PORK ADOBO using DATU PUTI PININYAHANG ADOBO SAUCE

Natatandaan nyo po ba yung post ko abount an event na aking in-attend-an several weeks ago ang 25th Anniv ng MasFlex.    During the event may mga items na pina-raffle ang mga sponsor at isa na nga dito ay itong Datu Puti.   Sa kabutihang palad ako ang nabunot para sa Datu Puti gift pack.

Maraming laman ang gift pack at isa na nga dito ay itong bago nilang produkto ang Adobo Series nila.   Kagaya ng nasa larawan sa ibaba, may adobo sa pinya, spicy adobo, humba at adobo sa gata.   Sa apat na klase ng adobo na ito, itong adobo sa pinya ang aking nagustuhan.   Tamang-tama kasi yung lasa ang timpla sa karne.   Try yo din po.


PORK ADOBO using DATU PUTI PININYAHANG ADOBO SAUCE


 Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (cut into cubes)
1 pack Datu Puti Adobo sa Pinya Sauce

1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
1 tsp. Ground Black Pepper
1 tsp. Brown Sugar

Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali o kaserola pakuluan ang pork belly sa tubig na may asin hanggang sa malapit nang lumambot ang karne.
2.   Kapag malambot na ang karne, ilagay na ang Datu Puti Pininyahang Adobo Sauce, minced garlic, ginayat na sibuyas, paminta at brown sugar.   Takpan muli at hayaang kumulo.
3.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note:    Kung gusto ninyo na medyo masabaw ang inyong adobo pwedeng lagyan nyo pa ng tubig o dagdag na toyo at suka.   Also, pwede nyo ding dagdagan n hard-boiled eggs ang inyong adobo.  TY

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy