WALDORF SALAD
Ito ang salad dish na ginawa nitong nakaraang Noche Buena. Waldorf Salad. Noche Buena ng 2013 ako unang nakagawa ng ganito at komo nagustuhan ng marami naisipan kong ihanda ulit ito nitong Noche Buena 2014 naman.
Medyo magastos o medyo mahal ang mga sangkap nito. Pero okay lang. Espesyal naman ang okasyon at bihira lang naman kami nakakakain ng ganito.
WALDORF SALAD
Mga Sangkap:
8 pcs. Red and Green Apples (cut into cubes)
300 grams Chicken Breast (boiled then cut into cubes)
1 cup Celery (cut into small pieces)
250 grams Seedless Grapes (cut into half)
4 cups Mayonaise
1 cup Toasted Walnut
Romaine Lettuce
1/2 Lemon
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang chicken breast sa tubig na may kaunting asin at paminta. Palamigin at hiwain ng pa-cubes.
2. Hiwain ang mansanas ng pa-cubes at ilagay sa tubig na may kaunting suka. Gawin ito para hindi mangitim ang mansanas.
3. Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng mga sangkap at pigaan ng katas ng lemon.
4. Timplahan ng kaunting asin at paminta.
5. Huling ilagay ang mayonaise at haluing mabuti.
6. Ilagay muna sa fridge bago ihain.
Ihain ng medyo malamig.
Enjoy!!!
Comments