TINAPA FRITTERS (Tortang Tinapa)
Ito po yung sinasabi ko sa previous post ko na isa pang dish na niluto ko sa Batangas. Tinapa Fritters o Tortang Tinapa. Dapat sana ay bola-bola ang gagawin ng helper ng aking byenan pero naki-alam nga ako at ito ang ginawa kong bersyon. Hehehehe. Masarap siya. Malasa at tamang-tama sa misua soup na akin ding niluto. Nakakatuwa nga dahil nagustuhan ng aking biyenan ang aking niluto. Naka-dalawang balik ng kanin eh. hehehehehe TINAPA FRITTERS (Tortang Tinapa) Mga Sangkap: Tinapang Bangus o Galunggong Itlog Harina Puting Sibuyas (chopped) Maggie Magic Sarap Asin at paminta Cooking Oil for Frying Note: Hindi ko na po nilagyan kung gaano karami ang mga sangkap dahil depende na po ito sa dami ng tinapa na hihimayin. Paraan ng pagluluto: 1. Himayin ang tinapa at tiyakin na wala na itong tinik. 2. Sa isang bowl batihin ang itlog at ihalo ang harina. 3. Timplahan ng...