Posts

Showing posts with the label pasta

PENNE PASTA with CREAMY PESTO SAUCE

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraang media noche.  Penne Pasta with Creamy Pesto Sauce. Gusto ng asawa kong si Jolly na ang mga ihahanda namin ay yung bihira lang namin makain.   Naisip kong pesto sauce naman ang ilagay sa pasta dahil nagustuhan namin yung natikman namin na ganito ding luto sa isang Italian restaurant na nakainan namin.   At para mas maging masarap nilagyan ko din ito ng twist.   Nilagyan ko pa ito ng toasted cashiew nuts sa ibabaw to add additional texture.   Also, pinaghalong mozzarela at cheddar ang inilagay kong cheese. PENNE PASTA with CREAMY PESTO SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Penne Pasta (cooked according package directions) 250 grams Cooked Sweet Ham (cut into small pieces) 100 grams Fresh Basil Leaves 1 cup Olive Oil 250 grams Cashiew Nuts 1 cup Mozzarela Cheese 1 cup Cheddar Cheese 2 tetra brick All Purpose Cream 1/2 cup Melted Butter 2 head Minced Garlic 2 pcs. Onion (chopped) 5 clov...

SPAGHETTI MEAT OVERLOAD in ITALIAN SAUCE

Image
Amoy na amoy na natin talaga ang kapaskuhan.   Hindi lamang sa ating mga nakikitang dekorasyon sa mga tahanan, mga daan at maging sa mga mall ay bakas na bakas at dama natin ang nalalapit na pasko. Marami din sa atin ay abalang-abala na sa pag-iisip kung ano ang masarap ihanda para sa ating Noche Buena.   Yung iba gusto ay yung kakaiba at hindi pangkaraniwan nating kinakain.   Yung iba naman gusto yung traditional o classic na inihahanda sa kapaskuhan at ginagawa na lang nilang extra special. Medyo mahirap din na kakaiba yung ihanda.  Una:   baka pumalpak ang pagkakaluto...pangalawa:   baka hindi magustuhan ng mga bata kasi hindi nila kilala yung pagkain... pangatlo:   baka magastos.    Hehehehe So para sa akin okay siguro na yung classic dishes na lang ang ating ihanda pero gawin natin extra special ang sahog at ang pagkakaluto. Kagaya nitong classic spaghetti na ito.  Madali la...

LASAGNA ROLL

Image
Ito po ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Lasagna Roll. First time ko lang itong ginawa.   Yung regular na lasagna yes nakagawa na ako pero itong naka-roll ngayon pa lang talaga. Actually halos pareho lang ang proseso sa pagluluto nito.   Ang pagkakaiba lang, sa halip na i-layer yung lasagna sheets ipinapalaman yung meat at sauce at saka niro-roll.   Importante din na i-top ito ng quick melt cheese at fresh chopped basil leaves.   Yummy!!!! LASAGNA ROLL Mga Sangkap: 10 pcs. Lasagna Pasta 500 grams Ground Pork or Beef 1 can Sliced Mushroom 1/2 cup Tomato Paste 1 cup Quick Melt Cheese 1/2 cup Melted Butter1/2 tsp. Dried Oregano 1/2 tsp. Dried Basil 1/2 tsp. Dried Parsley 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large White Onion (chopped) Salt and pepper to taste For the sauce/garnish: 4 cups Spaghetti Sauce 2 cups Grated Quick melt Cheese 1/2 cup Chopped Fresh Basil Leaves  5 cloves Mi...

MACARONI CHEESE and LUNCHEON MEAT

Image
May pasalubong sa akin na ibat-ibang klase ng pasta ang pamangkin kong si Christian galing ng Abu Dhabi.  Isa na dito ay itong macaroni pasta na ito na sa tingin ko ay mas malalaki kumpara sa mga elbow macaroni na nabibili natin sa pamilihan. Isa lang ang nasa isip ko na gawing luto dito at ito ay itong ngang mac and cheese.   Hinaluan ko na lang din ng luncheon meat para naman may laman-laman at para  mas sumarap pa.  Try nyo din po.  MACARONI CHEESE and LUNCHEON MEAT Mga Sangkap: 500 grams Elbow Macaroni Pasta 1 can Pork Luncheon Meat (cut into cubes) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 small can Evaporated or Fresh Milk 1 tsp. Dried Basil 2 cups Grated Cheese 1/2 cup Melted Butter 1 head Minced Garlic 1 pc. White Onion (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang elbow macaroni according to package directions. 2.   Sa isang non-stick na kawali o wok, i-prito ang luncheon meat sa butter hanggang ...

ROTINI PASTA in ITALIAN SPAGHETTI SAUCE

Image
My family loves pasta.   Kahit ano pa ang kulay ng sauce na ilagay dito ay panalo pa din sa aming lahat.   Kaya naman nung bigyan kami ng iba't-ibang klase na pasta ng aking kapatid na si Ate Mary Ann (padala ng kanyang anak na si Ichan), natuwa ako at may mailuluto na naman akong kakaiba para sa aking pamilya. Nagpa-package kasi ang aking pamangkin na si Ichan na nasa Abu Dhabi.   At marami nga sa laman nito ay mga pasta at kung ano-ano pa.   Tatlong klaseng pasta ang ibinigay sa akin.   Ito ngang Rotini o twisted pasta,  shell pasta at elbow macaroni pasta. In this pasta dish, Italian spaghetti sauce ang aking ginamit.   Luncheon meat naman ang aking isinahog at dinagdagan ko ng maraming grated cheese.   And as expected, nagustuhan ng aking mga anak ang pasta dish na ito. ROTINI PASTA in ITALIAN SPAGHETTI SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Rotini Pasta (Twisted) 1 can Maling Luncheon Meat or Spam (Cut i...

CREAMY TUNA SPAGHETTI

Image
Alam kong marami sa atin ang nag-iisip na kung ano ng masarap na ihanda para sa ating Noche Buena sa darating na Pasko.    Kung may budget okay din lang naman na gumastos tayo dahil minsan lang naman din ito sa isang taon.   Pero kung kaunti lang ang budget pwede naman tayong magluto ng espesyal na pagkain na hindi masyadong magastos at hindi pangkaraniwan nating kinakain. Kagaya nitong Creamy Tuna Spaghetti.    Simple, masarap at hindi masyadong magastos.    Iilan din lang ang mga   sangkap na kailangan.    For sure magugustuhan ito ng inyong pamilya. CREAMY TUNA SPAGHETTI Mga Sangkap: 1/2 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 can Alaska Evaporated Milk (red label) 2 cans Tuna Flakes in Oil 1 cup g...