Posts

Showing posts with the label salad

CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL

Image
Ito ang isa sa mga inihanda ko nitong nakaraan naming media noche.   Crab Stick and Cucumber Spring Roll. Actually, marami na din akong na-post na recipe nito sa archive.   Minarapat ko lang na i-post ulit with the latest picture para sa mga bago pa lang na sumusubaybay sa food blog kong ito.   Mayroon ding nag-message sa akin na i-post ko nga daw ang recipe para magaya niya. Madali lang naman ang appetizer na ito.   Ang mahirap ay yung pag-hanap ng mga sangkap at yung mismong pag-assemble.   Kapag hindi ka kasi mabilis sa pag-roll masisira o mapupnit lang yung wrapper. Pero winner talaga ang spring roll na ito.   Hina-hanap-hanap talaga sa akin ito kapag may espesyal na okasyon sa amin.   Try nyo din po. CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL Mga Sangkap: Rice Paper Crab Sticks (cut into strips) Cucumber (cut into strips) Romaine Lettuce Cashiew Nuts (durugin) For the sauce:Mayonaise All Purpose Crea...

FRESH SISIG SALAD ROLL

Image
Ito po yung dish na inilaban ko at naging finalist sa nakaraang Lady's Choice Real Chef Challenge last November 25, 2015 sa Glorietta 3 Ayala Center, Makati City. Para makasali sa contest na ito, magsa-submit ka ng iyong recipe sa kanilang web application at kasama yun ay ang entry code na makikita naman sa 5.5 lbs. container ng Lady's Choice. Hindi ko akalain na mapapasama ako sa contest na ito.   Mas lalo pang lumakas ang akign kaba ng ma-meet ko na ang iba pang kasali sa finals na puro chef talaga.   Ako lang ang kasali sa finals na hindi chef.   Kaya naman hindi na ako umasa pa na maipapanalo ko ang laban na ito.  Pero ganu pa man ibinigay ko pa din ang aking best. FRESH SISIG SALAD ROLL Mga Sangkap: Cooked Pork Sisig Romaine Lettuce Rice Paper Crab Sticks (cut into strips) Carrots (cut into strips) Cucumber (cut into strips) Sotanghon noodles (boiledthen sprinkle with sesame oil) Cilantro Sesame Oil For the Sauce: 1 cup ...

CHICKEN and BABY POTATO SALAD

Image
Ito ang isa pang dish na niluto ko nitong nakaraang kaarawan ng pangalawa kong anak na si James.   Chicken and Baby Potato Salad. Favorite ko ang chicken potato salad.   Kaya nga basta may pagkakataon ay nagluluto ako.   Hinahaluan ko din ito ng cashew nuts para magkaroon ng ibang texture at lasa habang kinakain. Simple lang ang version kong ito ng potato salad.   Ilan din lang ang sangkap na ginamit ko pero punong-puno pa rin ito ng sarap.   Ito pa lang a isang busog na sa akin.  hehehe CHICKEN and BABY POTATO SALAD Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 2 pcs. Whole Chicken Breast Fillet 1 large Carrot (cut into cubes) 2 cups Salted Cashew Nuts 2 cups Mayonaise Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang manok sa isang kaserolang may tubig at kaunting asin. 2.   Kapag naluto na ang manok, hanguin ito sa isang lalagyan lutuin naman sa parehong pinagpakuluan ang...

MELON and MANGO JELLY SALAD

Image
Sobrang init talaga ng panahon dito sa Pilipinas.  Wala ka talagang masulingan kung papaano maiibsan ang init na ating nararamdaman.   Hindi naman pwedeng maghapon nakabukas ang aircon o electric fan at baka mahimatay naman tayo sa laki ng ating babayarang kuryente.  Kahit sa pagluluto at pagkaing ating kakainin, mainam na konting effort lang ang magagamit para hindi tayo masyadong mapagod dahil sa init.   Also, mainam na yung kakainin natin ay yung refreshing o kahit papaano ay nakakabawas ng init na ating nararamdaman. Kagaya nitong recipe natin for today.   Isang simpleng salad o dessert na tamang-tama sa mainit na panahon.   At isa pa, napapanahon ang mga sangkap na gagamitin. In this recipe, yung melon lang ang tunay na prutas na aking ginamit.   Yung mangga ay flavor lang from an instant juice powder.  Pero wag ka parang tunay na mangga din ang kinalabasan.   Try nyo din po.  Masarap talaga. ...

BABY POTATO SALAD with HAM and CASHEW NUTS

Image
Hehehehe...Bumili na naman ng baby potatoes ang aking asawang si Jolly.   Ibig sabihin nun ay gusto niya ulit na magluto ako nito. The last time nanagluto ako nito ay carbonara sauce ang aking ginamit.   This time siguro mas masarap kung mayonaise naman. Chicken breast sana ang aking ilalahok kaso nalimutan kong bumili nito nung mag-grocery kami.   Kaya naisipan kong sliced ham na lang ang aking ilagay.   At para dagdag sarap sa kabuuan, nilagyan ko din ito ng cashew nuts, celery at carrots.   Yummy talaga...hehehe. BABY POTATO SALAD with HAM and CASHEW NUTS Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (hugasan na mabuti at hatiin sa dalawa) 1 pc. Large Carrot (cut into cubes) 2 cup Lady's Choice Mayonaise 300 grams Sweet Ham (cut into small pieces) 100 grams Cashew Nuts 2 cups Chopped Celery (yung tangkay lang) 1 pc. Pork or Chicken Cube Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang patatas at car...

CHICKEN POTATO SALAD

Image
Paborito ng asawa kong si Jolly ang baby potatoes.   Kahit anong luto dito ay gusto niya.   Kaya naman kapag nagke-crave siya dito bumibili siya nito at pinapaluto sa akin. This time yung pinaka-simpleng luto ang aking ginawa.   Chicken Potato Salad.   Ang pinaka-tip sa version kong ito ay yung paglalaga ng patatas sa pinaglagaan ng manok.    Sa pamamagitan nito, nagkakaroon din ng flavor ng manok ang mismong patatas.   Try nyo din po. CHICKEN POTATO SALAD Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (kung medyo malalaki ang piraso, hatiin sa gitna) 2 cups Ladies Choice Mayonaise 1 whole Chicken Breast 1 large Carrot (cut into cubes) 1 medium size White Onion (chopped) 2 cups Celery Stalks (cut into small pieces) Salt and pepper to taste Romaine Lettuce Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang chicken breast sa kaserolang may tubig at asin,. 2.   Kung luto na ang manok, ihalo dito ang hiniwang ...

WALDORF SALAD

Image
Ito  ang salad dish na ginawa nitong nakaraang Noche Buena.   Waldorf Salad.   Noche Buena ng 2013 ako unang nakagawa ng ganito at komo nagustuhan ng marami naisipan kong ihanda ulit ito nitong Noche Buena 2014 naman. Medyo magastos o medyo mahal ang mga sangkap nito.   Pero okay lang.   Espesyal naman ang okasyon at bihira lang naman kami nakakakain ng ganito. WALDORF SALAD Mga Sangkap: 8 pcs.  Red and Green Apples (cut into cubes) 300 grams Chicken Breast (boiled then cut into cubes) 1 cup Celery (cut into small pieces) 250 grams Seedless Grapes (cut into half) 4 cups Mayonaise 1 cup Toasted Walnut Romaine Lettuce 1/2 Lemon Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang chicken breast sa tubig na may kaunting asin at paminta.   Palamigin at hiwain ng pa-cubes. 2.   Hiwain ang mansanas ng pa-cubes at ilagay sa tubig na may kaunting suka.   Gawin ito para hin...

BABY POTATOES & CRAB STICKS in MAYO-CURRY DRESSING

Image
Paborito ng asawa kong si Jolly ang baby potatoes.   Marami-rami na rin akong nagawang recipe para dito. At nito ngang huling pag-go-grocery niya ay nakabili ulit siya nito at eto na nga at ginawa kong salad. This time crab sticks o kani ang aking nilagay na sahog bukod pa sa cashiew nuts at celery.   Also, bukod sa mayonaise, hinaluan ko din ito ng curry powder para dumagdag sa flavor ng mayonaise.   Ang sarap ng salad na ito, tamang-tama na pampagana lalo na sa nalalapit na Noche Buena.   Try nyo din po. BABY POTATOES & CRAB STICKS in MAYO-CURRY DRESSING Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 15 pcs. Crab Sticks (himayin ng pahaba) 75 grams Toasted Cashiew Nuts 3 stalks Celery (cut into small pieces) 2 cups Lady's Choice Mayonaise 1 tsp. Curry Powder 2 pcs. Knorr Chicken Cubes Freshky Ground Black Pepper Salt to taste   Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang baby potatoes sa kaserolang may kaunti...

CHICKEN and BABY POTATO SALAD

Image
Paborito ng aking asawang si Jolly at ng aming mga anak ang baby potato salad.   Kaya naman basta may pagkakataon ay gumagawa ako nito para sa kanila. Madali lang naman magluto o gumawa nitong enseladang ito.   Basta paghalu-haluin mo lang ang mga nasi mo na sangkap...lagyan ng dressings ay okay na. May ilang recipes na din ako nito sa archive.   Ang pagkakaiba lang nito ay ang mga sangkap na akin pang idinagdag sa kabuuab ng dish.   Sinamahan ko pa kasi ito ng celery at pineapple tidbits.   At okay naman ang kinalabasan, masarap at ubos agad ang aking ginawa.   hehehehe CHICKEN and BABY POTATO SALAD Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 400 grams Chicken Breast Fillet (cut into cubes) 2 cups Lady's Choice Mayonaise 2 tangkay Celery (cut into small cubes) 1 large Carrot (cut into cubes) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang kaserola pakuluan ang baby potatoes, chicken ...

ENSELADANG KAMATIS at ITLOG NA MAALAT na may TUSTADONG TINAPA

Image
Minsan ang mga pagkaing patapon na o yung my leftover ay nagagawan pa natin ng paraan para ma-recycle.   Dapat naman.   Sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon ang pag-aaksaya sa pagkain ay isang malaking NO. Kagaya nitong enselada na ito na aking inihanda para almusal.   Yung tinapa na inilagay ko ay tira-tira ng nakaraan naming almusal.   At nang hinimay ko ito at tinusta sa kawali ang laki ang isinarap sa enseladang itlog na maalat na ito na may kamatis.   Highly recommended ko ito sa lahat. ENSELADANG KAMATIS at ITLOG NA MAALAT na may TUSTADONG TINAPA Mga Sangkap: 8 pcs. Tinapang Galunggong o 2pcs. Tinapang Bangus 6 pcs. Itlog na Maalat (Balatan at hiwain sa apat) 8 pcs. Kamatis (sliced) 2 tbsp. Olive Oil 2 tbsp. Patis 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang hinimay na tinapa hanggang sa matusta.   Mainam yung crispy pero hindi naman sunog. 2....

HAM and BABY POTATO SALAD

Image
Siguro ang pinakamadaling gawin na dish ay itong salad.   Basta kasi paghalu-haluin mo lang ang mga sangkap, lagyan mo ng dressings okay na.  Yung iba may kaunting luto din. Pero papaano ba gumawa ng isang salad kagaya nitong potato salad na ginawa ko na mapapasarap mo talaga gamit lamang ang kaunting mga sangkap.  Yun ang gusto kong i-share sa inyo sa post ko na ito. Kung gagawa ka ng potato salad, mainam na pakuluan o lutuin mo ang patatas sa sabaw na pinaglagaan ng manok o baboy.   Manok kung chicken ang sahog mo pang iba sa potato at baboy naman kung ham ang ilalagay mo kagaya nitong nasa picture.   Kung manok, sinasabay ko na ang laman o pitso ng manok sa paglalaga ng patatas.   Pwede din naman na chicken or pork cubes ang gamitin.   Concetrated na din naman kasi ang lasa nito. Sa pamamagitan ng ganitong proseso mas nabibigyan natin ng lasa ang patatas na gagamitin.   So kahit kaunti lang ang laman na il...

CHICKEN and BABY POTATO SALAD

Image
Paborito ko ang chicken potato salad.   Dapat sana isa ito sa mga ihahanda ko nitong nakaraang Noche Buena pero mas pumabor ang asawa kong si Jolly na yun ngang Waldorf Salad ang aking gawin.   Kaya naman nitong nakaraang linggo hindi ko na pinalampas na gumawa nito nang makita ko itong baby potatoes na nabili ng asawa ko bago mag-new year. Simple lang ang salad dish na ito.  Ang gusto kong i-share sa dish na ito ay yung pagpapakulo ng patatas at carrots sa broth o sa pinaglagaan ng manok.   Mainam na ganun para lumasa yung flavor ng manok sa patatas.   Also, nilagyan ko din ito ng cashiew nuts.   Nakakadagdag ito sa texture ng dish.  Yun bang may kaunting crunch kang mangunguya habang kinakain mo ito.   Ang sarap talaga.   Kaya naman ubos agad ito sa aking mga anak. CHICKEN and BABY POTATO SALAD Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 2 pcs. Carrots (balatan and cut into cubes) 2 tangk...

GINISANG TINAPANG BANGUS at ITLOG NA MAALAT

Image
Alam kong umay na umay pa din kayo sa mga natira nyong handa nitong nakaraan nating Media Noche, kaya minarapat kong pampatanggal umay muna ang i-post kong dish para sa araw na ito. Actually, bago mag-Pasko ko pa ito nagawa at naluto.   Umuwi kasi ako sa amin sa Bocaue Bulacan at nang pabalik na ako ng Manila ay pinabaunan ako ng aking kapatid na si Shirley ng isang malaking tinapang bangus. Unang kita ko pa lang sa tinapang bangus ay dish na ito agad ang aking naisip.   Masarap itong pang-ulam sa almusal at pwede din siguro na side dish o pangulam din sa tanghalian at hapunan.   Tingin ko din ay pwede itong ipalaman sa lumpia wrapper at pagkatapos ay i-prito.   Sigurado akong panalo ito sa mga makakakain.   Try nyo din po. GINISANG TINAPANG BANGUS at ITLOG NA MAALAT  Mga Sangkap: 1 whole Boneless Tinapang Bangus (himayin ang laman) 4 pcs. Itlog na Maalat (hiwain ng maliliit) 4 pcs. Kamatis (hiwain din ng maliliit) 1 ...

WALDORF SALAD

Image
Ito ang isa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan naming Noche Buena.   Waldorf Salad. Nung um-attend kasi ng Christmas party nila ang asawa kong si Jolly, ito ang isa din sa mga pagkain pinagsaluhan nila.   Nag-uwi siya nito sa bahay at nagustuhan ko talaga.   Masarap.  Kaya naman naisipan kong gumawa din nito para sa aming Noche Buena. Akala ko noong una sa Germany ito nag-origin.  Kasi parang German ang pangalan...hehehehe Pero nung i-check ko ito sa Google, sa New York pala ito nag-simula.   Sa Waldorf Astoria Hotel.   Sa original recipe, fresh apple, walnut, celery at mayonaise lang ang mga sangkap nito.   Pero habang nagtatagal ay nadagdagan na din ito ng chicken o turkey, ubas at iba pa. Try nyo din po.  Ayos na ayos ito para sa inyong Media Noche. WALDORF SALAD Mga Sangkap: 8 pcs.  Red and Green Apples (cut into cubes) 300 grams Chicken Breast (boiled then cut into cubes) 1 cup Cel...

CHICKEN LETTUCE and CUCUMBER SPRING ROLL

Image
Isa pang version ng paborito kong spring roll gamit ang rice paper.   This time, nilahukan ko naman ng crispy chicken fillet at mayonaise.   Actually, pwede din na i-grill yung chicken fillet at hiwain ng pa-strips. Kagaya ng sandwich, pwede din kahit ano ang ilagay sa spring roll na ito.   Tandaan lang na dapat ay medyo malasa ito para mag-compliment dun sa lettuce at sa pipino.   Winner ito may sauce o dip man o wala.   Mainam na starter sa mga espesyal o kahit ordinaryong okasyon.   Try nyo din po. CHICKEN LETTUCE and CUCUMBER SPRING ROLL Mga Sangkap: Rice Paper Chicken Breast Fillet (pitpitin gamit ang kitchen mallet) Romaine LettucePipino (cut into strips) Mayonaise Calamansi or Lemon Salt and pepper to taste Egg Japanese Breadcrumbs Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin, paminta at katas ng calamansi ang pinitpit na chicken breast fillet.  Hayaan ng ilang sandali. 2...

ENSELADANG TALONG na may MANGGA, ITLOG na MAALAT at BAGOONG

Image
Parte na ng hapag kainan nating mga Pilipino ang sawsawan at mga side dish na itine-terno natin sa ating mga main dish o pang-ulam.  May kilala nga ako hindi daw siya makakain ng ayos kapag walang patis sa tabi niya habang kumakain.   hehehehe.   Sabagay, kaya-kanya lang yan.   Yung iba naman hindi makakaing mabuti ng walang sabaw kung prito ang pang-ulam.   hehehehe. Itong recipe natin for today ay isang enseladang madali lang gawin.  Yun lang sigurong pagiihaw at pagbabalat ng talong ang medyo mage-effort tayo.   And yes, may post na ako ng halos katulad nito.   ang pagkakaiba lang ay ang pagdadagdag ko ng hilaw na mangga na lalong nagpa-sarap sa enseladang ito.   Ito pala ang itinerno ko sa pritong galunggong na iniulam namin nitong isang araw lang.    Yummy!!!   Try nyo din po. ENSELADANG TALONG na may MANGGA, ITLOG na MAALAT at BAGOONG Mga Sangkap: 4 pcs. Talong 5 ...

ENSELADANG TALONG na may ITLOG NA MAALAT at BAGOONG

Image
Kahit napakainit ng panahon at kung pwede lang ay sa loob ka na lang ng isang kwartong may aircon maglagi, hindi napigilan na magluto at gumawa ako nitong enseladang inihaw na talong.   Ewan ko ba, parang nag-crave ako dito nitong nakaraang mga araw. At para makumpleto ang aming pang-ulam, nag-prito ako ng galunggong.  Yung maliliit lang.  Pinirito ko ito na tustado at swak na swak sa enseladang ginawa ko.  Kahit nga ang anak kong si Jake ay naka-dalawang balik ng kanin sa ulam naming ito.   Hehehehe. ENSELADANG TALONG na may ITLOG NA MAALAT at BAGOONG Mga sangkap: 4 pcs. Talong 3 pcs. Itlog na maalat 3 pcs. Kamatis (cut into small cubes) 1 medium size White Onion (chopped) 2 tbsp. Bagoong Alamang (sweet style) Paraan ng pagluluto: 1.  I-ihaw ang talong at alisin ang balat.   Hiwain sa nais na laki at ilagay sa isang bowl. 2.  Hiwain din ang itlog na maalat sa nais na laki.  Ihalo ito sa inihaw na talong. 3....

CRAB SALAD SPRING ROLL

Image
Ito yung isa sa mga pagkaing inihanda namin nung nag-birthday ang aking mother in-law na si Inay Elo.   Ang asawang kong si Jolly ang nag-request nito.   Nabitin kasi kami noong kumain kami nito sa Pizza Hut noong Father's Day.   hehehehe. Actually, may nagawa na akong ganito sa archive.   Ang pagkakaiba lang nito ay nilagyan ko pa ito ng manggang hinog at cashew nuts.  Mas masarap ang version kong ito dahil dun sa sarap at tamis ng mangga.   Kahit ang mga bisita ay nagustuhan ang spring roll na ito.  Kakaiba kasi sa paningin nila at masarap talaga. Medyo kinulang ako sa rice paper na nabili ko.  Kaya ginawa ko na lang salad ang natira pang mga sangkap.   Yung sauce sa spring roll ang ginam it kong dressing at masarap din ang kinalabasan.   Ito nga din lang ang kinain ko bukod pa sa lechon.   Hehehehe. CRAB SALAD SPRING ROLL Mga Sangkap:  (Wala akong inilagay ku...

ENSELADANG SINGKAMAS at PIPINO

Image
Sa post ko kahapon tungkol sa nakaraan naming summer outing sa White Rock sa Subic Zambales, nabanggit ko ang mga pagkain na aming kinain at isa na doon itong enseladang singkamas. Nagustuhan ko siya.   Tamang-tama sa mga prito o inihaw na isda man, baboy o manok.   Kaya naman nang umuwi ako sa Batangas para dalawin ang aking mga anak, naisipan kong gumawa din nito para i-terno sa pritong tilapia na aking lulutuin. Bukod sa singkamas, nilagyan ko din ito ng pipino na lalo pang nagpa-sarap sa kabuuan ng enselada.   At sa pinaghalong suka, paminta, asin at asukal, naging tunay na masarap at nakakagana ang inyong pagkain.  Try nyo din. ENSELADANG SINGKAMAS at PIPINO Mga Sangkap: 1 pc. large size Singkamas cut into strips 1 pc. medium size Pipino cut also into strips 3pcs. Tomatoes sliced 1 cup Cane Vinegar 2 tbsp. White Sugar 1 tsp. Rock Salt 1/2 tsp. ground Black Pepper Paraan ng paghahanda: 1.   Sa isang bowl paghaluin ang...

ENSELADANG PAHUTAN with SALTED EGG

Image
Na-try nyo na ba ang enseladang pahutan?   Well, dapat matikman nyo din.   Yun lang may kahirapan na humanap ng manggang pahutan lalo na dito sa Manila.   Pwede din siguro ang ordinaryong manggang hilaw sa enseladang ito pero iba pa rin talaga ang lasa ng pahutan. Ginawa ko ang enseladang ito nung magluto ako ng crispy tawilis na ulam namin nitong nakaraang araw.   At para mas mapasarap pa ang aking enselada, nilagyan ko pa ito ng itlog na maalat. The result?   Nasira na naman ang diet ko.   Ewan ko, pero masarap talaga itong enseladang pahutan na ito sa mga pritong o inihaw na ulam ma-isda man o karne.   Ty nyo din. ENSELADANG PAHUTAN with SALTED EGG Mga Sangkap: 1 cup sliced Pahutan 4 pcs. sliced Tomatoes 1 large white Onion chopped 1/2 cup Bagoong Balayan or bagoong isda 4 pcs. Itlog na maalat Paraan ng paggawa: 1.   Sa isang bowl, paghaluin lamang ang lahat ng sangkap maliban sa itlog...