basket ng grocery na may lamang mga canned goods at mga gamit na pang-noche buena.   Mayroong pang-spaghetti at mayroon ding pang-fruit salad.  Unti-unti ay nagamit ko naman ang mga ito at ang huli at natira nga ay itong 2 small bottle ng nata de coco at kaong. Isa lang ang nasa isip ko na pwedeng gawin sa mga ito, ang gawin ngang panghimagas o salad.   Wala namang espesyal na okasyon pero komo laging naghahanap ng dessert ang mga anak ko after nila kumain, kaya ginawa ko ito.   Hehehe Actually, hindi ang nata de coco at kaong ang bida sa dessert na ito na ginawa ko.   Ang bida dito ay ang hinog na mangga at pinya.   Yes fresh na mangga at pinya sa halip na fruit cocktail ang ginamit ko sa salad na ito.   At para makadagdag pa ng texture at flavor sa kabuuan, nilagyan ko pa ito ng pandan flavored na gulaman.   Ang resulta, layer and layer of goodness mul...

BEEF and APPLE BURGER with MUSHROOM SAUCE

Image
May ilang burger recipes na din ako sa archive but I think itong version ko na ito ang the best.   Ewan ko.   Marahil ang nagpasarap pa dito ay yung fugi apple na inihalo ko dito na ilang araw na din na nasa fridge namin.   Hehehehe. Nakuha ko lang din yung idea sa isa sa mga paborito kong food blog ang www.casaveneracion.com.  Actually sa blog na ito ako na-inspired kung bakit gumawa din ako ng sarili kong blog.   Kaya marami sa mga niluto ko dito sa archive ay nakopya ko din sa blog niya.   Thanks Ms. Connie. BEEF and APPLE BURGER with MUSHROOM SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Lean Ground Beef 2 pcs. Medium size Fugi Apple (grated o hiwain ng maliliit) 1 large size White Onion (finely chopped) 1 head minced Garlic 1 tbsp. Worcestershire Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 4 tbsp. Soy Sauce 2 pcs. Fresh Eggs 1 cup Cornstarch or Flour Salt and pepper to taste For the Sauce: 1 big can Sliced Mushroom 2 tbsp. Butter 5 cloves...

MELON and APPLE SALAD

Image
Tuwing sasapit ang Bagong Taon, alam ko marami sa atin ang sumusunod sa kaugalian na maglagay ng ibat-ibang klaseng prutas sa ating hapag kainan.   May nagsasabi na 12 klase, yung iba naman ay 13.   Isa na kami sa mga gumagawa nito.   Pero bihira siguro na nakukumpleto ko ang bilang ng klase ng prutas.   May kamahalan kasi ito kapag ganitong panahon.   I think for this year 9 na klase lang ang nabili ko. Alam ko din na matapos ang bagong taon, marami ang nakabulukan ng mga prutas na ito.   Hehehehe.   Bakit naman hindi?   Sa dami pa ng pagkain na ating inihanda, hindi natin alam kung alin ang unang kakainin natin. Sayang naman di ba?   Lalo't sa panahon ngayon, it's a NO NO ang mag-aksaya ng pagkain.   Kaya nang makita ko itong mga prutas na nabili ko na nagkakroon na ng bakas ng pagkabulok, ginawa ko na agad itong fruit salad para hindi masayang.   Tamang-tama naman at ma...