Posts

Showing posts with the label coconut milk

HALABOS na HIPON sa GATA

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko para sa aking nakaraang kaarawan.   Halabos na Hipon sa Gata. Ang paghahalabos ang pangkaraniwang luto na ginagawa natin sa hipon.   Madalas asin lang ang inilalagay natin at kaunting tubig at pakukuluan o steam lang ng kaunti.   Pero pwede din na maglagay pa tayo ng kung ano-anong pampalasa pa para sumarap ito. Yung iba ginigisa pa ito sa butter at nilalagyan ng 7Up o Sprite,   Yung iba naman maraming bawang o mga herbs na pampalasa. Sa version kong ito, gata ng niyog naman ang aking ipinang-halabos.   Nilagyan ko din ng chili-garlic sauce para may kaunting sipa sa bibig ang lasa.   For me, ito ang panalong luto sa hipon. HALABOS na HIPON sa GATA Mga Sangka: 1 kilo Medium size Shrimp 2 cups Kakang Gata ng Niyog 1 tbsp. Chili-garlic sauce 1 thumb size Ginger (cut inti strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil or melted Butter Salt and pep...

BABOY at SITAW sa GATA

Image
Dapat sana ay Pork Binagoongan ang gagawin kong luto sa pork liempo na nabili ko para sa aming pang-ulam.   Kaso hindi ko napansin na wala na pala kaming bagoong alamang na pangunahing sangkap para dito.   Ang natitira na lang ay wala pang 1 kutsara na bagoong.  Hindi ko naman magawang Bicol Express at baka naman hindi makain ng mga anak ko sa anghang. E di ang ginawa ko na lang pinag-ubra ko kung ano ang meron at eto na nga ang kinalabasan.    Isang masarap pa din na dish na nagustuhan ng aking mga anak. BABOY at SITAW sa GATA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (cut into cubes or strips) 3 cups Kakang Gata Sitaw (cut into 1 inch long) 1 tbsp. bagoong Alamang 5 pcs. Siling Pang-sigang 2 pcs. Siling Labuyo 1 thumb size Ginger (cut into strips)  1 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang non-stick na kaserola o kawali, ilagay ang kar...

GINATAANG ALIMASAG na may SITAW at KALABASA

Image
Espesyal na ulam sa amin ang mga seafoods kagaya ng sugpo, alimango at alimasag.   Bukod kasi sa masarap naman talaga ang mga ito, yun lang talagang may kamahalan ang presyo nito.    Pero ako naman bastat masisiyahan ang ang pamilya na kakain ay okay lang. Kagaya nitong alimasag na iniulam namin nitong mga nakaraang Linggo.   Maganda kasi yung alimasag na nakita ko sa palengke at tamang-tama kako na lagyan ko ito ng gata ng niyog at samahan na din ng gulay na sitaw at kalabasa.   Tunay nga na nagustuhan ng aking pamilya ang dish na ito lalo na ang asawa kong si Jolly.   Ubos ang kanin.   hehehehe GINATAANG ALIMASAG na may SITAW at KALABASA Mga Sangkap: 1 kilo Alimasag (mas mainam yung babae) 2 cups Kakang Gata Kalabasa (cut into cubes) Sitaw (cut into 1 inch long) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and p...

GINATAANG LANGKA na may TOSTADONG HIPON

Image
First time ko pa lang nakapagluto nitong ginataang langka at masarap pala.   May nakita kasi akong itinitindang nahiwa na  na langka at tamang-tama kako na gataan ito.   Tamang-tama din at may crispy shrimps o tostadong hipon na pasalubong ng asawa kong si Jolly nung nanggaling siya ng Boracay.  Ito kako ang isasahog ko sa ginataang langka.   At ayos naman ang kinalabasan, masarap at malinamnam ang ginataang langka.   Ayos na ayos sa ano mang piniritong isda.    Ubos na naman ang kanin.   Hehehehe GINATAANG LANGKA na may TOSTADONG HIPON Mga Sangkap: 1/2 kilo Hiniwang Murang Bunga ng Langka 2 cups Tostadong Hipon 1 thumb size Ginger (cut ito strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) 4 pcs. Siling Pang-sigang 2 cups Coconut Milk - Unang piga 3 cups Coconut Milk - Pangalawang piga 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. ...

GINATAANG SITAW at KALABASA: With a Twist

Image
One of my favorite vegetable dish ito ginataang sitaw at kalabasa.   Kahit bagoong o hibe lang ang sahog nito ay panalong-panalo ito sa akin lalo na kung marami din itong gata na kasama. Pero hindi lang pala gata ang maaring magpasarap pa sa ginataang sitaw at kalabasa.   Natuklasan ko ito nung makita ko itong natirang pinaghalong mayonaise at bagoong sa fridge na ginamit kong sauce sa aking daing na bangus.   Sayang naman kako at naisipan kong ihalo di ito sa niluluto kong ginataang sitaw at kalabasa nga. Ang resulta?    Level-up sa lasa na ginataang sitaw at kalabasa.   Try nyo din po. GINATAANG SITAW at KALABASA:   With a Twist Mga Sangkap: Kalabasa (cut into cubes) Sitaw (cut into 2 inches long) 3 cups Kakang Gata 1 cup lady's Choice Mayonaise 2 tbsp. Bagoong Alamang 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, igis...

SPICY SHRIMP IN COCONUT MILK

Image
Ito ang isa sa mga dish na niluto ko para sa kaarawan ng panganay kong anak na si Jake.   Spicy Shrimp in coconut Milk. Wala sa original menu ang dish na ito.   Roasted Pork Belly, Fried Chicken at Lasagna lang talaga ang ihahanda ko.   Pero naisip ko na parang bitin yung handa kaya naisipan kong dagdagan nitong hipon nga at gumawa din ako ng paella valenciana. Masarap ang dish na ito.   Cayene powder ang ginamit kong pampa-anghang kaya tamang-tama lang yung anghang ng dish.   Nagustuhan nga ng mga bisita.   Hehehehe SPICY SHRIMP IN COCONUT MILK Mga Sangkap: 2 kilos Medium size Shrimp (alisin yung matulis na sungot at balbas) 2 cups Kakang Gata 1/2 tsp. Cayene Powder 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ...

LAING ala DENNIS

Image
After nang pagbisita namin sa aking Tiyo Lando sa Bicol, parang nag-crave ako bigla sa pagkain ng Laing.   Yes.   Yung lutong Bicol na dahon ng gabi na may gata.   Tyempo din na napanood ko sa youtube yung movie nina Aga at Claudine yung Kailangan kita.   Gustong-gusto ko yung part ng encounter ni Caloy played by Aga at yung Tatay niya na tinuturuan siyang magluto ng laing.   Gusto-gusto ko yung part na sinabi nung tatay..."...pare-pareho lang naman ang pagluto ng laing...pare-pareho rin ang mga rekado...pero siguro iba lang ang gata ko....punong-puno ito ng pagmamahal....alam mo...ito rin yung paborito ng anak ko...si Caloy".   Ito talaga yung mga linya na tumagos sa akin.   Kaya ayun..napaluto tuloy ako ng laing.    hehehehe Ito siguro ang the best na luto ko ng laing.   Winner talaga!!!! LAING ala DENNIS Mga Sangkap: 500 grams Sariwang Dahon at Tangkay ng Gabi (cut into small pi...

BICOL'S PINANGAT

Image
Kapag napupunta tayo sa mga malalayong lugar hindi pupwedeng hindi tayo magdadala o bibili ng pasalubong para sa ating mga kapamilya.   Syempre, yung espesyal na produkto ng ating binibili lalo na yung mga pagkain. Nitong huling pagbisita namin sa aking tiyo sa Bicol, bukod sa pili nuts at kung ano-ano pa, ito Pinangat ang isa sa mga nabili ko.   Pinangat?   Yes.  may dalawang klase ng pinangat.   Yung isa ay yung lutuin sa isda na nilalagyan ng pampa-asim kagaya ng kamyas o sampalok.   Para ding sinigang pero kakaunti lang ang sabaw nito at walang masyadong gulay. Ang isa pa ay itong pinangat Bicol.   Para itong laing.   Pinaghalo-halong hipon, kinayod na murang buko o niyog at sili at pagkatapos ay binalot sa dahon ng gabi at niluto sa gata. May nabibiling frozen nito kaya pwedeng-pwede na dalhin pabalik sa Manila.   Ang ginawa na lang namin ay inilagay namin sa styro na may yelo. Hindi k...

BICOL EXPRESS with a TWIST

Image
Noong papauwi na kami galing ng Bicol, pinabaunan kami ng aming Tiya Gloria ng pagkain para kainin namin sa byahe.   Kasama sa mga ulam na pinabaon ay itong Bicol Express. Nagustuhan ko talaga ang ulam na ito.   Tamang-tama lang ang anghang at talaga namang mapaparami ka ng kanin habang inuulam ito. Also, napansin ko na may nakahalong pineapple tidbits na mas lalong nagpasarap sa dish.   Naka-chat ko ang pinsan kong si Mak na anak ng aming Tiya Gloria, tinanong ko kung bakit may pineapple tidbits.   Pangtanggal umay daw yun kasi nga medyo spicy ito. Ilang araw lang mula ng manggaling kami ng Bicol ay naisipan ko nang gayahin at magluto nitong Bicol express na ito.   At para maiba naman ay nilagyan ko pa ito ng added twist.   Nilagyan ko pa ng toasted pili nuts nung akin na itong inihain.   Yummy talaga.   Truly a Bicol Signature dish. BICOL EXPRESS with a TWIST Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (c...

TINUTUNGAN MANOK ni TIYA GLORIA

Image
Sa lahat ng dish na ipinaulam sa amin ng aming Tiya Gloria nitong huling pagdalaw namin sa kanila, itong Tinutungang Manok ang nagustuhan ko sa lahat.   Unang subo ko pa lang nung isang piraso ng manok ay lasa ko na agad yung parang smokey taste ng gata ng niyog.   Masarap talaga. Actually, para din lang itong tinolang manok.   Ang pagkakaiba nga lang nito ay may lahok itong gata ng niyog na medyo may kahirapan ang proseso at yung tanglad.   Maanghang din ito. Also, native na manok ang ginamit dito kaya mas lalong malasa.   Kung yung ordinary na manok kasi parang kulang sa lasa. Try nyo din po ito.   Tunay na lutong Bicol talaga. TINUTUNGANG MANOK ala MAK Mga Sangkap: 1 whole Native Chicken (about 1.5 kilos) cut into serving pieces 1 medium size Green Papaya (balatan at hiwain sa nais na laki) 2 pcs. Kinayod na Niyog 3 tangkay na Tanglad 2 thumb size Ginger (cut into strips) Dahon ng Sili 1 head Minced Garli...

LAING ni TIYA GLORIA

Image
Nung papaunta pa lang kami ng Bicol para dalawin ang aking Tiyo Lando, napagusapan namin ng kapatid kong si Shirley kung nagluluto ba ng Laing ang aming Tiya Gloria.   Oo naman daw.   Sabagay, sino ba naman ang taga-Bicol na hindi marunong magluto nito?    hehehe.   Yun daw version ng aming tiya ay yung medyo tuyo o hindi ma-sauce. Ang picture sa itaas ay ang niluto mismo ng aking Tiya Gloria sa second day ng aming pag-stay sa kanilang bahay.  Niluluto pa lang ito ay super excited na ako para matikman ang masarap na Bicol dish na ito.   Kaya naman habang kinakain ko ito, nire-reconstruct ko talaga sa aking bibig kung papaano ito niluto.   At eto ang aking naging version naman. LAING ni TIYA GLORIA Mga Sangkap: About 100 grams Dried Gabi Leaves 500 grams Pork Belly (cut into small pieces) 3 cups Kakang Gata 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large Onion (chopped) 1 thumb size Ginger (cut into strip) Siling Pa...

GINATAANG LANGKA na may HIPON ni TIYA GLORIA

Image
Isa sa mga dish na inihanda para sa amin nitong huling pagdalaw namin sa aking Tiyo Lando sa Daraga, Albay sa Bicol ay itong Ginataang Langka na may Hipon.   Hindi ako ang nagluto niyang picture na nasa itaas kundi ang aking Tiya Gloria.   Iyan ang mismong inihain sa amin sa unang araw namin sa kanila. Hindi ako madalas makakain nitong ginataang langka pero masarap pala.   May iba pang ulam na inihanda pero itong dish na ito ang marami akong nakain.    Malinamnam yung gata at tamang-tama lang ang anghang.   Talagang nagpasarap yung hipon sa kabuuan ng dish. Tuwing may nagugustuhan akong pagkain, pimipilit kong i-reconstruct yung dish at niluluto ko sa bahay.   At eto sa ibaba ang recipe ng sa palagay ko ay kung papaano ito niluto.   Please feedback your comments kung nagustuhan ninyo. GINATAANG LANGKA na may HIPON ni TIYA GLORIA Mga Sangkap: 1 kilo Ginayat na Murang Langka 1/2 kilo Hipon 3 cups Ka...

COCO PORK BINAGOONGAN

Image
I think this is the best pork binagoongan na naluto ko.   Ang sarap talaga.   Sauce pa lang ay ulam na ulam na.   Muntik pa nga akog maubusan ng aking mga anak.   Gulay at kaunting laman na lang ang natira sa akin. Marahil ang tnay na nagpasarap sa version kong ito ay yung quality ng bagoong na ginamit at yung pirong kakang gata.   Ang ginamit ko kasi yung yung bagoong alamang na nabili pa ng asawa ko sa Ilocos.   Masarap talaga.   Balak ko ngang magluto ulit nito this coming weekend.   Hehehehe COCO PORK BINAGOONGAN Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (cut into cubes) Sitaw o String Beans 1 cup Sweetened Bagoong Alamang 2 cups Kakang Gata 5 pcs. Siling Pang-sigang 1 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng kaunting asin at paminta ang hiniwang pork belly. 2.   Sa isang non-stick na k...

COCO-CORN GELATIN

Image
Nitong nakaraang weekend naisipan kong gumawa ng dessert.    Walang akong maisip in particular kung ano kaya naisipan ko na lang na tumingin sa aming pantry cabinet kung ano ang meron. May nakita akong cream of corn na nabili ko ng sale nung huling pag-grocery namin at ang Mr. Gulaman na ilang linggo na din na hindi ko nagagamit.   May nakita din akong 1 can ng Coconut milk na ginamit ko pa yung isang lata nung gumawa ako ng maja maiz. Walang particular na recipe akong sinunod ng ginawa ko ang dessert na ito.    Ang nasa isip ko lang ay parang masarap na kombinasyon ang mais at gata ng niyog.   At yun na nga.  nang i-combine ko ang dalawang sangkap na ito plus gulaman at asukal, isang masarap na dessert  ang aking nagawa.   Try nyo din po. COCO-CORN GELATIN Mga Sangkap: 1 can (425grams) Cream Corn 1 sachet Yellow Color Mr. Gulaman Powder 1 can (400ml) Coconut Milk Sugar to taste Pan Cake Syrup Par...

MANGO SAGO in COCONUT MILK

Image
Bakasyon ang mga bata.   Di kagaya nung mga nakaraang taon na sa biyenan ko sa Batangas sila nagba-bakasyon, this year ay sa bahay lang sila.   At syempre pag nasa bahay lang, pagkain, tv, computer ang pinagkaka-abalahan.   Parang laging gutom...hehehehe. Kaya naman naisipan kong gumawa ng dessert na tamang-tama sa panahon.   itong Mango Sago In coconut Milk.   Yun lang, medyo brownish ang naging sauce nitong dessert na ito.   Naubusan kasi ako ng white sugar at yung segunda na asukal ang aking nagamit.   Okay din naman, masarap ang kinalabasan ng dessert na ito. MANGO SAGO in COCONUT MILK Mga Sangkap: 6 pcs. Ripe Mango (cut into cubes) 250 grams Small Tapioca Pearl or Sago 1 big can Coconut Milk White Sugar to taste 2 pcs. Pandan Leaves Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang sago sa isang kaserola na may tubig. 2.   Kung luto na ang sago ilagay ang puting asukal at dahon ng pandan . ...

ALIMANGO HIPON at KALABASA sa GATA - Our Valentines Day Lunch

Image
Ang mga seafoods kagaya ng alimango at hipon ay mga pangulam na masasabi nating espesyal.   Bukod kasi sa masarap naman talaga ito medyo may kamahalin din ang presyo.   Kaya naman nitong nakaraang Valentines Day, ito ang ulam na aking inihanda para sa aming tanghalian. Niluto ko ito sa kalabasa at gata ng niyog.   Niluto ko muna ang kalabasa sa kaunting gata hanggang sa madurog na naging pinaka-sauce ng alimango at hipon.   Ang sarap talaga ng kinalabasan.   Sauce pa lang ay ulam na kung baga.   Hehehehehe.   Try nyo din po. ALIMANGO HIPON at KALABASA sa GATA - Our Valentines Day Lunch Mga Sangkap: 1 kilo Alimango (yung babae ma mainam) 1/2 kilo Medium to large size na Hipon (alisin yung sungot o balbas) 250 grams Kalabasa (cut into cubes) 4 cups Pure Coconut Cream 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large size Onion (sliced) 1/2 stp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking O...

COCO FRUITY GELATIN

Image
Dumalaw sa bahay ang nakatatandang kapatid ng aking asawang si Jolly na si Ate Pina nitong nakaraang Biyernes.   May dala siyang pasalubong na toasted mamon para sa mga bata.   Masarap ang mamon na ito lalo na kasabay ang mainit na kape. Siguro nagsawa na ang mga bata sa toasted mamon na yun kaya naisipan kong gumawa ng dessert na pwedeng magamit ito.   Tamang-tama naman at may 1 can pa ng fruit cocktail sa aming cabinet at iba pang sangkap para magawa ang dessert na ito. Nakakatuwa naman dahil nagustuhan ng aking mg anak ang dessert na ito.   Try nyo din po. COCO FRUITY GELATIN Mga Sangkap: Mamon Tostado 1 can Fruit Cocktail 1 sachet Mr. Gulaman (White color) 1 can Coconut Cream 1 small can Condensed Milk White Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Ihilera sa bottom ng isang square na hulmahan o lalagyan ang mamon tostado.    Ilagay na din sa ibabaw nito ang fruit cocktail. 2.   Sa is...

CRABS in COCO-CHILI-GARLIC SAUCE

Image
Mahaba-haba din itong nakaraang bakasyon natin kung saan walang pasok ang mga opisina at mga eskwelahan dahil sa pagdalaw ng Santo Papa sa ating bansa. Komo wala ngang pasok, naisipan kong magluto ng espesyal na tanghalian para sa aking pamilya.   Maaga akong pumunta sa Farmers market sa Cubao para mamalengke.   Hindi ko alam nung una kung ano ang lulutuin ko utnil makita ko itong alimango na punong-puno ng aligue.   Bumili ako ng mahigit isang kilo nito mga 4 na malalaking piraso at yun nga ang naisip kong lutuin.   Naisip ko ding masarap kako na gataan ito at lagyan ng chili garlic sauce.   At ito na nga ang kinalabasan.   isang masarap na pananghalian para sa mga mahal ko sa buhay. CRABS in COCO-CHILI-GARLIC SAUCE Mga Sangkap: 4 pcs. large size Female Crabs 2 cups Pure Coconut Milk 1 tbsp. Chili Garlic Sauce 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic Salt and pepper ...

ALIMASAG at KANGKONG sa GATA

Image
Bihira lang din kami makapag-ulam ng shell fish o seafoods kagaya ng alimasag.   Una, medyo mahal din ito at pangalawa hindi masyadong click sa aking mga bagets ang pag-kain nito.   Pero sa aking asawa, gustong-gusto niya itong alimasag.   At ano ang masarap na luto dito?   Syempre sa gata.   Nilagyan ko din ng talbos ng kangkong para may gulay naman at makadagdag ng kulay sa kabuuan ng dish.  Idagdag mo pa yung siling pang-sigang na nagbigay ng kaunting kick sa kabuuan ng lasa.   Winner ang dish na ito. ALIMASAG at KANGKONG sa GATA Mga Sangkap: 1 kilo medium size Alimasag (yung babae o bakla para mataba) 3 cups Kakang Gata ng Niyog. Talbos ng Kangkong 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola o kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas...

KINALABASANG MANOK sa GATA

Image
Napapanahon ang dish natin for today.   Kinalabasang Manok sa Gata.   Hehehehe.   Napapapanahon kasi di ba uso ngayong panahon ng undas ang kalabasa?   Hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng gulay na ito, pero marami nito sa mga pamilihan at murang-mura lang ha. May nagbigay sa amin nito ngang kalabasa nitong huling uwi namin sa Batangas.   Yung iba ginawa kong Kalabasa Plan at yung natira ay ito ngang inihalo ko sa Manok na may gata. Masarap ang dish na ito.   Nag-be-blend kasi yung lasa ng kalabasa na medyo manamisnamis at yung pagka-creamy ng gata.   Kung baga, kalabasa pa lang at yung gata ay winner na.   At para lalo pa itong sumarap, nilagyan ko pa ito ng evaporated milk.   Yummy to the max.   Kailangan ng marami pang kanin.   Hehehehehe. KINALABASANG MANOK sa GATA Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 can Coconut Cream 1 cup Evaported Mil...