Posts

Showing posts with the label review

BIRTHDAY DINNER with MY LOVE ONES

Image
It was my 46th Birthday last September 12, hindi katulad ng mga nakaraan kong kaarawan, hindi ako naghanda for this year.   Nag-pancit lang ako para almusal namin that day at yun na yun.   Hindi ba nga medyo dumadaan ako sa isang pagsubok sa aking kalusugan at sa aking finances?   Salamat sa aking asawang si Jolly at pinakain niya kaming mag-aama ng isang espesyal na hapunan. Hindi na kami lumayo pa.   Sa isang bagong mall malapit sa aming tahanan kami nagpunra.   Hindi ko na babanggitin pa yung mall at baka sumikat pa.   Hehehehe.   Bago kami kumain ay nag-ikot-ikot muna kami at pumili kung saan nga kami makakapaghapunan.   At napili na nga namin ang Mann Hann Restaurant. Halo ang mga food na sine-serve nila.   May Pilipino, Japanese, Chinese at iba pa.   Ang maganda pa dito, reasonable yung presyo nila at madami ang serving. Favorite naming lahat ang pork siu mai.  ...

A NIGHT with GREAT MOMS and DELICIOUS FOOD

Image
Last Sunday May 13, 2012 was Mother's Day.   Isang araw bago ito ay umuwi nga kami ng Batangas para sa alayan ng bulaklak para kay Mama Mary.   Sunday ng tanghali naunang bumalik ang aking asawang si Jolly sa Manila dahil may work pa siya.   Sa hapon naman ako umuwi. Hindi ko sinabi sa kanya na dadaanan ko siya sa work niya para mag-dinner kami in celebration nga ng Mother's Day.   Nung malapit na ako sa Makati, tinext niya ako na nagkayayaan sila ng kanyang mga katrabaho na mag-dinner sa labas.   At yun na nga ang nangyari, ako ang nalibre sa dinner.   hehehehe.   Ofcourse hindi ko naman nakalimutan ang flowers para sa kanya. Sa Modern China restaurant sa Glorietta 4 sa Ayala Center sila napagpasyahang kumain.   Maganda yung place and puno talaga nung dumating kami. Set-menu ang in-order nila.   Kilala din pala sila nung executive chef ng restaurant na yun.   Kaya naman bukod...

AN AMAZING NIGHT with MY WIFE and FRIENDS

Image
Last Saturday May 5, 2012, nagkayayaan kami ng aking mga kaibigan at kapitbahay na sina Ate Joy  at Nelson na manood ng Amazing Show sa Manila Film Center sa PICC complex.   May nabili kasi kami na discounted ticket for the show at sinamantala na namin ito para makapanood. Ang Amazing Show ay isang pagtatanghal ng mga gay ng ibat-ibang sayaw mula sa ibat-ibang bansa.   Ang maganda dito, babaeng-babae talaga ang itsura ng mga performer.   Hindi mo talaga mahahalata na mga gay sila. 8:00pm ang start ng show at bago kami pumasok sa loob ng tanghalan, ay nag-picture-picture muna kami kasama ang welcoming staff.   Napag-alaman din namin na Korean pala ang producer ng show at magsa-sampung taon na din sila na nagtatanghal sa Manila Film Center na yun. Amazing nga ang pagtatanghal lalo na ang mga costumes at design ng stage.   Talagang masasabi mong world class. Hindi ako nakakuha ng picture ng mga pagtatanghal, bawal kasi...

SHANGHAI BISTRO @ PASEO CENTER Makati

Image
Dahil sa gift check na bigay sa akin ng kumpanyang pinapasukan ko ang Megaworld Corporation, nagkaroon ulit kami ng pagkakataon ng aking pamilya na makapag-dinner sa Shanghai Bistro sa Paseo Center sa Makati. Ang Shanghai Bistro ay isang Chinese restaurant na nagse-serve ng mga authentic na chinese dishes na nagmula pa sa Shanghai China. Ang pagka-alam ko, galing pa mismo ng China ang kanilang mga Chef at talagang authentic ang mga dishes na sine-serve nila dito. Ilang beses na din ako naka-kain dito. At bawat pag-bisita ko ay talaga namang satisfy ako sa aking mga nakain. Una naming in-order ay itong Pork and Shrimp Siu Mai. P105 ang per order nito (medyo may kamahalan). Apat na order ang aking kinuha komo paborito ito ng aking mga anak at asawa. Ang larawan sa itaas ay Suckling Pig Combination. Mayroon itong slices ng pork, beef, century egg, seaweeds and ofcourse yung suckling pig nga. Masarap ito. Lahat nagustuhan ko. Next ay itong Beef Brocolli. Sabi ng nag-serve ...