SINIGANG NA TUNA BELLY

Bisita namin sa bahay ang kapatid ng aking asawa na si Beth at ang kanyang dalawang anak na sina Joko at Alyssa. Balikbayan sila from Ireland at nagbabakasyon dito sa Pilipinas for 1 month. Sa bahay namin sila tumutuloy ng mga ilang araw para asikasuhin ang mga ilang papeles na kailangan nila.


Alam kong sabik sila sa mga pagkaing pinoy kaya naman ito ang inihanda ko sa kanila. Sinigang na tuna belly ang aking inihanda. Nitong mga nakaraang araw hindi muna kami kumakain ng mga pangkaraniwang isda dahil sa balita ng fish kill sa Batangas at sa Pangasinan. Kaya itong tuna belly ang aking niluto, alam ko kasi na galing pa ito sa parte ng Mindanao. I think General Santos City.



SINIGANG NA TUNA BELLY

Mga Sangkap:
1 kilo Tuna Belly (cut into serving pieces)
1 tali Sitaw (Hiwain sa nais na baha)
1 tali Talbos ng Kangkong
1 pc. medium size Labanos sliced
1 pack Sinigang Mix
1 thumb size Ginger sliced
1 large Tomato sliced
1 large Onion sliced
5 cloves minced Garlic
3 pcs. Siling pang-sigang
2 tbsp. Canola oil
salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2. Lagyan ng tubig o hugas bigas para pang-sabaw. Hayaang kumulo.
3. Ilagay ang sitaw, labanos at siling pang-sigang. Hayaang maluto.
4. Kung malapit nang maluto ang gulay, ilagay na ang tuna belly.
5. Timplahan ng sinigang mix at asin o patis ayos sa inyong panlasa.
6. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang isda.
7. Huling ilagay ang talbos ng kangkong.
8. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!

Comments

PinayinTexas said…
sarap naman nyan, Tito!
Dennis said…
Nagustuhan nga ng tita Linggit (beth) mo...balikbayan sila from Ireland. hehehehe
Gene said…
One time I tried making sinigang. I was even proud of myself because the soup taste good but when my father went home, he told me that I used the wrong kind of fish. I never attempted making it anymore. Hahaha!

Visiting via Food Trip Friday. Hope you can visit my entry Little Korean
Dennis said…
Gene...matanong ko lang...ano isda ba ang ginamit mo?

Well...kanya-kanya lang na taste yan....hehehehe.

Thanks for visiting....


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy