GINATAANG LANGKA na may TOSTADONG HIPON


First time ko pa lang nakapagluto nitong ginataang langka at masarap pala.   May nakita kasi akong itinitindang nahiwa na  na langka at tamang-tama kako na gataan ito.   Tamang-tama din at may crispy shrimps o tostadong hipon na pasalubong ng asawa kong si Jolly nung nanggaling siya ng Boracay.  Ito kako ang isasahog ko sa ginataang langka.   At ayos naman ang kinalabasan, masarap at malinamnam ang ginataang langka.   Ayos na ayos sa ano mang piniritong isda.    Ubos na naman ang kanin.   Hehehehe


GINATAANG LANGKA na may TOSTADONG HIPON

Mga Sangkap:
1/2 kilo Hiniwang Murang Bunga ng Langka
2 cups Tostadong Hipon
1 thumb size Ginger (cut ito strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
4 pcs. Siling Pang-sigang
2 cups Coconut Milk - Unang piga
3 cups Coconut Milk - Pangalawang piga
3 tbsp. Cooking Oil
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Hugasang mabuti ang hiniwang langka.
2.   Sa isang heavy bottom na kaserola o kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Sunod na ilagay ang tostadong hipon kasama na din ang hiniwang langka.    Halu-haluin
4.   Ilagay na ang gata ng niyog na pangalawang piga at timplahan na din ng asin at paminta.  Takpan at hayaang maluto ag langka.
5.   Kung luto na ang langka ay saka ilagay ang gata ng niyog na unang piga.   Ilagay na din ang siling pang-sigang at timplahan ng maggie magic sarap.   Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa na may kasamang pritong isda.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy