HONEY GARLIC FRIED CHICKEN WINGS

Nitong nakaraan kong kaarawan, nag-order ang asawa kong si Jolly ng Honey Garlic Chicken sa kanyang ka-trabaho para pandagdag sa aking mga inihandang pagkain.   Madami daw kasi akong guest na pupunta.   Hehehehe.

Nagustuhan ko ito at naisip ko talaga na gayahin ito with my own version.   HIndi ko na tinanong o hiningi ang recipe sa nagluto kung papaano niya ito ginawa.   Habang kinakain ko ito nire-re-construct ko na lang ito sa aking isip sabay isip na din kung papaano ko ito gagawin naman.

Masarap ang kinalabasan ng aking version.   Tamang-tama yung lasa ng garlic at yung naghahalong alat at tamis naman ng honey.   Try nyo din po.


HONEY GARLIC FRIED CHICKEN WINGS

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Wings
1 tbsp. Garlic Powder
1 cup Cornstarch
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
For the glaze:
2 heads Minced Garlic
2 tbsp. Butter
1 cup Pure Honey Bee

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang chicken wings sa asin, paminta at garlic powder.   Hayaan ng ilang sandali.   Overnight mas mainam.
2.   Ilagay ang minarinade na manok sa isang plastic bag kasama ang cornstarch.   Alaug-alugin ito hanggang sa ma-coat ng cornstarch ang lahat na piraso ng manok.
3.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang balat.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
4.   For the glaze:   I-prito ang bawang sa kawali na may butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
5.   Sunod na ilagay ang pure honey bee.  Make sure na mahina lamang ang apoy para hindi agad ito masunog.
6.  Kapag kumulo na ilagay ang piniritong chicken wings at halu-haluin hanggang sa ma-coat ng honey ang bawat piraso ng manok.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong bawang na ginawa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Dennis said…
Try mo ding iluto ito Jason ha.....

Dennis
Faith said…
Hi Sir! Maraming salamat sa pagse share nyo ng recipe Ü tanong ko lang po kung san kayo nakabili ng honey. Thanks!!!
Dennis said…
Sa mga malalaking supermarket kagaya ng SM or Robinson. MInsan sa mga palengke meron din.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy