Posts

Showing posts with the label malaysian

MUAR CHEE - Sticky Rice Cubes

Image
Una, pasensya po kung medyo malabo ang picture ng entry natin for today. Medyo nagloloko na talaga ang digicam na ginagamit ko. Pero hindi ko pa rin mapigil na hindi i-share ito sa inyo dahil masarap at kakaiba talaga. Nabasa ko lang ang recipe nito sa isa sa mga paborito kong food blog ang rasamalaysia.com. Nagustuhan ko ito dahil simple lang ito at madaling lang lutuin. Actually, para lang siyang palitaw. Ang pagkakaiba lang nila, yung palitaw niro-roll sa ginadgad na niyog, asukal at linga. Samantalang ang sa muar chee naman ay niro-roll sa giniling na mani, linga at brown sugar. Sa pagluluto din, ang palitaw niluluto sa kumukulong tubig hanggang sa lumutang. ang sa muar chee naman ay ini-steam hanggang sa maluto. Try nyo ito. Masarap itong snack kasama ang mainit na kape o tsaa. O kaya naman ay dessert matapos kayong kumain. MUAR CHEE - Sticky Rice Cubes Mga Sangkap: 2 cups Glutinous Rice flour 1-1/2 cup Cold Water Cooking oil for greasing 1 cup brown sugar ...