Posts

Showing posts with the label pork

BABY BACK RIBS in HICKORY BARBEQUE SAUCE

Image
Pasensya na po kung ngayon lang po ulit ako nakapag-post sa munti nating tambayan na ito.   Medyo naging busy lang po talaga sa nakaraang holidays at dito na din po sa office.   Pero promise po babawi po ako sa inyo.   Hehehehe Ito po ang isa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraang Noche Buena.   Itong Baby back Ribs in Hickory Barbeque Sauce. Actually may recipe na po ako nito sa archive pero naisipan kong mag-post ng panibagong recipe dahil sa tingin ko ay may masarap ang version na ito at talaga namang nagustuhan ng panganay kong anak na si Jake.   For sure kahit po kayo ay magugustuhan nyo din ito. BABY BACK RIBS in HICKORY BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: About 1.5 kilos Baby Back Ribs 2 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade Mix 1 Head Minced Garlic 2 pcs. Chopped Onions 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper 1 can Sprite or 7Up Soda 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Worcestershire Sauce Salt to taste 1/2 cup Brown ...

SPAGHETTI MEAT OVERLOAD in ITALIAN SAUCE

Image
Amoy na amoy na natin talaga ang kapaskuhan.   Hindi lamang sa ating mga nakikitang dekorasyon sa mga tahanan, mga daan at maging sa mga mall ay bakas na bakas at dama natin ang nalalapit na pasko. Marami din sa atin ay abalang-abala na sa pag-iisip kung ano ang masarap ihanda para sa ating Noche Buena.   Yung iba gusto ay yung kakaiba at hindi pangkaraniwan nating kinakain.   Yung iba naman gusto yung traditional o classic na inihahanda sa kapaskuhan at ginagawa na lang nilang extra special. Medyo mahirap din na kakaiba yung ihanda.  Una:   baka pumalpak ang pagkakaluto...pangalawa:   baka hindi magustuhan ng mga bata kasi hindi nila kilala yung pagkain... pangatlo:   baka magastos.    Hehehehe So para sa akin okay siguro na yung classic dishes na lang ang ating ihanda pero gawin natin extra special ang sahog at ang pagkakaluto. Kagaya nitong classic spaghetti na ito.  Madali la...

PORK HAMONADO ESPESYAL

Image
Isa sa mga recipes na nauna kong na-post sa blog na ito ay itong Pork Hamonado.   Sabi nga nung isang nag-comment sa mga espesyal na handaan lang daw siya nakakatikim ng pork dish na ito.   Sabi din niya, di daw niya masabi ang kakaibang sarap at linamnam nito.   Kahit ang kaibigan kong si Ate Joy, gustong-gusto din niya ang pork dish na ito. Akala ng marami ay mahirap gawin o lutuin ito pero sa totoo lang ay napakadali lang.   Kahit baguhan lang sa pagluluto ay matututunan ang dish na ito.   Bakit naman?   Bukod kasi sa simple lang ang paraan ng pagluluto, ay iilan din lang ang sangkap na kinakailangan.   Try nyo din po. PORK HAMONADO ESPESYAL Mga Sangkap: 2 kilos Pork Kasim or Pigue (Yung may balat pa at taba.   Ipahiwa na parang log o pahaba) 3 cups or 1 medium size can Pineapple Juice (sweetened) 2 pcs. Onion (chopped) 1 head Minced Garlic 1 cup Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce Salt and pep...

BRAISED PORK TENDERLOIN in HOISIN SAUCE

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na niluto nitong nakaraan kong kaarawan.   Itong Braised Pork Tenderloin in Hoisin Sauce. Actually, para din siyang pork hamonado.   Yun lang, pork tenderloin or lomo nga ang ginamit dito at bukod sa pineapple juice nilagyan ko din ito ng Hoisin sauce. Masarap ito.   Kakaiba yung lasa ng tamis ng sauce dahil sa hoisin sauce.   At tamang-tama din ang lambot ng karne komo lomo nga ang ginamit.  Ayos na ayos itong ihanda sa mga espesyal na okasyon lalo na din na papalapit na ang pasko.   Try nyo din po. BRAISED PORK TENDERLOIN in HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Tendeloin or Lomo 1 can Pineapple Juice 1/2 cup Hoisin Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 head Minced Garlic 2 pcs. Onion (chopped) 2 tbs. Brown Sugar 1 tsp. Sesame Oil Salt and pepper to taste Paraan ng  pagluluto: 1.   Ibabad ang pork tenderloin o lomo sa pineapple juice at timplahan ng bawang, sibuyas, asin at p...

LECHON MACAU

Image
Ang Lechon Macau ay para din lang yung paborito nating Lechon Kawali o yung Bagnet ng Ilocos.   ang pagkakaiba lang nito ay tinitimplahan pa ito ng herbs and spices habang pinapakuluan at pini-prito. Actually na-kopya ko lang ang recipe na ito sa isa pang food blog at hindi ko alam kung ganito ba talaga ang recipe na ginagamit sa Macau.   Ito pala ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Masasabi ko na masarap dahil may kakaiba itong lasa kumpara sa simple nating lechon kawali.   Try nyo din po. LECHON MACAU Mga Sangkap: 2 kilos Pork Belly (cut into blocks) 2 tsp. 5 Spice Powder 1 tsp. Garlic Powder 2 pcs. Dried Laurel Leave 2 pcs. Onion (quartered) 1 head Garlic (sliced) 2 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 tsp. Ground Black pepper Cooking Oil for Frying Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola ilagay ang pork belly,  1 tsp. ng 5 spice powder, sibuyas, ba...

LASAGNA ROLL

Image
Ito po ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Lasagna Roll. First time ko lang itong ginawa.   Yung regular na lasagna yes nakagawa na ako pero itong naka-roll ngayon pa lang talaga. Actually halos pareho lang ang proseso sa pagluluto nito.   Ang pagkakaiba lang, sa halip na i-layer yung lasagna sheets ipinapalaman yung meat at sauce at saka niro-roll.   Importante din na i-top ito ng quick melt cheese at fresh chopped basil leaves.   Yummy!!!! LASAGNA ROLL Mga Sangkap: 10 pcs. Lasagna Pasta 500 grams Ground Pork or Beef 1 can Sliced Mushroom 1/2 cup Tomato Paste 1 cup Quick Melt Cheese 1/2 cup Melted Butter1/2 tsp. Dried Oregano 1/2 tsp. Dried Basil 1/2 tsp. Dried Parsley 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large White Onion (chopped) Salt and pepper to taste For the sauce/garnish: 4 cups Spaghetti Sauce 2 cups Grated Quick melt Cheese 1/2 cup Chopped Fresh Basil Leaves  5 cloves Mi...

PORK BURGER with MUSHROOM GRAVY

Image
Paborito din ng mga anak ko ang burger steak na nabibili sa isang sikat na fast food chain.   Kaya naman kapag may pagkakataon ay nagluluto din ako nito sa bahay para sa kanila.  Nilalagyan ko na lang ng sarili kong twist ito para mas mapasarap pa. Sa version kong ito, ground pork ang ginamit ko para sa burger.   Medyo may kamahalan kasi kung baka.  hehehe.   Although may available din naman na burger patties sa supermarket, iba pa rin yung ikaw mismo ang gagawa fro scratch. Also in this version, nilahukan ko ang burger ng mga spices para may kaunting sipa kapag kinakain mo na ito.  At hindi naman ako nagkamali, masarap at juicy ang kinalabasan ng aking burger steak.   Try nyo din po. PORK BURGER with MUSHROOM GRAVY Mga Sangkap: 1 kilo Ground Pork (3/4 Lean & 1/4 Fat) 1 tsp. 5 Spice Powder 1/2 tsp. Cayene Powder 1/2 tsp. Paprika Powder 1 tsp. Ground Black Pepper 2 pcs. White Onion (chopped) 2 pcs. Fresh Eggs ...

CHOPSUEY with TOFU and LECHON KAWALI

Image
Bumibili din ba kayo nung mga packed mix vegetables kagaya ng pang pinakbet at chopsuey sa mga supermarket kagaya ng SM or Puregold?   Sa tingin ko ay mas makakamura ka dito lalo na kung hindi naman pang-marami ang lulutuin mo.   Kapag kasi bumili ka ng per klase ng gulay, medyo mapapamahal ka unless marami o lahata ay lulutuin mo.   Kagaya sa amin na pahirapan magpakain ng gulay, yung 1 pack ay okay na sa amin. Itong packed mix vegetables ang ginamit dito sa tofu and bagnet chopsuey na niluto nitong nakaraang Linggo.   As expected naubos ang tofu at bagnet at ako ang umubos ng mga gulay.   Hayyy!!!  ang mga anak ko talaga.    Hehehehe. CHOPSUEY with TOFU and LECHON KAWALI Mga Sangkap: 500 grams Lechon Kawali (cut into cubes) 1 block Tofu or Tokwa (cut into cubes then fry) Mix Vegetables (carrots, broccoli, cauliflower, Baguio beans, cabbage, celery, bell pepper, etc.) 1/2 cup Oyster Sauce 5 cloves Min...

GINISANG SAYOTE

Image
Hindi ako madalas magluto at mag-post ng vegetable dish.   Hindi kasi masyadong kumakain ng gulay ang mga anak ko.   Kaya ayun kami ng aking asawa ang umuubos kapag nagluto ako.   Pero minsan na nagluto ako ng gulay na munggo nilahukan ko ng pork liempo at kumain naman sila. Ganun ang ginawa ko sa ginisang sayote na ito.   Sinahugan ko ng giniling na baboy at kaunting oyster sauce.  At ayun, nagustuhan naman nila ito komo may karne nga.   hehehehe GINISANG SAYOTE Mga Sangkap: 2 pcs. large Sayote (cut into strips) 1 pc. Carrot (cut into strips) 250 grams Ground Pork 5 cloves MInced Garlic 2 tbsp. Oyster Sauce 1 pc. Onion (sliced) 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper 1 tsp. Brown Sugar Salt to taste 3 tbsp. Cooking Oil Spring Onion to garnish Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Isunod na agad ang giniling na baboy at timplahan ng asin at pam...

PORK ADOBO using DATU PUTI PININYAHANG ADOBO SAUCE

Image
Natatandaan nyo po ba yung post ko abount an event na aking in-attend-an several weeks ago ang 25th Anniv ng MasFlex.    During the event may mga items na pina-raffle ang mga sponsor at isa na nga dito ay itong Datu Puti.   Sa kabutihang palad ako ang nabunot para sa Datu Puti gift pack. Maraming laman ang gift pack at isa na nga dito ay itong bago nilang produkto ang Adobo Series nila.   Kagaya ng nasa larawan sa ibaba, may adobo sa pinya, spicy adobo, humba at adobo sa gata.   Sa apat na klase ng adobo na ito, itong adobo sa pinya ang aking nagustuhan.   Tamang-tama kasi yung lasa ang timpla sa karne.   Try yo din po. PORK ADOBO using DATU PUTI PININYAHANG ADOBO SAUCE  Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (cut into cubes) 1 pack Datu Puti Adobo sa Pinya Sauce 1 head Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 1 tsp. Ground Black Pepper 1 tsp. Brown Sugar Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa i...

PORK HAMONADO ESPESYAL

Image
Pangalawa sa mga dish na nai-post ko sa food blog kong ito way back January 16, 2019 ay itong Pork Hamonado.   May isang nag-comment nga doon na sa mga fiesta o handaan lang siya nakakatikim ng dish na ito.  And yes isa ito sa mga dish na inihanda ko sa nakaraang fiesta sa aming lugar. May twist akong ginawa sa pork hamonado na ito.   Bukod sa fried saba na inilagay ko for garnish,  nilagyan ko din ng lemon soda o 7up (pwede din ang sprite) ang marinade mix para kako lumambot ang karne at madaling hiwain.   At tama nga, bukod sa malambot ang kinalabasan ng nalutong karne, mas malasa at masarap ito.   Talaga naman nagustuhan ng aking mga bisita ang dish na ito.   try nyo din po. PORK HAMONADO ESPESYAL Mga Sangkap: 2 kilos Pork Kasim or Pigue (cut into 4 pcs. logs) 1 can Sweeten Pineapple Juice (miduim size can) 1 can 7Up or Sprite Soda 2 pcs. Onion (chopped) 1 head Minced Garlic 1 cup Soy Sauce Brown Sugar Sa...

BABOY at SITAW sa GATA

Image
Dapat sana ay Pork Binagoongan ang gagawin kong luto sa pork liempo na nabili ko para sa aming pang-ulam.   Kaso hindi ko napansin na wala na pala kaming bagoong alamang na pangunahing sangkap para dito.   Ang natitira na lang ay wala pang 1 kutsara na bagoong.  Hindi ko naman magawang Bicol Express at baka naman hindi makain ng mga anak ko sa anghang. E di ang ginawa ko na lang pinag-ubra ko kung ano ang meron at eto na nga ang kinalabasan.    Isang masarap pa din na dish na nagustuhan ng aking mga anak. BABOY at SITAW sa GATA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (cut into cubes or strips) 3 cups Kakang Gata Sitaw (cut into 1 inch long) 1 tbsp. bagoong Alamang 5 pcs. Siling Pang-sigang 2 pcs. Siling Labuyo 1 thumb size Ginger (cut into strips)  1 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang non-stick na kaserola o kawali, ilagay ang kar...

IGADO - An Ilocano Dish

Image
Ang Igado ay isang sikat Ilocano dish na maihahalintulad mo sa adobo o menudo.   Hindi ko alam ang ibig sabihin ng igado pero isa lang ang masasabi ko sa dish na ito.   Masarap. Masasabi kong para siyang adobo dahil may sangkap din itong suka at toyo.   Yun lang may kasama din itong carrots, red bell pepper at green peas.   Para din siyang menudo pero ang pagkakaiba lang nito ay wala itong tomato sauce at ang hiwa ng mga sangkap ay pahaba. Dapat sana Batchoy Tagalog ang gagawin kong luto sa pork lomo at atay na ito na nabili ko nitong huli kong pamamalengke.   Nabago lang ang una kong plano nang maisip ko na tinolang manok pala ang gagawin ko namang luto sa manok.   E halos pareho lang ang sangkap at pagluto sa batchoy talagalog at tinola.  Parehong may luya at papaya o sayote. Kaya eto, isang masarap na Ilocano dish para sa inyong lahat. IGADO - An Ilocano Dish Mga Sangkap: 1 kilo Pork Lomo 1/2 kilo Pork Liver ...

MEATY LUMPIANG TOGE

Image
Pahirapan pakainin ng gulay ang aking mga anak lalo na ang anak kong si James.   Mag-uulam siya ng sabaw pero pahirapan talaga sa gulay lalo na yung madadahon na gulay.   Pero laking pagtataka ko na gusto daw niya nung lumpiang toge.   Siguro nakakabili o nakakakain siya nito sa school kaya nagustuhan niya. Kaya naman nitong nakaraang Linggo naisipan kong magluto nitong Lumpiang Toge para sa aking mga anak at para matigil na din ang pagke-crave ko dito. Simple lang ang version kong ito.   Kung tutuusin nga mas ma-karne pa nga ito kumpara dun sa mga nabibili natin sa labas na puro talaga toge at iba pang gulay.   Mas makarne ginawa ko para hinay-hinay lang at hindi sila mabigla sa gulay. Okay naman ang kinalabasan.   Nagustuhan nila ito.   Si James nga yun lang ang ini-ulam at hindi na tumikim pa ng iba pang ulam.    Hehehehe MEATY LUMPIANG TOGE Mga Sangkap: 1/2 kilo Toge or Bean Sprout 1...

PINALABUAN

Image
Ang Pinalabuan ay isang pork dish na maihahalintulad sa dinuguan o tinumis na tawag naman namin sa Bulacan.   Halos parehong-pareho lang siya ng dinuguan,  Ang napansin ko lang na pagkakaiba ay medyo masabaw itong pinalabuan.  Last Sunday, dapat sana ay lechong kawali ang aming ulam para sa aming pananghalian.   Ewan ko ba kung bakit nung namamalengke na ako ay naisip kong magluto nitong pinalabuan. So pagdating na pakadating ko sa bahay inihanda ko na ang pagluluto nito bago kami makapag-simba.   Habang niluluto ko ito, naisip ko ang turo sa akin ng aking mother in law na si Inay Elo.   Sa kanya ko nakuha ang tamang pagluluto nito at yung teknik para hindi makulta ang dugo na inlalagay.  Medyo nalungkot lang ako dahil may sakit noon.   At sa ilang beses na nagluto ako nito, ngayon ko lang ata nakuha yung perfect na lasa ng pinalabuan.   Kahit ang asawa kong si Jolly ay napansin ito.   PINALABUAN ...

CLASSIC CRISPY PATA

Image
CLASSIC CRISPY  PATA Ilang buwan na ding sira ang aming turbo broiler...na miss ko tuloy ang mga paborito kong lutuin dito kagaya ng roasted chicken at itong crispy pata.   Kaya eto balik sa original o classic na paraan ng pagluluto ng crispy pata ang aking ginawa.   Well, mas masarap naman talaga yung original o classic kumpara sa luto sa turbo o pugon.   At syempre nasa timpla pa din ang sekreto para sa isang masarap na crispy pata. Narito ang ilan sa mga tips para sa isang masarap na crispy pata: 1.   Dapat batang pata ng baboy ang gagamitin.   Malalaman ito sa kapal ng balat ng pata. 2.   Pakuluan ang pata sa kaserolang may maraming asin, bawang, sibuyas, dahon ng laurel at pamintang buo. 3.   Huwag i-overcooked din ang paglalaga ng pata dahil ipi-prito pa ito.   Yung tama lang ang lambot dapat. 4.   Pagkatapos palamigin ang nilagang pata, hiwaan ang paligid nito na sagad hangga...

PANCIT LOMI GUISADO

Image
Nitong huling pagbisita namin sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas nitong nakaraang mahal na araw, hindi maaring hindi ako maka-kain ng paborito kong loming Batangas.   Ewan ko ba, solve na solve ako sa kanilang lomi.   Kaya naman ng magawi kami ng palengke bago kami bumalik ng Manila, naisipan kong bumili nitong lomi noodles. Actually, hindi ko pa alam noon kung yung may sabaw ang gagawin kong luto dito o yung guisado o parang pancit.   Pancit guisado nauwi ang naging luto sa noodles.   Pork at gulay ang isinahog at nilagyan din ng kaunting sesame oil para madagdag ng flavor sa noodles. PANCIT LOMI GUISADO Mga Sangkap: 1 kilo Lomi Noodles (Egg noodles) 1/2 kilo Pork Belly 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 100 grams Baguio Beans (sliced) 1 pc. Carrot (cut into strips) Pechay Baguio or Repolyo (sliced) 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste ...

ADOBONG BUTO-BUTO

Image
Masarap na i-adobo ang pork ribs o yung mga buto-buto ng baboy.   Nandun kasi yung masarap na lasa ng baboy.    Sa lugar nga ng asawa kong si Jolly sa San Jose Batangas, ganito ang adobo na niluluto nila.   Masarap naman talaga ang adobo nila kaya naman naisipan kog magluto din ng kagaya nito sa amin nitong nakaraang araw. Masarap talaga.   Paniguradong mapaparami ka ng kanin kapag ganito ang ulam mo.   Hehehehe ADOBONG BUTO-BUTO Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Ribs or Buto-Buto 1 cup Cane Vinegar 1 cup Soy Sauce 2 heads Minced Garlic 1 pc. Large Onion (chopped) 1 tsp. Freshly Crack Pepper 1 tsp. Worcestershire Sauce 2 pcs. Large Potatoes (cut into cubes) 3 tbsp. Cooking 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap or 1 tbsp. Sugar Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.  Hanguin sa isang lalagyan. 2.   Sun...

PAN-GRILLED PORK BELLY

Image
Isa sa mga paborito kong luto sa pork belly o liempo ay inihaw.   Ang problema lang hindi ko magawang mag-ihaw sa bahay komo sa condo nga kami nakatira ng aming pamilya. Kung bibili ka naman sa mga resto o yung ihaw-ihaw kagaya ng Andoks o Baliwag, medyo may kamahalan ito at mabibitin ka lang sa laki.   Kaya mas mainam pa nga na magluto ka na lang sa bahay. Para mawala ang pagke-crave ko sa inihaw na liempo, sa halip na iihaw ito sa live na baga ay sa kawali ko na lang ito niluto o pan-grill.   Pwede din yung mga nabibiling stove top na griller.   Yun lang iba pa rin talaga yung ihaw sa baga.  Pero pwede na din.   Masarap pa rin ang kinalabasan ng aking niluto.   Try nyo po itong recipe ko. PAN-GRILLED PORK BELLY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba...pahiwa ng mga 1/2 inch ang kapal) 1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade 1/2 can Sprite or 7Up 1 tsp. Ground Black Pepp...

CREAMY PORK BINAGOONGAN

Image
Nagluto ako ng Bagoong Alamang nitong isang araw.   At isa lang ang naisip kong dish na pwedeng paglahukan nito.   Ang Pork Binagoongan.   Favorite ko kasi ito. Pangkaraniwan nilalagyan din ng gata ng niyog itong binagoongan.   Mas napapatingkad kasi nito ang sarap at lasa ng kabuuan ng dish.   But this time all purpose cream naman ang aking ginamit.   May natanggap kasi akong gift pack from Alaska dahil sa pag-sali ko sa isa nilang pa-contest.  Kaya para mapakinabangan na ginamit ko na ito sa dish na ito. Masarap ang kinalabasan.   But still, nasa magandang quality ng bagoong alamang ang pinaka-key para mapasarap ang dish na ito.  Try nyo din po. CREAMY PORK BINAGOONGAN Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (cut into cubes) 2 cups Bagoong Alamang 1 tetra brick Alaska Crema or All Purpose Cream 3 tbsp. Cane Vinegar 2 pcs. Tomatoes (slcied) 1 pc. Onion (sliced) 1 head Minced Garlic 1 tsp. Maggi...