Posts

Showing posts with the label HONEY

CRISPY CHICKEN THIGH FILLET with HONEY-LEMON-BUTTER GLAZE

Image
Basta Fried Chicken it's always a treat para sa aking 3 anak.   Kaya naman laging nasa menu ko ito basta ako ay namamalengke.   At para hindi naman sila magsawa, nilalagyan ko ito ng iba't-ibang flavor.    Flavor sa pang-marinade sa chicken o kaya naman ay sa sauce na ilalagay.   Minsan din in both. Tamang-tama nang makabili ako sa supermarket nitong chicken thigh fillet.   Maganda kasi ang cut nito at tamang-tama din yung balat na naka-kabit sa laman.   Sa isip ko, tamang-tama ito sa dish na ito na aking gagawin.   At yun na nga, isang masartap na Crispy Chicken Thigh Fillet with Honey-Lemon-Butter Glaze ang kinalabasan. CRISPY CHICKEN THIGH FILLET with HONEY-LEMON-BUTTER GLAZE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet 1 pc. Lemon (get also the zest) 1 cup Flour 1 cup Cornstarch 1 cup Honey Bee 2 tbsp. Brown Sugar 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Red Onion (chopped) 1/2 cup Melted Butter Salt an...

HONEY GARLIC FRIED CHICKEN WINGS

Image
Nitong nakaraan kong kaarawan, nag-order ang asawa kong si Jolly ng Honey Garlic Chicken sa kanyang ka-trabaho para pandagdag sa aking mga inihandang pagkain.   Madami daw kasi akong guest na pupunta.   Hehehehe. Nagustuhan ko ito at naisip ko talaga na gayahin ito with my own version.   HIndi ko na tinanong o hiningi ang recipe sa nagluto kung papaano niya ito ginawa.   Habang kinakain ko ito nire-re-construct ko na lang ito sa aking isip sabay isip na din kung papaano ko ito gagawin naman. Masarap ang kinalabasan ng aking version.   Tamang-tama yung lasa ng garlic at yung naghahalong alat at tamis naman ng honey.   Try nyo din po. HONEY GARLIC FRIED CHICKEN WINGS Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Wings 1 tbsp. Garlic Powder 1 cup Cornstarch Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying For the glaze: 2 heads Minced Garlic 2 tbsp. Butter 1 cup Pure Honey Bee Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang chicken w...

CRISPY CHICKEN with HONEY-GARLIC GLAZE

Image
Uso ngayon itong crispy fried chicken na nilagyan ng glaze na may iba-ibang flavor.   Actually, dati na ito na nabuhay muli dahil sa commercial ng isang fastfood giant na nagkaroon na din ng ganitong klase ng fried chicken. Well, masarap naman talaga itong fried chicken na nilagyan pa ng glaze.  Di na kailangan pa ng sawsawan o gravy habang kinakain ito.   Yun lang parang natatabunan na ng flavor ng glaze ang sarap ng chicken.   Pero anu pa man, mainam ito para sa mga anak natin na masyadong pihikan sa mga ulam na inihahanda natin.   Try nyo din po. CRISPY CHICKEN with HONEY-GARLIC GLAZE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Wings and Drumsticks 1 pc. Lemon or 8 pcs. Calamansi 2 cups Rice Flour Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying For the Glaze: 1 cup Pure Honey 1 tsp. Chili-Garlic Sauce 1 head minced Garlic Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang manok sa katas ng lemon o calamansi, asin at...