STRAWBERRY GELATIN

May nabiling fresh strawberries ang asawa kong si Jolly na ilang araw na ding nasa fridge namin.    Dalawa lang naman ang naiisip kong gawin dito, gawing smoothies o kaya naman ay gawin kong dessert.   Okay sana na smoothies na lang komo napa-init talaga ng panahon ngayon.   Kaya lang parang mas gusto ko naman na gawin na lang itong dessert.   hehehehe

Nung bago ko pa lang gawin ang dessert na ito, naalala ko yung nag-comment sa isang gelatin dish na nai-post ko dito dahil na problem ko na hindi nabuo yung gelatin.   Sabi nung nag-comment, pag daw fresh fruit ang ihahalo natin sa gelatin, parang may natural enzyme daw ang prutas na hindi nagpapabuo sa gelatin.   Kaya ang ginawa ko dito, pinakuluan ko muna yung frresh fruit kasama ang asukal bago ko inilagay ang gelatin.

At eto na nga ang kinalabasan.   Isang masarap at katakam-takam na strawberry dessert.


STRAWBERRY GELATIN

Mga Sangkap:
250 grams Fresh Strawberries
1 sachet Mr. Gulaman (red color)
1 tetra brick All Purpose Cream
4 cups Water
Sugar to taste
For the strawberry syrup:
1 cup Fresh Strawberries
1 cup Sugar
1/2 cup Water

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola magpakulo ng 3 tasang tubig at asukal sa nais na tamis.
2.   I-blender ang fresh strawberries ang 1 cup na tubig at ilagay sa pinakuluan tubig at asukal.
3.   Tunawin ang gulaman powder sa 1 cup na tubig at ilagay sa pinakuluang tubig na may strawberries.   Halu-haluin.
4.   After ng ilang minuto ilagay na ang all purpose cream at saka patayin ang apoy.    Patuloy na haluin hanggang sa medyo lumapot na ang mga sangkap.
5.   Isalin sa mga hulmahan at hayaang lumamig hangang sa mabuo.
6.   For the syrup:    I-blender ang strawberries, asukal at tubig.
7.   Pakuluan ito sa isang sauce pan hanggang sa lumapot.
8.   To assemble:   Alisin sa hulmahan ang gelatin at lagyan sa ibabaw ng ginawang syrup.   Lagyan din ng hiniwang fresh strawberries to garnish.

Ihain na medyo malamig.

Enjoy!!!!


Comments

Anne said…
Gano po tinatagal bago masira pag wala sa ref?
Dennis said…
1 to 2 days lang siguro. Madali kasing masira ang fresh strawberries.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy