LASAGNA ROLL

Ito po ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Lasagna Roll.

First time ko lang itong ginawa.   Yung regular na lasagna yes nakagawa na ako pero itong naka-roll ngayon pa lang talaga.

Actually halos pareho lang ang proseso sa pagluluto nito.   Ang pagkakaiba lang, sa halip na i-layer yung lasagna sheets ipinapalaman yung meat at sauce at saka niro-roll.   Importante din na i-top ito ng quick melt cheese at fresh chopped basil leaves.   Yummy!!!!


LASAGNA ROLL

Mga Sangkap:
10 pcs. Lasagna Pasta
500 grams Ground Pork or Beef
1 can Sliced Mushroom
1/2 cup Tomato Paste
1 cup Quick Melt Cheese
1/2 cup Melted Butter1/2 tsp. Dried Oregano
1/2 tsp. Dried Basil
1/2 tsp. Dried Parsley
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Large White Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
For the sauce/garnish:
4 cups Spaghetti Sauce
2 cups Grated Quick melt Cheese
1/2 cup Chopped Fresh Basil Leaves
 5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
2 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang lasagna pasta hanggang sa maluto.   Dapat well-done ang pagkaluto nito.    Pagkahango sa kalan hayaan munang umalsa ang pasta sa pinaglagaan.   I-drain.
2.   Para sa palaman:   Sa isang kawali igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
3.   Sunod na ilagay ang giniling na baboy o baka at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
4.   Sunod na ilagay ang mga herbs.   Dried basil, oregano at parsley.
5.   Ilagay na din ang sliced mushroom1 tomato paste at 1 cup na grated cheese.  Hayaan ng mga 5 minuto na hinahalo.
6.   Tikman at i-adjust ang lasa.   Palamaigin.
7.   For the sauce:   Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
8.   Ilagay na din ang pasta o spaghetti sauce.   Tikman at i-adjust ang lasa.
9.   To assemble:   Sa bawat sheet ng lasagna pasta, maglagay ng tamang dami ng palaman.
10.   I-roll ito at ilagay sa isang baking dish o lalagyan.
11.   Ibuhos ang mainit na sauce sa ibabaw at ibudbod ang quick melt cheese at chopped fresh basil leaves.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy