Posts

Showing posts with the label events

NOCHE BUENA 2017

Image
Almost a year na din nung huli akong mag-post sa food blog kong ito.   Pasensiya na at nagkaroon lang ng problema.  Sana lang ay maipagpatuloy ko pa ito at marami na din ang nag-aabang sa aking pagbabalik.   I just hope na patuloy nyo pa din akong suportahan. Siguro mainam na bumalik ako sa isang post na magandang simulan.   At ito nga ay itong Noche Buena namin nitong nakaraang Pasko.   Syempre naman kapag sinabing Noche Buena...maraming pagkain ito.   But for this year, isang simple at espesyal na pagkain ang aking inihanda para sa aking pamilya. Favorite ng mga anak ko itong Cheesy Bacon and Baby Potatoes kaya ito ang niluto kong appetizer. Isa pa sa paborito nila ay itong Baby back Ribs. Pan-grilled Pink Salmon with Buttered Carrots and Broccoli.   And for the pasta, nagluto ako nitong Penne Pasta with Pesto Sauce. Ofcourse hindi mawawala ang Keso de Bola, Hamon at Fruit Salad sa hapag. I...

MEDIA NOCHE 2017

Image
Sa bahay ng aking biyenan na si Inay Elo sa San Jose, Batangas kami nag-media noche at sumalubong sa Bagong Taong 2017.   Dapat simple lang naman ang aking inihanda at yung iba naman ay dala ng aking mga hipag.   Birthday din kasi ng January 1 ang namayapa kong biyenang lalaki na si Tatay Tonying kaya napagkaisahan na sa bahay na lang ng biyenan kong babae magkainan ng media noche. Late yung ibang kapamilya na dumating.   Ang lakas kasi ng ulan nung bago sumapit ang bagong taon. Nagluto ako ng Creamy Penne Pasta with German Sausage and Pesto Sauce.   Ito ang naisip kong gawin sa pasta dahil nasrapan ako dun sa nakain naming pasta sa isang Italian resto sa Resorts World.   Bitin ang naging kain namin dun kaya naisip kong magluto nito para naman sa media noche.   To add a twist, nilagyan ko din ito ng toasted cashiew nuts as toppings. Ito naman yung Steamed Lapu-lapu na pinaluto sa akin ng bayaw ko.   Aba...

NOCHE BUENA 2016

Image
Ang Noche Buena ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino sa panahon ng Kapaskuhan.   Hinihintay natin ang alas-12 at sabay-sabay na pinagsasaluhan ng ating pamilya ang masasarap na pagkain. This year, sa bahay ng aking biyenan na si Inay Elo kami nag-spend ng aming Noche Buena.   Simple lang naman ang aking inihanda komo kabi-kabila din naman ang mga kainan.    Para sa pampagana, gumawa ako ng California Maki na nilagyan ko din ng strip crab sticks at Japanese Mayo sa ibabaw. For the main course, nagluto ako nitong Roasted Chicken na sinamahan ko din ng baby potatoes.  Mayroon din nitong Baby Back Ribs in a bed of buttered beans.  Panalo ang sauce nito sabi ng anak kong si Jake. Mawawala ba ang pasta dish kapag ganitong okasyon.   Dapat sana ay with mix sausages ang gagawin ko dito.   Kaso, naiwan ko sa Manila yung nabili kong sausages.   Kaya ang nangyari, simpleng ala carbonara ang aking naluto. ...

MALIGAYANG PASKO po sa INYONG LAHAT!!!

Image

JAKE'S 18th BIRTHDAY CELEBRATION

Image
September 22 ang araw ng kapanganakan ng panganay kong anak na si Jake.   At kagaya ng mga nakaraan niyang birthday, iniraraos namin ito kahit papaano sa aming tahanan. Huwebes pumatak ang kanyang birthday at siya na din ang nagsabi na Sabado na lang gawin ang celebration komo nga simpleng araw yun at may pasok sila sa school. At ganun nga ang nangyari.   Tanghali pa lang ng Sabado ay nag-simula na akong magluto para sa kanyang mga bisita.   Sabi niya mga 15 daw ang ine-expect niya na guest kaya naman nag-handa ako ng para sa 20 to 25 na guest naman. Sa may birthday din nang-galing kung ano ang gusto niyang ihanda ko.   Ganun naman lagi ang ginagawa ko.   Kung ano ang gustong handa ng may birthday, yun ang inihahanda ko. So nagluto ako ng Pork Hamonado,  Shrimp in Orange-Pineapple sauce, Fish fillet with Chili-Garlic-Mayo Dip,  5 Spice Fried Chicken,  Spaghetti Meat Overload in Italian Sauce at Yang Chow Fr...

MY 2016 BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Last Monday September 12 me and my family celebrated my 49th birthday.   Actually, nag-start ang celebration ng September 11 pa lang.   May fieldtrip kasi ang panganay kong anak na si Jake ng September 12 kaya naisipan kong mag-celebrate na kaming pamilya ng September 11 pa lang. Sa Buffet 101 kami kumain ng aming lunch after ng aming pagsisimba.   From the church diretso na kami sa branch ng buffet 101 sa Robinsons Magnolia. First time namin sa branch na ito ng Buffet 101.  For me, mas okay ang branch nila sa Glorietta. Masasarap naman ang mga food.  Nag-start ako with different kinds of maki at sunod naman itong mga dimsum, century eggs and soy chicken. Komo may free cake ang may birthday, isinabay na din namin ang celebration ng panganay kong anak na si Jake na mag-be-birthday din sa September 22 naman.   Sa mismong araw ng aking birthday September 12 nagluto din ako ng kaunting handa para sa aking pamilya. ...

JOLLY'S 2016 BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Last Sunday July 17 nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang aking asawang si Jolly.  Good thing may nagbigay sa kanya ng free overnight stay sa Solaire Resort and Casino at July 16 nga ay nag-check-in na kami. Yun nga lang pala walang kasamang free breakfast ang room na nakuha namin.    So sa day ng dinner pumunta pa kami ng MOA para kumain ng aming hapunan.    Hindi ko na idi-detalye ang aming dinner kung hindi itong aming kinainan ng breakfast. Dapat sana sa room na lang kami kakain ng breakfast pero nang makita ko ang price ng home service nila ay nagbago ako ng isip.   Mahal eh.   Hehehehe. Naisip ko na may food court nga pala ang hotel na nasa ground floor na malapit din sa casino.    Kaso nung nandun na kami, isang stall lang pa lang ang open.   Iniisip ko kung punta na lang kami ng MOA ulit o maghanap ng malapit na fastfood. Nang madaanan namin naman itong Fresh Restaurant sa loob din ng ...

@ MASFLEX 25th ANNIVERSARY

Image
Naimbitahan ako ng isang kilalang brand ng mga gamit sa kusina ang MasFlex para sa pagdiriwang ng kanilang ika-25 anibersaryo.   Kasabay din nito ang pagpapakilala nila ng kanilang bagong Brand Ambassadress na si Ms. Nancy Reyes - Lumen. 1pm ang nakalagay na start ng programa kaya naman nag-halfday ako sa aking trabaho at pumunta na ako sa venue ng events.    Sa La Pavillon sa may MOA complex ito ginanap. Nakakatuwa naman at during the registration ay may nakita akong pamilyar na mukha at ito ay si Ms. Maridel Pacleb na nakasama ko sa isang event naman ng Alaska. 2pm nagsimula ang programa at habang naghihintay kami ay nag-ikot-ukot muna kami sa venue kung saan naka-display ang lahat ng produkto ng MasFlex. Habang naghihintay sa pag-start ng programa, mayroon ding contest ng pagandahan ng paggawa ng pancake.   Ofcourse gamit ang pan na gawa ng MasFlex. Habang naghihintay ay napapalabas din ng mga videos ng mga tips sa tamang pagga...