AN AMAZING NIGHT with MY WIFE and FRIENDS
Last Saturday May 5, 2012, nagkayayaan kami ng aking mga kaibigan at kapitbahay na sina Ate Joy at Nelson na manood ng Amazing Show sa Manila Film Center sa PICC complex. May nabili kasi kami na discounted ticket for the show at sinamantala na namin ito para makapanood.
Ang Amazing Show ay isang pagtatanghal ng mga gay ng ibat-ibang sayaw mula sa ibat-ibang bansa. Ang maganda dito, babaeng-babae talaga ang itsura ng mga performer. Hindi mo talaga mahahalata na mga gay sila.
8:00pm ang start ng show at bago kami pumasok sa loob ng tanghalan, ay nag-picture-picture muna kami kasama ang welcoming staff. Napag-alaman din namin na Korean pala ang producer ng show at magsa-sampung taon na din sila na nagtatanghal sa Manila Film Center na yun.
Amazing nga ang pagtatanghal lalo na ang mga costumes at design ng stage. Talagang masasabi mong world class.
Hindi ako nakakuha ng picture ng mga pagtatanghal, bawal kasi at nasabihan gdin ako ng asawa kong si Jolly. hehehehe
Pagkatapos ng pagtatanghal na umabot din ng mahigit 1 oras, lumabas sa lobby ang mga performer at napapaunlak naman ng picture sa mga nanood.
Masaya kami lumabas ng Manila Film Center that night. At after mabusog ang aming mga mata, ay napagpasyahan namang busugin ang aming mga tiyan. At doon napagkasunduang sa Dampa sa Macapagal kami kumain.
Sa Aling Tonyangs Paluto kami nagpaluto at kumain. Suki na daw dito ang kasama naming si Ate Joy. Namili muna kami sandali sa katabing pamilihan at naghintay na kami na kumain sa loob ng restaurant.
Shrimp in Butter ang isa sa mga pinaluto namin. Manamisnamis ito at talagang naubos namin. hehehe
Meron ding crispy calamares. Tamang-tama ang pagkaluto.
Meron ding inihaw na tuna belly.
At sinigang na ulo ng maya para sa may sabaw.
Busog na busog kaming umalis sa restaurant na yun at napagpasyahan namang pumunta ng bay side ng Mall of Asia para magpababa ng kinain.
Kahit na 12 midnight na nung mga oras na yun ay marami pa ring tao ang namamasyal. Bumili lang kami ng pampalamig at kape naman para sa asawa kong si Jolly, sinamyo namin ang hangin ng Manila Bay.
At sa sinag ng Super Moon ng gabing iyon, masaya kaming umuwi na busog ang aming mga mata ng tiyan sa isang gabing amazing talaga.
Sana maulit muli ang mga pagkakataong ganito.
This is my entry for:
Comments