ENSELADANG TALONG na may ITLOG NA MAALAT at BAGOONG


Kahit napakainit ng panahon at kung pwede lang ay sa loob ka na lang ng isang kwartong may aircon maglagi, hindi napigilan na magluto at gumawa ako nitong enseladang inihaw na talong.   Ewan ko ba, parang nag-crave ako dito nitong nakaraang mga araw.

At para makumpleto ang aming pang-ulam, nag-prito ako ng galunggong.  Yung maliliit lang.  Pinirito ko ito na tustado at swak na swak sa enseladang ginawa ko.  Kahit nga ang anak kong si Jake ay naka-dalawang balik ng kanin sa ulam naming ito.   Hehehehe.


ENSELADANG TALONG na may ITLOG NA MAALAT at BAGOONG

Mga sangkap:
4 pcs. Talong
3 pcs. Itlog na maalat
3 pcs. Kamatis (cut into small cubes)
1 medium size White Onion (chopped)
2 tbsp. Bagoong Alamang (sweet style)

Paraan ng pagluluto:
1.  I-ihaw ang talong at alisin ang balat.   Hiwain sa nais na laki at ilagay sa isang bowl.
2.  Hiwain din ang itlog na maalat sa nais na laki.  Ihalo ito sa inihaw na talong.
3.  Isama na din ang hiniwang sibuyas at kamatis at ilagay na din ang bagoong alamang.  Haluing mabuti.

Ihain kasama ang pabirito ninyong pritong isda.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy