PANCIT LOMI GUISADO
Nitong huling pagbisita namin sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas nitong nakaraang mahal na araw, hindi maaring hindi ako maka-kain ng paborito kong loming Batangas. Ewan ko ba, solve na solve ako sa kanilang lomi. Kaya naman ng magawi kami ng palengke bago kami bumalik ng Manila, naisipan kong bumili nitong lomi noodles. Actually, hindi ko pa alam noon kung yung may sabaw ang gagawin kong luto dito o yung guisado o parang pancit. Pancit guisado nauwi ang naging luto sa noodles. Pork at gulay ang isinahog at nilagyan din ng kaunting sesame oil para madagdag ng flavor sa noodles. PANCIT LOMI GUISADO Mga Sangkap: 1 kilo Lomi Noodles (Egg noodles) 1/2 kilo Pork Belly 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 100 grams Baguio Beans (sliced) 1 pc. Carrot (cut into strips) Pechay Baguio or Repolyo (sliced) 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste ...