CHICKEN TOCINO SANDWICH

Ako ang nagpre-prepare ng baon ng aking mga anak nila sa school.   Dati lahat sila lunch at snacks ang binabaon.  Pero nitong nag-highschool na yung dalawa (Jake and James), snacks na lang ang ibinabaon nila at ang bunso ko na lang na si Anton ang nagbabaon ng lunch.

Madalas, biscuits at mamon ang pinababaon ko sa kanila.  Pero minsan iginagawa ko din sila ng sandwiches or hamburgers.  Nitong isang araw, naubusan ako ng pwedeng ipalaman para sa kanilang sandwiches.   Ang ginawa ko, nakita ko itong natirang chicken tocino na ulam namin nung isang araw at ginawa ko itong parang chicken salad.   Nakakatuwa dahil nagustuhan naman ito ng aking mga anak.  


CHICKEN TOCINO SANDWICH

Mga Sangkap:
2 cups Chicken Tocino (cut into small pieces)
1 cup grated Cheese
1 cup Mayonaise
1 tbsp. Sweet Pickle Relish
Salt and pepper to taste
Loaf or White Bread

To assemble:
1.   Sa isang bowl, paghaluin lang ang lahat na mga sangkap maliban sa loaf bread.
2.   Tikman at i-adjust ang lasa.
3.   Ipalaman ito sa loaf o white bread.  

Pwede din i-toast ng bahagya bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy